Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 1)

Akda ni: Ex De Calibre




   


          "Marimar, awwwww!" gumigiling giling na kanta cum sayaw ni Aira habang maarteng winiwisikan ng tubig ang kanyang mga panindang isda. Araw iyon ng Linggo, kaya madami siyang benta. Bukod kasi sa marami siyang suki, iyon ang itinuturing na palengke day ng Maliboot Market.            "Maganda yata ang benta natin Ai." puna ni Macke na katulad niya ay tindera rin ng isda.

            "Naman! Dami kong nabola ngayong araw, kaya ililibre ko ang sarili ko ng isang tumpok ng katol!" aniya. Katol ang tawag nila sa alak, wala, trip trip lang nilang magkakasama.

            "Loka! Tapos maha-high ka na naman, tapos itatapon kita sa kanal. You want?" natatawang binatukan siya ng kadarating na si Jhen.

            "Musta naman benta ninyo mga adik?" kakamot kamot sa ulong tanong na lamang niya. Kahit kelan, kontrabida talaga sa ka-adikan niya ang mga katabing tindera.

            "Eto, mumurahin na kita, kasi sinulot mo na lahat ng mga suki namin hinayupak ka! Tama bang mag-make up at magkuntodo sleeveless pink blouse ka? Buti sana kung tinimbrehan mo kaming magtutumalandi ka ngayon." reklamo ni Macke.

            "That's what you call strategy, poor rivals. Mga wala kasi kayong diskarte." tatawa tawang kantiyaw niya. Sabay na napasimangot na lamang ang mga kasamahan niya.

            Ang totoo, alam niyang hindi maganda iyong ginawa niya. Labag iyon sa kasunduan

nilang magkakasama. Ngunit ano ang magagawa niya kung kailangang kailangan niya ng pera? Kailangan niyang matubos ang pwesto ng kanyang yumaong ina mula sa madumi at makalyong kamay ng kalbong si Mang Edmundo.

Hindi lang ito manyak na tindero, tuso pa. Tama ba namang magdemand ng limampung libong piso sa kanya? Utang raw ng kanyang Nanay Ailyn rito. Wala man itong maipakitang pruweba, wala rin naman siyang pruwebang nagsisinungaling nga ito. At sa kanilang dalawa, mas mananalo ito dahil ito ang DAKILA at MAKINANG na ULO ng palengkeng iyon. At isa lang daw ang paraan para hindi na niya kailangang magbayad dito, iyon ay kung papayag siyang makasal rito. HALLER! Sa kalbong iyon? No way! Mas gugustuhin pa niyang magpatiwakal kesa ang makasal sa siraulong iyon.

            "May araw ka rin sakin Mang Edmundo. Kakalbuhin ko ang mabahong kilikili mo!" gigil na saad ng isip niya. Napaismid siya. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang kalbong iyon ay mas pinili niyang buhatin na lang ang konting laman ng banyera niya. Uuwi na siya, mas maaga kesa sa dati. Ayaw niyang madatnan siya ni Mang Edmundo roon. Maniningil na naman ito. At magpapa-cute sa kanya. Kadiri!

            Mabilis niyang isinalansan ang mga natitirang isda sa tiled table ng kanyang stall.

            "Oh, uuwi ka na?" takang tanong ni Macke.

            "Tatakas na naman ang hampas lupa. Paano, baka maabutan siya ni Mang Edmundo." tuya ni Dessery. Kahit kelan talaga, ito ang major major tinik sa lalamunan niya. Tinignan niya ito ng masama. "Bakit, totoo naman ah? Tatakas ka diba? Oh, ayan na pala si Mang Edmundo, mukhang hinahanap ka." nakangising sabi pa nito.

            Naiinis-natatarantang napalingon siya sa dakong tinignan nito. Naku po, meron na nga ang kalbo! Mabilis pa alas kwatrong niyakap niya ang dalang banyera at walang kyemeng tinahak ang madulas na daan patungo sa labasan ng palengke.

            "Kapag ako, nadulas, ingungudnod ko sa putik ang pulang nguso ng Dessery na iyon."

sumpa ng isip niya. Naririnig pa niya ang pagtawa ng tatlong insekyorang palakang iniwan niya. Bukas na bukas, bubudburan niya ng betsin ang mga paninda ng mga bruha. Tignan niya lang kung makatawa pa sila.

            Napatingin siya sa kanyang mga isda. "Buti pa kayo, fresh na fresh, di gaya nung tatlong iniwan ko. Mga tigang na. Kaya walang magawa kundi pag-initan ang byuti ko." natatawang aniya.

            Sa kakatawa niya, hindi niya napansin ang lalaking noo'y makakasalubong pala niya.

Dumiretso ang matangos niyang ilong sa malapd nitong dibdib na naging dahilan ng pagpikit niya sabay bitaw sa hawak niyang banyera. Tumilapon ang mga precious isda niya sa puting damit ng bagong dating.

            "Dammit! Bulag ka ba?" asik nito. His face shifted from shocked to irritated. His eyes

formed a thin line. Tila ba ang linyang iyon ay sing talas ng gamit niyang kutsilyong panghiwa ng mga paninda niyang isda. Bigla siyang kinilabutan. Singkit na nga ito, mas lalo pang sumingkit. Anime na anime ang hitsura ng lalaking halatang may lahing Japanese.

            "H-hindi. Obviously, nakikita ko ang mga isda kong nagkalat sa daan." pinilit niyang

patapangin ang anyo. Siya si Aira, ang pinakamagandang amazona ng Maliboot Talipapa!

            "Drat! What did I do to deserve meeting someone like this woman?" nadidiring tinignan nito ang suot na puti, erase that, dirty white nitong polo shirt. He obviously sniffed his wet body and almost puked when he realized how Aira's precious isda landed on him.

            Kusang napataas ang kilay niya. Napakaarte ng bruho! Sa halip na titigan ang galit na

mukha nito ay yumuko na lang siya at tig-iisang pinulot ang mga bangus na nagkalat sa daan.

Inilagay niya ang mga iyon sa kanyang banyera. Hindi porke gwapo ito ay dapat na siyang

tumunganga.

            "You should at least say sorry, don't you think?" ungot nito.

            "Ay, oo nga pala. I saying sorry to you sirs. Hopes you will never getting mad at myself." nakangiting aniya. Nakita niya ang lantarang pagngiwi nito sa sinabi niya. Aysus! Allergic yata ang gwapong maligno sa mga wrong gramming. Mamaya na lang siya tatawa.

            "Right. What am I suppose to expect from you?"

            "What do you meaning sirs? You is said that I was nothing comparing to you?" kunwa'y galit na aniya. Hindi niya malaman ang tunay na dahilan pero natutuwa siyang tignan ang hindi makapaniwalang mukha nito.

            "Why should I waste my time talking to you anyway? Just get out of my sight and don't ever come back!" sigaw nito. Sa dami ng mga tsismoso't tsimosa sa talipapa, malamang na nagbubunyi na ang mga iyon dahil sa pagsigaw ng hinayupak na lalaking iyon sa kanya. O kaya ay malamang sa mas malamang na hinihintay ng mga ito ang gagawin niya. It’s showtime!

            . "Ano ang karapatan mong sigaw sigawan ako? For your infomationing. hindi ko kasalanan kung bakit kita nabangga. Partly, may kasalanan ka ding ungas ka! Kung umiwas ka na sana edi wala na tayong problema!" sigaw rin niya. Siya ang tunay na anak ng talipapa, siya lang ang may karapatang manigaw sa teritoryo niya.

            "Don't ever shout on me!"

            "Same to you!"

            "Dammit! Will you please stop talking in english? You're making my head turn like hell."

            "Why? I'm a head turner? Wow, you making me felt grateful!"

            "Shut up!"

            "Fine!" mabilis siyang lumapit sa katabing stall na pag-aari ni Nikka at mabilis na kinuha ang tabong may lamang tubig at ibinuhos ang malansang tubig na iyon sa mayabang na lalaki. Hindi pa siya nakuntento kaya kinuha niya ang isang buong timba at ibinuhos ang lahat ng laman niyon sa gulat na gulat na lalaki. Narinig niya ang tawanan ng mga tao sa paligid nila--mga kasamahan niyang tindera at mga mamimimili.

            "I will repeated, this is my territory. Wala pang nakakapagpatiklop sa beauty ko. Ikaw na ang adik kung iniisip mong magpapasigaw ako sa kagaya mong engliserong hilaw na sakang! Subukan mo akong kausapin sa Nihonggo at sisilaban kita ng buhay!" dire-diretsong sabi niya bago galit na lumisan at iniwan ang hindi makapagsalitang lalaki.

            “Pinapainit mo ang dugo ko! For pete’s sake! That brute made my nose bleed. Sorry madir, nakipag-rambulan na naman ang prinsesa mo. Kaya ako ngayon ay tatakbo na dahil siguradong hahabulin ako ng engliserong hapon na iyon at ni Mang Edmundo. Oh, good Lord, help me!” sigaw ng isip niya.

            Takboooooooooooooooooooooooooooooooooooooo!











    Leave a comment