Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 8)

Akda ni: Ex De Calibre




   

             Isang linggong tahimik ang mundo ni Aira sa Maliboot talipapa. Isang linggong hindi nagpakita sa kanya si Yu, isang linggong walang pumansin sa kanya maliban sa mga suki niya. Ngunit isang linggo rin siyang hindi pinatahimik ng alaala ng nakakalokang halik nito. Sa tuwing naaalala niya ang halik nito ay hindi niya napipigilang hindi mamula. “Qualified ka na Ai, goodluck sa pageant. Sana manalo ka.” nakangiting sabi ni Mark, ang secretary ng alalay ni Boss Hanigami—tatay ni Yu—na si Jr. Magulo diba? Paano, sila sila rin ang nagpagulo sa mga posisyon nila sa talipapang iyon.

               “Salamat.” tipid siyang ngumiti sa kanina pa nagpapa-cute na binata.

               “Congrats Ai, galingan mo ha?” ani Gerlie, isa ring tindera at kagaya niya ay biniyayaan ng kagandahan kaya kasali rin sa patimpalak.

                “Salamat. Galingan nating pareho.”

                “Pwe! Nakakasuka ang kaplastikan ninyong dalawa.” pasaring ng leader ng Team Mahaderang si Dessery. Kagaya niya ay kasali rin ang mga ito sa pageant, pati na ang Maliboot Angels. Napasimangot siya. Heto pa ang isang sakit sa ulo niya.

                 “Ampalayang ampalaya tayo ngayon ah, Dess.” aniya.

                 “Bwisit ka kasi! Hindi ka pa umatras!” galit na sigaw ni Yesha.

                 “Bakit, natatakot kayong baka matalo ko kayo?” sumbat niya.

                 “Ambisyosa ka! Ikumpara mo ba naman sarili mo samin?” itinulak pa siya ni Sweetdarz. Mabuti na lang at napahawak siya sa hamba ng upuan kaya hindi siya tuluyang napaupo sa sahig.

                  “Malandi kasi yan, akala mo kung sinong bait baitan.” ani Rose.

                  “Akala mo kung sinong matimtimang birhen!” anaman ni Gerryhane.

                  “Iyon pala, masahol pa sa babaeng martilyo!” tuya ni Angelica.

                   Natahimik siya. This has been the issue since the day Yu kissed her. Lahat ng babae, galit na sa kanya. Kahit iyong mga suki niyang single, ayaw na sa kanya. Siya na ang ginawang mortal enemy ng biglang sikat na si Yu—ang astig, cool, gwapo, mayaman, big catch, eligible bachelor ng Talipapa.

                   Nang maalala ang binata ay bigla na naman siyang nainis. Kung hindi dahil dito ay masaya pa sana siya. Maraming kaibigan, maraming suki, at higit sa lahat, mapayapang nakakatulog sa gabi.

                  “Tigilan ninyo nga ako! I don’t need your man! Inyong inyo na siya! Basta tantanan niyo lang ako!” galit na sambulat niya. nakakainis! Bakit ba lagi nalang siyang inaaway ng lahat? Para lang kay Yu!? Ay! Pak si Yu, PAKYU!

                 “What are you doing? Bakit ninyo ginugulo si Aira?” dumagundong ang baritonong boses ni Yu sa loob ng opisina ng Maliboot Market. Tila iisang taong napalingon silang lahat sa nagsalita.

                   Tumambad sa kanya ang napakagwapong si Yu, naka-kunot ang noo at masama ang tingin sa grupo ng mga babaeng kanina pa nang-aaway sa kanya.

                  “S-sir Yu… si Ai po kasi…” kanda utal utal na sagot ni Dessery na siyang pasimuno nag lahat.

                  “Walang kasalanan si Aira, mga inggetera kasi kayo kaya bigla ninyo na lang inaway ang kawawang bata.” malamig ang naging sagot ni Sheree, tindera ng prutas na nasa labas lang ng opisinang kinaroroonan nila.

                   “Tumahimik ka! Hindi ka kasi rito, usapang magaganda lang ito!” sigaw ni Austria, ang bagong recruit sa Team Mahadera.

                   “Stop it!” sansala ni Yu sa nagsisimulang away. “From now on,” naglakad si Yu palapit sa kanya. “wala ng pwedeng umaway kay Aira. Lahat kayo, igagalang siya. Lahat kayo, sasagot kapag kinausap niya.” utos nito pagkunwa’y inakbayan siya.

                    Gulat na napamata siya rito. Parang atomic bomb ang lakas ng pagsinghap ng mga kasama niya sa loob. Nagtatakang napatitig silang lahat kay Yu.

                    “You heard me right. Simula ngayon, ayoko nang nakakrinig ng hindi maganda tungkol kay Aira.”

                    “P-pero bakit?” tanong ni Xel.

                     “Dahil…”

                     “A-ano?” kinakabahang tanong niya.

                     “Dahil, premyo mo iyon.” nakangising anito.

                      “H-ha?”

                     “Consolacion prize mo, baka sabihin mo, masyado akong madamot. Natalo na nga kita, hindi pa kita babalatuhan.”

                     Sing bilis ng kidlat na umuklo ang kamay niya at sinikmuraan ang mayabang na si Yu. Napaubo pa ito sa ginawa niya.

                    “Siraulo ka! Ang yabang mo ah! Ano’ng gusto mo? Away o gulo?”

                    “Hindi ka na mabiro.” tatawa tawang sabi nito.

                    “Nakakainis ka! Lumayas ka nga sa harap ko!” tinabig niya ito at tsaka siya nagmatrsa palabas ng opisina.

                    “Sandali lang. Ayaw mo ba iyon? May consolacion prize ka.” sinundan siya nito at sinabayan sa paglalakad.

                    “Alam mo, kumukulo na talaga ang dugo ko kaya kung maaari lang ay tantanan mo na ako.”

                    “Ayoko nga.”

                    “I said leave me alone!”

                    “No!”

                    “Why not?” hinarap niya ito.

                    “Dahil natutuwa akong nakikita ang naaasar mong mukha.”

                    “Ay jusmiyo! Ano ba’ng kasalanan ko sa mundo at nakakilala ako ng kagaya ng monggoloid na ito?” napapadyak pa siya bago muling nagmartsa pabalik sa pwesto niya.

                   “Ang gwapo ko namang monggoloid.”

                   “Shut up!”

                   “There’s only one way you could shut me up.”

                   “And that is?” muli niya itong hinarap.

                    “Kiss me.”

                   “Eh kung ibaon na lang kayak ita sa lupa? Bwisit ka!” mabilis siyang tumalikod at halos patakbong lumayo rito.

                    “Duwag! Takot sa napakasarap kong kiss!” natatawang pahabol nito.

                   “Go to hell!”

                    “I won’t. Aasarin pa kita kaya humanda ka.”

                    “Mamatay ka naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!”








         











    Leave a comment