Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 15)

Akda ni: Ex De Calibre




   
“H-humble home? You call this a humble home? Are you crazy?!” bulalas ni Aira na halos hindi na maalis ang tingin sa tanawing pumukaw sa kanyang atensyon.     “You’re exaggerating.” tinabihan siya ni Yu at tinanaw rin ang malawak na lupain ng mga Hanigami.

     The parcel of land is 4 acre in total size, iyon ay napupuno ng mga puno ng mangga na siyang pangunahing produkto ng Hacienca Estrella—pag-aari ng pamilya ng kanyang ina na isang Pilipina.

     “This place is awesome! Grabe! Ang lawak ng lupain ninyo!” bulalas niya.

     “Medyo.”

     “Medyo ka  diyan! Look! May mga baka! Dali! Puntahan natin!” parang batang hinila ni Aira ang kamay ni Yu at excited na hinila ang binata papunta sa kinaroroonan ng mga baka. Napapalibutan ang mga iyon ng isang napakalaking kahoy na bakod.

     Napahawak siya sa barandilya ng bakod. “Grabeeeeeeeee! Ang dami!” naglambitin siya sa mataas na bakod.

     “Hey! Watch out. Baka mahulog ka diyan.”

     “Come one! Loosen up. Nakakatuwa kaya umakyat dito. Grabe, hindi ako makaget over sa mga baka.”

     “Baka nga mahulog ka. Para kang bata.” Yu said in an amused tone.

     “Sus. KJ ka lang kasi.” inirapan niya ang nakangiting binata. “Waaaaaaaaaah! May mga kalabaw! Ang dami din nila!” sigaw niya habang masayang itinuturo ang isa pang lugar kung saan nakikita rin niya ang kumpulan ng maraming kalabaw. Katulad ng mga baka ay nasa loob din ng mga bakod ang mga iyon.

     “Silly. Hindi mga kalabaw iyon. They are called bulls.” natatawang lumapit sa kanya si Yu at hinawakan siya sa bewang upang ibaba mula sa may kataasang bakod.

     “Puntahan natin?” nakangiting sabi niya. Ni hindi na siya pumalag sa ginawang pagbuhat sa kanya ni Yu.

     “No. delikado doon. Hindi sila sanay na nakakakita ng gwapo. Baka dumugin ako.”

     “Edi huwag ka ng sumama! Ako na lang mag-isa ang pupunta.” asar na tinabig niya ito at tsaka nilampasang naglakad siya papunta sa direksyon ng mga toro.

     “Not so fast young lady. Delikado doon.” muli siyang hinawakan ni Yu sa bewang upang pigilan. Nagpakawag kawag siya. pero gaya ng dati, dahil mas malakas sa kanya ang binata, wala rin siyang nagawa.

     “Nakakainis ka! I wanna go there!”

     “I said no! Come on. Don’t act like a brat.”

     “I am not a brat! Am not! Am not! Am not!!!!”

     Sa tinuran niya ay sabay na rin silang napatawa. “Ang daya mo. Sabi mo ipapasyal mo ako.” she changed her tactics. Nginitian niya ng pagkatamis tamis si Yu. Iniangat niya ang mga kamay at isinabit iyon sa batok ng binata.

     “Change of tactics huh?” nakangising turan nito.

     “Diba mabait ka naman?” nagpapa-cute na sabi niya.

     “If you’ll kiss me right now, I might consider taking you to that place.”

      Natigilan siya. Great! Kiss daw! Tinignan niya ito ng masama. Binaklas niya rin ang mga kamay na nakapulupot sa batok nito. Matapang naman siya! Matapang! Talagang matapang!

     “Akala ko ba matapang ka?” tila nabasa ni Yu ang nasa isip niya.

     “Matapang naman talaga ako!” deklara niya. Hindi nga lang sa pagkakataong ito. Hindi sa paraang gusto mo. Hindi lang dahil nahihiya ako, kundi dahil hindi ako marunong humalik!!!!!!

     Nakangiting tinitigan siya ni Yu. Umangat ang kamay nito at maingat na hinawakan siya sa baba. Eye to eye, his intese desire took her to a place she had never gone before.

     Tanging ang malakas na tibok na lamang ng kanyang puso ang naririnig niya. Tanging si Yu na lang ang nakikita niya. At tanging ang mga labi nito ang nais niyang mahawakan ng mga sandaling iyon.

     Hindi niya mawari kung bakit siya nagkakaganon.

     Ahh…nakalimutan niya. Mahal na nga pala niya ang binata. Mahal na mahal. Napalunok siya nang mapansin ang dahan dahang pagbaba ng mga labi nito sa mga labi niya. As if a lightning striked her, nanginig ang buong katawan niya.

     It wasn’t the first time that Yu had kissed her. Pero hindi kagaya ng mga nauna, kakaiba ang halik nito ng mga sandaling iyon. The kiss was soft, so tender and very mushy. Para bang isang babas aging crystal ang turing nito sa mga labi niya.

     It was so delicate. Ang painot inot na pagdampi ng mga labi nito ay parang shabu na nangdadala sa kanya sa isang lugar na hindi niya basta basta maabot. Like a drug, his kiss was very ecstactic.

     Grabe! Shabu! Shabu na ang ginamit niyang term. Nakakalula. Ang marahan nitong halik ay naging uhaw. Naghahanap, nananabik. Wala sa loob na umakyat ang mga kamay niya at muling pumaikot sa batok nito. Tila sa paraang iyon man lang ay makakuha siya ng lakas para makatayo ng maayos.

     Isang mahinang patak ng ulan ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Napaatras siya at biglang napalayo kay Yu na tila ba napapaso. Pareho silang hingal na hingal dahil sa sagupaang kinasangkutan ng kanilang mga uhaw na labi.

     “I-it’s raining.” kandautal utal na aniya.

     “Indeed, it is.”

     “L-let’s go back?”

     “No.” mabilis itong lumapit sa kanya at niyakap siya sa bewang. “Let’s enjoy the rain.”

     “A-ano ka! Bitiwan mo ako! Mababasa ako!”

     “Natural! Magpapaulan tayo eh.”

     “T-tigilan mo ako!”

     “Tigilan pala ha.” nang-aasar na hinarap siya ni Yu at tsaka pinaliguan ng tusok ng hintuturo sa bewang. Nagtititili siya!

     “Stop it! Nakikiliti ako.” Natatawang tumakbo siya palayo.

     “Nandiyan na akooooo!”

     “Lumayo kaaaaaaaaaaaaaaaaaa!”

    “Kapag nahabol kita, hahalikan ulit kita!”

    “Neknek mo!” natatawang binilisan niya ang pagtakbo. Sa isang iglap, para na silang mga batang tuwang tuwang naglalaro sa ilalim ng ulam at nagtatakbuhan sa damuhan. Everything seemed so light. Tipong mas bright pa ang araw niya kahit na wala si Mr. Sun.

     Hindi na nagtagal at naabutan rin siya ni Yu. Muli siyang niyakap nito sa bewang. At dahil hindi niya inaasahan ang ginawa nito ay bigla siyang natumba sa damuhan. Nagtatawanang nagpagulong gulong sila.

     Until they finally stopped rolling and Yu was laying on top of her. Their frenzied laugh suddenly subsided. Their gazes locked. Their minds intertwined. For a moment, their hearts made the talking. Their eyes made the kissing and their smiles made the hugging.

     How heavenly could that be?

     Muling napuno ng tawanan ang tahimik na bahaging iyon ng hacienda.

    “Let’s go? Puntahan natin ang mga torro.” yakag ni Yu.

    “H-ha? Diba sabi mo delikado ‘dun?” nagtatakang tanong niya.

    “Siyempre, joke lang iyon. Hindi naman tayo papasok sa loob ng kulungan nila eh.”

    “Eh bat mo pa ako pinigil-pigilan kanina?” asik niya.

    “Wala lang. pa-cute. Umubra naman diba?” nakangising kumindat pa ito.

    “Adik!” natawa na naman siya.

    “Adik sa’yo.”

     “Weh!”

     “Weh ka din. Halikan kita diyan eh.”

     “Neknek mo!”

     “Ah, sa neck mo gusto? Sure, why not chocnut.”

      “Che!”

      “Check? Astig! Let’s do it!”

      Natatawang tumayo siya at muling tumakbo palayo sa nang-aasar na si Yu. Muli, parang batang nagtakbuhan ang dalawa sa malawak na lupang naging saksi ng kanilang ka-cheesy-han.

                                       ***

     Kahit na basang basa ay minabuting dumiretso ni Aira sa talipapa. Hindi siya nagpapigil kay Yu kahit na nais nitong magpalit muna siya ng damit o kaya ay magpahinga muna sa hacienda.

     Hindi alam ni Aira, pero tila may mumunting tinig ang nag-uudyok sa kanya upang pumunta sa talipapa. Iniwan niyang humahabol sa kanyang mabilis na paglalakad ang pagod ngunit ngi-ngiti ngiting si Yu.

     Napailing siya. Nakaisa kasi sa alindog ko. Napangiti na rin siya.

     “Uy! Ai, bakit ngayon ka lang? tapos na ang talent portion ng pre-pageant competition ah. Umatras ka daw?” nagtatakang tanong ni Nikka na gulat na gulat na sumalubong sa kanya.

     “Ha? Ngayon na daw ba? Diba bukas pa iyon?”

     “Ay naku, hindi. Napaaga nga raw eh. Forfeited daw iyong mga hindi nakadalo. Automatic na disqualified na.”

Halos malaglag ang panga niya sa narinig.

      SIYA, DISQUALIFIED NA? Oh hindeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!








       
  










Picture
ITO NGA PALA SI YU. :*>

    Leave a comment