Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 10)

Akda ni: Ex De Calibre




   

              Okay. Inhale, exhale. Pilit na kinakalma ni Aira ang kanyang utak habang ang tibok ng kanyang puso ay abalang nagwawala sa loob ng kanyang dibdib. Napalunok siya. Nakapulupot parin ang braso ni Yu sa balikat niya.     “Ikaw, sino ka ba?” maanghang na usig ni Bennie kay Yu, bagamat si Yu ang kinakausap nito ay sa kanya naman ito nakatingin—ng pagkasama sama. Napangiwi siya. Kung makaasta ito ay parang ang laki ng kasalanan niya. Haller! Boypreng kita? Boypreng kita? Ang sarap isigaw iyon sa harap nito.

     “Ako si Yu Hanigami, ang future husband ni Aira.” matapang na sabi ng binata. Ang kamay  nitong nasa balikat niya ay biglang lumipat sa bewang niya at hinatak siya palapit—mas malapit. Kulang na lang ay itago siya nito sa likuran nito. Kahit na nasa ganoong sitwasyon siya ay parang may kung anong gustong matuwa sa inaakto ni Yu.

     “Aira?” Bennie turned to her and gave her a very query tone.

     Napipilan siya. Hindi siya sinungaling na tao, kaya hindi siya nakasagot agad. Sa pagkakataong iyon ay natawa ng pagak si Bennie. Tinignan nito si Yu na para bang alam nitong nagsisinungaling lang ang binata. Yu’s eyes turned hazardous.

     “Wow, eksena to the max!” narinig niyang bulong ni Karim, isang mamimili na hindi man lang natinag sa tension sa pagitan nina Yu at Bennie.

     “Shhhhhh!” halos sabay sabay na sabi nina Macke at ng iba pa nilang kasamahan na tindera. Animo’y nanonood ng pelikula sa sinehan ang mga ito. Napangiwi siya. Hindi sa ganitong parang niya ginustong sumikat! Buti sana kung may baya dang eksenang ginagawa niya.

     “Let’s go Ai, may ipapakita ako sa’yo.” bigla siyang hinawakan ni Bennie sa kamay at hinila palapit rito. Ni hindi siya nakasagot. At mas lalong lumuwa ang mga mata niya nang maramdaman ang matigas na kamay ni Yu sa isa pa niyang kamay, hinihila rin siya nito. Pinipigilang lumayo.

     For the nth time, she fell silent. Tila biglang nawala ang boses niya dahil hindi siya makaapuhap ng maaring sabihin.  What’s happening? Nasaan na ang palabang si Ai?

     “No. You won’t leave me.” giit ni Yu.

     “Sa akin ka sasama.” giit din ni Bennie.

     “In your dreams man!”

     “Bitiwan mo siya!” mas lalo siyang hinila ni Bennie, pero syempre, hindi nagpatalo s Yu.

    “Ikaw ang bumitaw! Get your filthy hands off her!” hinila siya ni Yu.

     Sa hitsura nila ngayon, para silang nasa tag of war. Siya, nasa gitna nina Bennie at Yu, ay nagmumukhang manikang pinag-aagawan ng dalawang bata—napaka-gwapo at napakabangong bata!

     Isa pa, pinag-agawan siya ng dalawa. Naalog alog ang natutulog niyang diwa. Kulang na lang ay maputol ang kamay niya.

    “Stop the meaning of this!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw niya. sabay hila ng dalawang kamay mula sa pagkakahawak ng dalawa. Sa sobrang lakas ng paghila niya ay bigla siyang nabitawan ng dalawa at siya’y napasalampak sa sahig.

     Sapul ang pwetan niya sa malansa at maputik na sahig ng talipapa.

    “Mga siraulo kayo! Ano ako, damit sa ukay ukay at pinag-aagawan ninyo? Sakit ng kili-kili ko ah!” reklamo niya.

    “Ai…”

    “Amazona…”

   “Shatapakap!” sigaw niya sa dalawa sabay tayo. “Kung gusto ninyo akong pag-agawan, hindi sa ganitong paraan.” deklara niya. Susyal! Ang haba ng hair ko!

    “Paano ba?” nakangising untag ni Yu. He looked devilishly entertained. Parang saying saya pa ito sa nakikitang reaksyon niya. “You know what? You really look cute whenever you get mad.”

    Bigla siyang pinamulahan ng mukha sa deretsahang pamumuri nito.

    “Huwag kang maniwala diyan Ai, binobola ka lang niya!” singit ni Bennie. Tinignan niya ito ng masama. “Siyempre maganda ka, pero mas maganda ka kapag nakangiti ka, diba?” biglang kambyo ang eksena ng bruho.

     Siraulong ito! Ibig sabihin, hindi talaga siya cute?

     “See? Dyan mo ba ako ipagpapalit?” tuya ni Yu.

    Tinignan niya ang nakangising si Yu, pagkunwa’y napalingon kay Bennie na kulang na lang ay magbuhol ang dalawang kilay. Sino ang pipiliin niya?







         











    Leave a comment