Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 7)

Akda ni: Ex De Calibre




   

             “Bili na kayo mga suki!!! Dito na kayo, mura at sariwa, maganda pa ang tinderang amazona!” sigaw ni Aira habang ang kamay ay abalang humahakot ng mga mamimili. Araw ng linggo at Market day ulit kaya kailangan niyang mag-doble kayod para madami siyang kita. Mabuti na lang at kahit na kibuin dili siya ng mga kasama niyang tindera, biglang sikat naman siya sa mga mamimili dahil sa eksena nila ni Yu noong nakaraang araw.

            “Mareng Chris! Dito ka na! May discount sa pwesto ko ang mga kagaya mong maganda.”

            “Bolera!” natatawang lumapit sa kanya ang kanyang suki.

            “Hoy, hindi bola iyon.” aniya habang naghahanda ng supot para sa mapipili nitong mga isda.

            “Mukhang may eksena na naman ngayon.” ani Chris.

                Sinundan niya ng tingin ang inginuso nito—si Yu, with his black t-shirt on that emphasized his great physique—naglalakad palapit sa kanya. Napasimangot siya. “May paparating na delubyo.”

            “Hello, Aira.” bati ni Yu.

            “Hello your face!”

            “Napakasungit naman ng amazona, mukhang may pulang tuldok yata.”

            “Shut up! Lumayas ka nga sa harap ko, tsupiii! Shooooooo!” taboy niya. Muli niyang hinawakan ang malaking kutsilyo niya. She saw Yu’s grin.

            “Dahil sa kutsilyong iyan, may naalala ako.”

            “Alam ko kung ano, iyong karuwagan mo? Baklang bakla ka eh! Baklang sakang!” sigaw niya. Napalingon ang lahat sa gawi nila. Showtime ulit? Ah, wala siyang paki-alam!

            “Lumabas ka diyan at ipapaalala ko sa’yo kung ano iyon.”

            Natigilan siya. Ano ba’ng sinasabi nito? she stared at him wide eyed. When his left eyebrow arched, pakiramdam niya ay biglang nag-rewind ang nangyari sa kanila kahapon.

            “Babawiin mo iyan bukas, babawiin mo ang sinabi mong iyan bukas sa oras na natikman mo ang halik ko.”

            “As if papayag akong gawin mo sa akin iyon.” nagmamatapang niyang sagot. Kahit na ang totoo ay laksa laksang kaba ang dumaluhong sa puso niya. kung sa takot iyon o dahil sa excitement ay hindi niya na alam. Basta ang alam niya, parang naturukan ng anaesthesia ang utak niya dahil namanhid iyon at ayaw ng gumana.

            “I’m not asking for your permission.” he grinned.

            “Hindi ka makakalapit sa akin, dahil sa oras na binalak mong gawin iyon, tiyak kong tumitilamsik na ang dugo dito sa talipapa dahil natagpas ko na iyang ulo mo—sa taas at baba.”

            “Try me.”

            Nanlaki ang mga mata niya nang makitang umisod ito at akmang lalapit nga sa kanya. Nakita niya ang ngiti ng tagumpay sa mga labi nito nang mapansin nito ang takot sa mukha niya. Natigilan siya. So, natutuwa siyang nakikitang natatakot ako? Iyon ba ang balak nito? ang ipakita sa aking duwag ako?

            “Hindi ako papayag!” sigaw niya. Siya na mismo ang lumabas mula sa kanyang pwesto at hinarap ang nakangising binata. “Akala mo natatakot ako sa’yo? Asa ka!”

            “Bakit, hindi ba? Takot ka naman talaga ah? Sa halik ko?”

            “Halik ba? Walang kinatatakutan si Ai, halik lang pala eh.” ngumuso siya at inilapit pa iyon kay Yu. She saw how shocked he was. Bahagya pa itong napaatras dahil sa ginawa niyang alam niyang hindi nito inaasahan.

            “Sino ngayon ang takot?” ngumisi siya.

            “Malamang ikaw, dahil hindi maaaring ako iyon.” Inilapit din nito ang mukha sa kanya. Tinibayan niya ang kanyang loob. Hindi siya umatras at tila inaantay pa niya ang pagdantay ng mga labi nito sa nanginginig na mga labi niya.

            “Kung ayaw mong magpatalo, mas lalong ayoko!”

            Umangat ang kamay nito at hinawakan siya sa batok. Iniamba nito ang mukha niya paharap rito. One inch, one single move and their lips would sure meet. Napalunok siya. Hindi siya magpapatalo! Mayabang niyang iniangat ang mukha paharap rito.

            Kitang kita niya ang inis sa gwapong mukha nito dahil sa katapangang ipinapakita niya. She could feel the intense commotion their audience has started around them. Mukhang hindi lang siya ang nagpipigil ng hininga sa mga oras na iyon!

            Tinignan niya ito at binigyan ng “ano-pang-ginagawa-mo” look. His eyes showered her with so much aggravation.

            “Ikaw pala itong duwag eh! Kita mo na? ako naman talaga ang—“ at hindi na niya natapos ang pang-iinis dahil sa biglang pagbaba ng mga labi ni Yu sa mga labi niya.

            Kulang nalang ay tumilapon ang kanyang mga mata palabas ng talipapa sa sobrang gulat. His sweet lips felt like cotton, and tasted like a candy—cotton candy. Nahigit niya ang hininga nang biglang gumalaw iyon, marahan, nanunudyo, tumitikim. Sa ekspertong paggalaw, nagawa nitong pasunurin ang kanyang inosenteng mga labi.

          


Aaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!                 

                Nagpapakawag kawag, nagmamarakulyo at nag-aamok ang utak ni Aira ng mga sandaling iyon. Yu was kissing her! For pity’s sake, he was kissing her passionately, and in front of the maddening crowd!

                  Halos mabingi ang tenga niya sa sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao sa paligid nila. Ang “halina kayo mga suki” na dating isinisigaw sa Maliboot Market ay biglang napalitan ng “Go Yu! Astig mo pare! Idol! Kiss! Kiss! Kiss!”

                 Sinubukan niyang sumigaw, pero nang sandaling ibinuka niya ang kanyang bibig ay sinamantala lamang iyon ni Yu. He zealously conquered her mouth, more demanding, more passionate, hotter, and wilder. Pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng lakas at anumang sandali ay mabubuway na siya sa pagkakatayo, kaya ang dalawa niyang kamay ay kusang umakyat patungo sa batok ni Yu at kumapit roon.

                 Sa ginawa niya ay mas lalong nagsigawan ang mga tao. Doon siya natauhan. Ramdam niya ang pamumula ng kanyang mukha, ang pag-usok ng kanyang katawan dahil sa init na ibinibigay ni Yu sa kanya.

Ah! Ketek! Halimaw na ito! Natatangay ang malandi kong kaluluwa. Oh good Lord, tulungan mo po ako. Ayokong bumigay sa isang ito.

                 Pareho silang hinihingal ni Yu nang tuluyan siyang pakawalan ng binata. Yu’s face illuminated triumph. Para itong nanalo ng jueteng sa hitsura nito. Napakagat labi siya. Pinigilan niya ang sariling tignan ang nagtatawanang “audience” nila, pero hindi rin siya nakapagpigil.

                 She should have not faced them. Ang nakakaasar na tawa ng mga ito ay mas lalong nagpasama sa pakiramdam niya. Wasak na wasak na ang kanyang pride dahil hindi niya nagawang pigilan ang kanyang sarili kanina noong hinalikan siya ni Yu.

                 Dahil tinugon niya ang parusa nito sa kanya, ay para na rin siyang umaming talo siya. Wala na siyang mukhang maihaharap rito, dahil tama ang sinabi nito, sa halik pa lang nito ay talo na siya. Talong talo.

Gusto niyang tadyakan ang sarili. Gusto niyang maghamon ng away, gusto niyang batuhin ng granada ang mga siraulong tumatawa sa kamiserablehan niya ng mga sandaling iyon. She threw Yu a very hateful look.

                 Hinding hindi niya ito mapapatawad dahil sa dalawang kadahilanan. Unang una, dahil ipinahiya siya nito sa harap ng mga tao—nagawa nitong paaminin siyang hindi niya kayang labanan ang halik nito. At pangalawa ay dahil ito ang first kiss niya! Sinira nito ang pantasya niya tungkol sa inaasam at inaabangan niyang first kiss!

                Mabilis niyang pinunasan ang luhang namalibis mula sa kanyang mga mata. Naging mailap ang kanyang mga mata at napayuko na siya. Kung maaari lang sana ay hihilingin na niyang bumuka ang lupa at lamunin siya.

                 “A-aira…” gulat na sambit ni Yu nang mapansin ang luha niya.

                 Sa halip na sumagot ay mas pinili niyang tumalikod at tumakbo palabas ng talipapa.












         











    Leave a comment