Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 16)

Akda ni: Ex De Calibre




   
“A-anong ibig ninyong sabihing hindi na ako pwedeng sumali? Na disqualified na ako?” nangangatal ang mga labi ni Aira habang tinatanong ang bagay na iyon sa mga kasamahang tindera.     “A-ano kasi. Namove ang pre-pageant. Utos daw sa itaas. Hindi ka naman namin makontak, kasi nga naiwan mo ang cellphone mo rito sa pwesto.” si Macke na ang sumagot.

     “H-hindi. Hindi maaari! Paano ako madi-disqualify? Dahil lang sa hindi ako nakapunta? Hindi! Hindi ako papayag!” histerikal na sigaw niya. She can’t believe it.

     Hindi niya mapaniwalaang ang bagay na umpisa pa man ay ninais na niyang makuha ay parang bulang naglaho lang ngayon sa harap niya. “Ang isang daang libong piso ko! ang utang ni inay kay Mang Edmundo! Ang aking pride! Ang aking pangarap! Ang aking mga plano! Nawala na lahaaaaaaaaat!” tila nasisiraan ng bait na sigaw ng kanyang utak.

     “A-ai…” nilapitan siya ni Nikka at marahang tinapik sa balikat.

     “No. hindi ako papayag! Pupunta ako sa opisina!” determinadong sabi niya.

     “Bakit pa?” ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakaalis ay nagsalita na si Mang Edmuno, na eksaktong kararating lang.

     “Huwag ka munang magdiwang Mang Edmundo. Hindi komo nadisqualify ako ay tiyak nang talo ako sa labanan natin.” matalim ang tinging ipinukol niya sa matanda.

     “Talong talo ka na Aira.”

     “Madaming namamatay sa maling akala. Mayamaya din ay hahandusay ka na sa lupa.”

     “Masasabi mo pa kaya iyan kapag nalaman mo ang totoo?” naghahamon ang tingin iginanti nito sa mga pasaring niya.

     “Ano’ng ibig ninyong sabihin?” dumagundong ang matinding kaba sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. As if on cue, her hands clasped each other, preparing her self from something she couldn’t name but could definitely feel. Natatakot siya, sa hindi malamang dahilan ay natatakot siya sa maaaring isagot ni Mang Edmundo.

     “Ayan na pala si Sir Yu eh. Siya na ang bahalang magsabi sa’yo kung ano ang totoo.”

     Napalingon siya sa binata—sa namumultang binata. Hindi niya alam kung dahil iyon sa pagod dahil sa paghabol sa kanya o dahil iyon sa isang bagay na ramdam niyang kinatatakutan niya.

     “Ai…”

     “Ano bang sinasabi ni Mang Edmundo? Ano daw ang sasabihin mo? What is it that I have to know?” she asked, in an obvious fake courageous tone. She faced Yu, with a hard-core mask. Inihanda na niya ang sarili sa anumang maaring isiwalat nito.

     But Yu fell silent. Ni hindi nito magawang magbuka ng bibig.

     “Yu, sumagot ka.”

     “Mukhang pagod lang si sir. Ako na ang magsasabi sa’yo.” nakangising lumapit sa kanya si Mang Edmundo. Eksaktong tumigil pa ito sa harapan niya—o sige—sa gitna nila ni Yu. They formed a triangular position.

     “Naalala mo ba noong araw na mabuhusan mo si Sir Yu ng isda at maduming tubig?” panimula ni Mang Edmundo.

     “Stop it.” pigil ni Yu.

     “Huwag mo siyang pigilan!” sigaw niya.

     “Lumapit sa akin si Sir Yu noon, tinanong niya kung sino ka raw. Kung taga-saan ka at kung ano ang ginagawa mo rito sa talipapa. Naturalmente, sinabi ko ang lahat ng impormasyon tungkol sa’yo. Lalo pa’t binayaran lahat ni sir ang bawat impormasyong sinabi ko.”

     Napatingin siya kay Yu. Naghahanap ng kumpirmasyon, nagtatanong, umaasang itatanggi nito ang mga paratang ni Mang Edmundo. Ngunit hindi nito iyon ginawa. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang pakiramdam niya.

Bigla siyang nangatal.

     “Tapos, sabi ni sir, paghihigantihan ka raw niya. Nung nakwento ko ang tungkol sa balak mo sa pageant, kung gaano kaimportante sa’yo ang premyo, sabi niya, iyon daw ang gagamitin nito laban sa’yo. Gagawin daw niya ang lahat para lang hindi ka manalo.”

     “P-pero pinasali niya ako.”

     “Mas masakit daw kasi sa pakiramdam ang kaalamang nakarating ka na roon, malapit na, maaari mo nang makuha ang pinakaaasam mo, pero bigla bigla ay mawawala iyon sa’yo.”

     “Yu...”

     “Iyong ginawa nina Yesha sa’yo, kagagawan rin ni Yu iyon. Binayaran niya sina Yesha para guluhin ka.”

     “Shut up! That’s not true!”

     “Nakita ng dalawang mata ko sir, binayaran mo sila bago nila ginulo si Aira.”

     Muling napipilan ang binata. Bumuka ang mga labi nito ngunit muli ring nagsara. Tila ba nagdalawang isip itong sabihin ang nais nito.

     Napalunok siya. kulang ang isang milyong karayom laban sa tila punyal na paulit ulit na tumutusok sa puso niya ng mga sandaling iyon. Ang sakit na nararamdaman niya ay hindi matatawaran.

     “Tapos, pati iyong biglaang pagkawala sa eksena ni Sir Bennie, kagagawan niya rin. Tinakot niya si Bennie na ipapatanggalan ng project gamit ang koneksyon nito kung hindi ka niya lalayuan. Sa hitsura ni Sir Yu, masasabi kong determinado talaga siyang maghiganti sa’yo.”

     “Dahil lang sa naging pagkikita natin?” pigil ang inis na binalingan niya si Yu.

     “Ikaw daw kasi ang kauna-unahang babaeng nakapagpahiya sa kanya ng ganon. Ikaw daw ang tanging—“

     “SHUT UP!” halos magkapanabay na sigaw nila ni Yu sa daldalerong si Mang Edmundo.

     “You shouldn’t just shut up! Bakit hindi ka sumasagot? Bakit hindi mo idine-deny ang mga sinasabi ni Mang Edmundo?” galit na binalingan niya si Yu.

     “Ai…let me explain.”

     “Explain my foot!” marahas na pinunasan ng likod ng palad niya ang luhang namalibis mula sa kanyang kanang mata. Mayamaya’y sumunod na tumulo ang nasa kaliwa.

     “Aira… inaamin ko, nagawa ko talaga ang mga iyon. I planned it. Pero nagba—“

     Isang malakas na sampal ang mabilis na dumako sa mukha ni Yu na biglang nagpatigil rito sa pagsasalita.

     “Siraulo ka! Paano mo nagawa sa akin ito?” nasasaktang tanong niya.

     “Hindi ko inaasahang aabot tayo sa ganito.”

      “Simulat sapul, kaya ka biglang nagbago ng pakikitungo sa akin ay dahil sa maitim mong plano? How childish can you get? Nang dahil lang sa nabuhusan kita ng isda, nagawa mo ng paglaruan ang puso ko?”

     “Aira…please, let me explain myself.” nagsusumamong lumapit ito at hinawakan siya sa kamay. Nagngangalit na pinalis niya ang mga kamay nito.

     “Kahit na kailan, hindi ko inakalang kaya ka nagbago at naging mabait sa akin ay dahil lang sa pinaghihigantihan mo ang isang pangyayaring bunga lamang ng hindi angkop nating kapalaran.”

     “Oo! Inaamin ko, noong una, talagang isinumpa ko ang araw na nakilala kita. I hated you like I wanted to kill you that moment you shouted at me. sa tuwing binabara mo ako, sa tuwing natatalo mo ako! Mas lalo akong naiinis sa’yo! Ang I thought, revenge was the only thing that could make me feel better.”

     “Ano, masaya ka na ngayon? Masaya ka nang pinagtatawanan ako ng lahat ng tao rito na for God knows who, maaring kinasabwat mo rin para lang paghigantihan ako? Sino pa? sinu-sino pa ang mga binayaran mo para sa plano mong ipahiya ako? Good job! Pahiyang pahiya na ako. Talong talo!”

     “I was wrong. I knew I was wrong. Especially the day that I finally realized how much I loved you.”

      Mas lalong bumalong ang masaganang luha sa kanyang mga mata.

      Paanong ang salitang “I love you” ay nagawa siyang saktan ng triple sa sakit na naranasan niya ng mamatay ang mga magulang niya? Paanong ang mga salitang iyon ay tila bombing nagawang pasabugin ang kanyang puso?

      Ayaw na niyang lumingon sa likod, sa gilid at sa harap niya. Pakiramdam niya ay pinagtatawanan na siya ng lahat. Pakiramdam niya ay napakatanga ng tingin nila sa kanya.

     Nagpaloko nga naman kasi siya. And worse, she even fell in love with him!

     “Narinig mo ba? I said I love you! Mahal kita! Ai shi teru!!!!”

     “Hindi kita mapapatawad. Kahit na kailan ay hinding hindi kita mapapatawad! At kahit kailan ay hinding hindi na rin ako maniniwala sa’yo. SA INYONG LAHAT!” umiiyak na sigaw niya tsaka nagmamadaling nilisan ang Maliboot Talipapa.

     Ni hindi na niya pinansin ang natatarantang pagtawag sa kanya ni Yu.








       
  











    Leave a comment