Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 2)

Akda ni: Ex De Calibre




   

                “Hi Ai my labs.” nakangsing bungad ni Mang Edmundo kay Aira.           
               “Ay butiking nahulog sa kisame at napadapa ng nakapakeke!” natatarantang sambit niya. Naiiritang napalingon siya sa kalbong nasa tabi niya. May hawak itong cheap na bulaklak na halatang nabili lang nito sa kanto. “Wuzzap Mang Edmundo! Napadaan ka yata.”

            “Bibisitahin ko lang ang pinakamagandang dalaga dito sa Maliboot Talipapa. Para sa’yo my labs.” Iniabot nito sa kanya ang dalang mga bulaklak.

            “Salamat Mang Edmundo. You the beast among the rest!” ngiting aso ang iginawag niya sa matanda. Magsalita ka lng ng tungkol sa utang ni Inay, ikukuskos ko sa aspalto yang kumikinang mong ulo. Maingat niyang inilapag ang mga bulaklak sa katabi niyang upuan. Naghanda na siya para sa isang nakaambang giyera.

            “Maghunus dili ka my labs. Hindi muna ako maniningil ng utang. Ipapaalala ko lang sa’yo na isang buwan na lang ang maibibigay kong palugit sa’yo.” anito at tsaka mabilis na tumalilis palayo.

            “Mabuti at nakakaintindi ng sign language ang kalbong iyon.” iiling iling na bulong niya sa sarili.

            “Ano’ng ibinubulong bulong mo diyan?” takang tanong ni Macke na abala sa pagwiwisik wisik nito ng tubig sa mga panindang isda.

            “Sekretong malupit.”

            “May binabalak ka ano?” singit ng atribidang si Jhen.

            “Oo. Ipagluluto ko ng masarap na paksiw nab angus si Mang Edmundo.”

            “Tapos?” excited na lumapit sa kanya ang dalawa.

            “Ipagtitimpla ko siya ng juice.”

            “Tapos?”

            “Tapos, ipapakain ko at ipapainom ang lahat ng iyon sa kanya.”

            “Tapooooooos?”

            “Tapos lalasunin ko siya at kayo ang pagbibintangan kong pumatay. Tapos ang problema ko. Diba astig?” inis na itinulak niya ang nakasimangot na kasamahan. “Mga tsismosa kayo, subukan ninyong isumbong sa mga pulis ang plano ko. Kayo ang lalasunin ko.” natatawang banta niya.

            Sa nakitang panghihilakbot ng dalawa ay mas lalong lumakas ang tawa niya. Paano, mukhang naniwala naman ang mga baliw. Akala pa naman niya ay siya lang ang adik sa talipapang iyon. Napailing siya.

            “The crazy girl has gone wild. So disturbing.”

            Napalingon siya sa nagsalitang. Biglang naningkit ang mga mata niya nang makilala ang lalaking nakatayo sa harapan ng pwesto niya. Ang singkit na inglesero kahapon!

            “What is you done here?” pagsusungit niya. She almost grinned when she saw that same reaction she got when he heard her english grammar.

            “Stop it. Marunong akong magtagalog kaya pwede bang magtagalog ka nalang? Nawiwindang na naman ako sa kaka-english mo. It’s creepy.”

            “It’s creepy.” gagad niya. “Ikaw nga, hindi nagja-japanese, pinupuna ba kita? Napaka-ek ek ng sakang na’to” nakapamaywang na sabi niya. Wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan na sila ng mga tao. “Ano, bibili ka o hindi? Kung hindi e lumayas layas ka na sa harap ng pwesto ko. You’re blocking my way! No parking here. Tsupiiii!”

            “Nandito ako para maningil.”

            “Weh. Wala naman akong utang sa’yo ah?” bigla niyang naalala si Mang Edmundo. “Huwag mong sabihing nabalitaan mo ang pakulo ni Mang Edmundo at nakikiuso ka na rin? May utang din sa’yo ang nanay ko?” tinapunan niya ito ng isang pailalalim na tingin.

            “What?” kunot-noong anas nito.

            “Aysus. Ayan, nag-english ka na naman. Now I am allowing myself to talked in english. Because you what what me already, I could spoke in english again.” nakangising aniya.

            “Shut up!”

            “No way highway!”

            “Bayaran mo iyong nasira kong damit.”

            “Mukha mo, bat ko gagawin iyon? Sinira ko ba? E ikaw itong tatanga tanga kaya nabunggo mo ako. It’s you’re faulty, not me.” dinuro niya ito.

            “I told you! Stop talking in english. Wrong grammar ka kaya nakakarindi!” mukhang nasagad na niya ang pasensya nito. Sukat sa narinig ay napatawa siya ng malakas. His reaction to her obvious teasing was very funny.

            “Nani? Dou shita no?” nakangising sambit niya. Nakita niyang natigilan ito. “Astig ko ‘no? Marunong ako magjapanese. Oha! Napanood ko lang yan sa Detective Conan.” natatawang sabi niya.

            “You really are crazy.”

            “Yes yes yo! At dahil diyan, pinapalayas na kita. Tsupiii! You’re blocking my way. Mareng Chris!!!!! Suki! Come to me! Sakin ka bumili!” Sigaw niya nang makita ang kanyang paboritong suki.

            Iiling iling lang na tinignan siya ng lalaking hapon. “You’re disqualified! I won’t allow that someone like you would join that contest.” maigiting ang naging pahayag nito bago siya tuluyang iniwan.

            “Ano daw?” nagtatakang aniya sa kalalapit lang na si Chris.

            “Hindi mo ba alam? Judge iyon sa nalalapit na Palengke Queen Pageant dito sa Maliboot Market. Siya yata iyong pipili at mag-aapprove ng mga kwalipikadong contestants. Akala ko ba sasali ka, kasi malaki ang premyo doon?”

            “J-judge? Iyong mokong na iyon?”

            “Oo. Anak siya ni Mr. Hanagami, iyong may-ari ng lupang kinatitirikan ng talipapa.”

            Sa narinig ay bigla siyang napaupo. Para siyang inagawan ng lakas. Ketek! Paano na ang isang daang libong piso niyaaaaaaaaaaaaaaaaaaa? Oh noooooooooooooooo! Tumayo siya at mabilis na isinukbit sa bewang ang kanyang belt bag.

            “Macke, Jhen. Pakibantay saglit itong pwesto ko. Bilang ko ang mga isda ko, huwag kayong mangungupit. Hahabulin ko lang si Mr. Sakang!”


         











    Leave a comment