Mga Baliw na Manunulat

Adik Series 1: Ai Loves Yu

Akda ni: Ex De Calibre




   


    Aira needed money, para matubos ang pwesto ng kanyang yumaong ina sa Maliboot Market, isang maluwang na public market sa bayan ng Adikterya. Nanganganib mawala ang ipinundar at pilit inaalagaang pwesto ng kanyang ina dahil sa panggigipit ni Mang Edmundo, ang head tindero ng naturang palengke.    Dahil doon, kailangan niyang lumaklak ng sangkaterbang redhorse para masikmura niyang sumali sa patimpalak na Palengke Queen--isang beauty pageant para sa mga tindera dealigaga na kagaya niya. Ayaw man niyang masali sa kalokohang iyon, wala na siyang magagawa. Lalo pa't isang tumataginting na isandaang libong piso ang premyo.

    "Harujusmiyo! Kapag ako nanalo, papabutasan ko ang noo ni Mang Edmundo at ipapahila ko siya sa nag-aalmuranas na kabayo!" nagniningning ang mga matang sambit ng umaasang si Aira.

    Ngunit paano nga pala siya makakasali, kung ang tinatanggap lang sa patimpalak ay mga babaeng natitipuhan ni Yuri Hanigami--isang hinayupak na adik yata sa mga chicks? Suplado, matalino, maarte, gwapo, boy maldito, at napakayamang maligno at ang anak ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng Maliboot Market?

    Ah, ketek! Eh ano kung nagawa niyang buhusan ito ng isang banyera ng isda noong isang araw? Eh ano naman kung nagawa niyang buhusan ito ng tubig kagaya ng ginagawa niya sa mga paninda niyang isda?

    Basta, sasali siya kahit pa magtumbalelong siya sa mga banat nitong pang-adik! LALABAN SIYA BILANG ISANG ADIK! Wuuuuuuuuuuh!










    Leave a comment