Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 17)

Akda ni: Ex De Calibre




   
“I love you! Mahal kita! Ai shi teru, Aira.” masuyong sabi ni Yu sa kanya. Kasalukuyang pinapanood nila ng magkatabi ang palubog ng araw.  Ang kulay kahel na sinag ng papalubog na haring araw ay tila confetting nagsabog sa buong paligid ni Aira. The scenery caught her heart.     “I love you too, Yu. Mahal na mahal kita.” she dramatically said and slowly, hugged him cozily. Naramdaman niya ang masuyong pag-inot ng mga labi nito sa ibabaw ng ulo niya. She smiled sweetly.

     “Please, don’t ever leave me. Mahal na mahal kita.” madamdaming aniya.

     “You’re really pathetic. Hindi mo ba alam na nagjo-joke lang ako? Na niloloko lang kita? You are so funny! You’re a looser who deserved a red card.” pinuno ng mataginting na tawa ni Yu ang buong paligid.

     Pagkuwan’y biglang nagbago ang paligid. Ang maaliwas na tanawin sa tabing dagat ay biglang naging isang madilim na bahagi sa talipapa. Nakakahilo ang biglaang pag-ikot ng paligid niya. Umihip ang isang napakalamig na hangin na dagling nagpabilis ng tibok ng puso niya.

     Parang napapasong napaatras siya at napalayo sa binata. Nanginginig na napatitig siya sa nakakaasar na mukha nito habang pinagtatawanan siya. Naramdaman niya ang mainit na likidong bumalong mula sa kanyang mga mata. Mabilis niyang pinalis iyon ngunit wala ring silbi dahil muling tumulo ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.

     “T-tigil. T-tumigil ka.”

     “You’re a looser!” patuloy pa rin ito sa pagtawa. Hindi pa ito nakuntento at dinuro pa siya habang halos hindi ito magkamayaw sa pagtawa sa kanya. Mayamaya’y dumating ang lahat ng mga taga-talipapa. Si Mang Edmundo, Macke, Jhen, sina Yesha at Dess. Lahat ng mga tindera, suki at mamimili sa talipapa, sumabay sa pagtawa ni Yu.

     Nabibingi na siya. Mabilis niyang iniangat ang mga kamay upang takpan ang kanyang tenga. Ayaw niyang marinig ang mga tawa nila. Ayaw niyang marinig! Ayaw niya!

     “Tumigil na kayo!”

     Patuloy pa rin ang lahat sa pagtawa sa kanya. Pumaikot sila at pinalibutan siya. Habang tumatawa ay kitang kita niya kung paanong dinuduro, kinukutya at kinakaawaan siya ng lahat.

Mas lalong napadiin ang hawak niya sa mga tenga. Napapikit na siya at napayukyok sa sahig. “Tama na. Nagmamakaawa ako, tama na.” tumatangis na sumamo niya. Habang ang lahat ay patuloy na pinagtatawanan siya ay patuloy rin ang pagbalong ng masaganang luha niya sa mga mata.

     Hinihingal na napabalikwas ng bangon si Aira. Panaginip, panaginip lang pala ulit. Tila pagod na pagod na napasandal siya sa headboard ng kanyang kama. Napahawak siya sa kanyang noong punung-puno ng butyl butyl na pawis.

It’s been almost two weeks. Hell yeah, dalawang linggo na siyang hindi nagpapakita sa talipapa upang takasan ang kakahiyang sinapit niya mula sa pagkukunwari ni Yu—nilang lahat. Pakiramdam niya ay nasa isang telenobela siya.

     Lahat ng nangyayari, scripted. Lahat ng kasama niya, kasabwat. Siya lang ang walang alam. Siya lang! At hindi niya masikmura ang kaalamang iyon. Hindiiiii!

     Napasubsob siya sa kanyang mga palad. Dalawang linggo na rin siyang hindi pinatatahimik ng alaala ni Yu. Ang mga panaginip niya sa binata ay nagsisimula sa magandang eksena, napakasaya, tapos laging nauuwi sa pagtangis niya.  Funny, but she still cared for him after everything he’s done to her.

     Ipinanganak kaya siya para mabigyang buhay ang salitang martyr? O mas tamang sabihing TANGA?

Mas lalo siyang napaiyak. Isang gabi na naman niya ang masasayang, dahil alam niyang hindi na siya makakatulog pa sa gabing iyon. Bagkus ay buong magdamag na naman siyang magluluksa sa pagkamatay ng kanyang puso dahil sa ginawa ni Yu sa kanya.

                                ***

     Bago lumabas ng apartment ay sumilip muna si Aira sa bintana. Since what happened, she lived by an extreme paranoia. She exhaled. Masakit mang tanggapin, na mabubuhay na siyang mag-isa habang buhay ay wala na siyang magagawa. Hindi na niya kayang magtiwala pa sa iba.

     Suot ang isang kulay berdeng sarong na itinalukbong niya sa kanyang ulo ay lumabas na siya ng apartment. Bitbit niya ang isang malaking maleta. Aalis na siya ng Adikterya. Iiwan niya ang kanyang tinubuang lupa kasi naduduwag na siya.

Napalingon siya sa kanyang apartment. “Mamimiss kita, kasama ng mga alaalang naiwan ni Inay at Itay.” bulong niya.

     “Aira…”

     Napako siya mula sa kinatatayuan nang marinig ang basag na boses na iyon. Hindi niya maaaring maipagkamali ang boses na iyon.

     “Ai, please talk to me.”

     “Ayaw na kitang makita.” ang tanging nasambit niya. She ran away fast. Mabilis niyang tinungo ang pinto pabalik ng kanyang apartment upang makatakas sa lalaking dahilan ng kanyang paghihirap. Sa lalaking nagpakita lang sa buhay niya upang pagtawanan ang katangahan niya, ang kanyang kahinaan.

     “Aira!”

     “Layuan mo ako! Please, lumayo ka sa akin!” umiiyak niyang taboy sa lalaking pilit siyang hinahabol. Nakarating siya sa pinto. Mahilo-hilong hinanap niya ang susi sa dalang maleta at nangangatal na isinubo iyon sa door knob.

     “Aira, talk to me. Please.” nagsusumamong pakiusap ni Yu sa kanya. He grabbed her arm, stopping her from opening the door. Nagpumiglas siya.

     “Don’t touch me!” pumiksi siya.

     “Please, kausapin mo ako.” niyakap siya ng Yu ng mahigpit. Kung hindi pa siya naubo ay malamang na hindi pa nito nalamang napakahigpit ng ginawa nitong pagyakap sa kanya. Bahagyang lumuwag ang yakap nito, bagamat hindi pa rin siya pinakawalan.

     “Yu, hindi pa ba sapat?”

     “Aira...”

     “Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa akin? Hindi pa ba sapat ang mga paghihirap ko? Hindi pa ba sapat ang gabi-gabing bangungot ko?” mas lalo siyang napaiyak. “How can you be so insensitive? Hindi ko na magawang magalit sa’yo, alam mo ba iyon? Hindi ko na kaya dahil wala na akong nararamdaman kundi awa! Awa para sa sarili ko dahil pinagmukha mo akong tanga! Pakiramdam ko, lahat ng tao ay lolokohin ako. I couldn’t even trust myself.” naramdaman niya ang pagluwag ng yakap ni Yu sa kanya. As if on cue, her trembling body slid down and piled itself on the floor. She bent down and wept.

     “I knew I was wrong. Galit na galit ako sa’yo noon. You could have just imagined how I had sleepless nights because of you. Pakiramdam ko ay nabawasan ang pagkalalaki ko dahil sa mga ginawa mo sa akin. I was a jerk then.” tumawa ito ng pagak.

     “Yu...”

     “Right. I was a jerk—a total jerk. Paano kong nagawang lokohin ang isang tulad mo? Akala ko babalik sa dati ang lahat kapag nakapaghiganti ako sa’yo. Sabi ko sa sarili ko, pagtatawanan kita sa oras na malaman mo ang totoo. Pero nung nakita kitang nasasaktan at umiiyak, parang mamamatay na ang pakiramdam ko. I couldn’t even breathe. How stupid can I get?” his voice croaked. “Sa oras na iyon ko lang nalamang mahal na pala kita. Mahal na mahal.”

     “Ang buhay, parang bolang crystal lang iyan. Magandang tignan. Madaming laman tungkol sa nakaraan, kasalukuyan at maging sa hinaharap. Sobrang makapangyarihan. Pero oras na hindi iningatan at nahulog, maaring mabasag. At kapag nabasag na, mahirap ng buuin pa. Idikit mo man gamit ang sangkaterbang mightybond, hindi na maibabalik sa dati. Mas malala, hindi na gumana. Ganon ang tingin ko sa’yo. Sira na. Sirang sira.”

     “Alam ko naman iyan eh. Ewan ko ba kung bakit huli na ng maisip kong mas mamahalin ka pa sa bolang crystal. Na mas makapangyarihan ang pagmamahal.”

Natahimik siya. Napatingala sa maluha-luhang mga mata ni Yu.

     “Gusto ko lang humingi ng tawad sa nagawa ko. Alam kong matatagalan, o baka hindi mo na ako mapatawad pa kahit na kailan, pero nais kong malaman mong nagsisisi ako sa nagawa ko. Totoong pinlano ko ang tungkol sa mga nangyari sa atin sa talipapa, pero hindi kasali sa plano ko ang mahalin ka. Everything we did, none of those were planned. Iyong nangyari sa atin sa hacienda, mas lalong hindi ko pinlano iyon. Maybe I already loved you the moment I saw your angry pretty face while shouting at me that day you showered me with fish. I would have backed out. I woudn’t have pushed through my plan, if I had not fallen in love with you. Paano nga naman ako mapapalapit sa’yo kung hindi ko gagawin ang mga kabaliwan kong iyon? Funny though, my evil plans about you bounced back to me.”

     Nanatili siyang tahimik at nakikinig kay Yu. She couldn’t even move. Hindi niya maunawaan ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Bakit kailangan niyang maawa rito? Naramdaman niya ang muling paghapdi ng mga mata. Nagsisimula na namang mamuo ang mga luha roon. Nakagat niya ang ibabang labi upang pigilin ang sariling muling mapaiyak.

     “I hate myself for making you cry. Mas lalo kong kinamumuhian ang sarili ko habang nakikita ko ang kalagayan mo ngayon. I wish I didn’t come into your life. Mas gugustuhin ko pang maging miserableng mag-isa kesa ang makita kang nagkakaganyan.”

     “Bakit mo ba nagawa sa akin iyon?” napatingala siya upang pigilin ang pagtulo ng kanyang mga luha. Napahikbi siya nang tuluyang bumagsak ang mga iyon. Napaluhod si Yu at mabilis siyang niyakap.

     “Don’t do this to me Aira, para akong pinapatay ng paulit ulit habang nakikita kitang umiiyak.”

     “Iwan mo na ako, Yu. Pabayaan mo na ako. Huwag mo na akong pahirapan pa. Hindi ko na kaya.”

     “I’m sorry. I’m so sorry. Please forgive me. I’m so sorry.” narinig niya ang paghagulhol nito. His shaking body made her feel so terrible. Pakiramdam niya ay para siyang nasa bingit ng isang mataas na bangin at anumang sandali ay maaari na siyang mahulog. “I love you so much, amozona.” ginawaran siya nito ng isang marahang halik sa mga labi.

     Mayamaya’y tumayo ito at iniwan siyang luhaan sa harap ng apartment niya. Naisubsob niya ang mukha sa dalawang palad at impit na napatangis sa paglisan ng taong pinakamamahal niya. How can she live after that, she didn’t know.

     Magkakaroon pa kaya sila ng happy ending?








       
  











    Leave a comment