Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 12)

Akda ni: Ex De Calibre




   

               Namumungay pa ang mga mata ni Aira ng umagang iyon. Nakailang hikab narin siya. Napangiti siya nang maalala ang dahilan kung bakit siya napuyat noong nagdaang gabi.     “Wow. Baliw na baliw tayo ah! Mukhang may amats ka yata ngayon Ai.” natatawang puna ni Gerlie. Nasa Adikterya  Civic Center sila ng mga oras na iyon. Praktis kasi nila para sa paparating na patimpalak, ang Search for Maliboot Queen.

     “Tigilan mo nga ako.” kinikilig na sawata niya.

     Binatukan siya ni Renemir, tindera naman ng mga prutas. “Arte! Grabe! Nakakadiri ka palang tignan kapag kinikilig.” natatawang sabi nito. Kahit na ilang oras pa lang silang nagkakasama ay naging malapit na siya sa mga ito.

     “Aray naman.” kinamot kamot niya ang nasaktang ulo.

     “Ikaw eh, ayaw mong magkwento.” biro ni Sheena.

     “Oo nga! Madamot sa kwento.” gatong ni Judith.

    “Tantanan ninyo ako ah, mga tindera kayo ng prutas! Stop me!” sigaw niya, tila superhero pang iniangat niya ang dalawang kamay na tila may sinasangga. “Shing! Shang! Shing!”

     “Ay grabe, yan ba ang nagiging epekto ng in lab?” tanong ni V-ghee. Natawa naman ang kasama nitong si Niña Mae. Ang dalawa ay tindera naman ng mga gulay.

     “Bakit ba ako nalang lagi ang pinagdidiskitahan ninyo?” kunwa’y nagtatampong tanong niya.

     “Kasi papansin ka.” singit ni Yesha.

     “Duh! Feelingera kasi.” sabat ni Dessery.

     “Uh-oh. Naririto na naman ang mga aswang.” pasaring ni V-ghee.

     “Kung aswang kami, ano ka nalang?” asik ni Angelica.

     “Dyosa. Isa akong dyosa.” sagot niya. “Ako na ang sumagot, napaka-korni kasi ng tanong mo.”

     “Mayabang ka na ah, porke nilalandi mo si sir Yu?” galit na sabi ni Rose.

     “Nakakasuya na kayo ah, anino ko kayo? Bakit ninyo ba ako laging sinusundan? Idol ninyo ako? Idol? Idol?” pang-aasar niya.

     “Parot ka? Parot?” sagot ni Gerryjane.

     “Mas mukha kang parot sakin.”

    “Yabang mo ah!” sigaw ni Rona Joyce.

    “Bahala nga kayo!” mabilis siyang tumalikod at sinubukang iwan ang mga ito. Nagsanib pwersa ang Maliboot Angels at Team Mahadera, dobleng pampakulo ng dugo!

     “Hindi ka aalis dahil hindi pa tayo tapos mag-usap!” sigaw ni Dessery na biglang hinablot ang mahaba niyang buhok.  Napaigik siya sa sobrang sakit at napadausdos siya sa sahig.

     “Kapag kinakausap ka namin, dito ka lang!” sinipa siya ni Phoebe.

     “Naiintindihan mo ba?” muling sinaklot ni Dessery ang buhok niya at hinila iyon. Si Yesha naman ay kinubabawan siya at pinagkakalmot sa mukha. Mabuti na lang at mabilis niyang naiharang ang dalawang kamay kaya ang braso niya ang tinamaan ng mahahabang mga kuko nito.

     “Tama na iyan!” sigaw ni Gerlie.

     “Tulong! Tulong!” sigaw ng kadarating na si Elizabeth.

     Wala ng nagawa si Aira kundi ang tiisin ang sakit sa pananakit ng Team Mahadera at Maliboot Angels. Wala siyang magawa sa lakas ng sabay sabay na pag-atake ng mga ito sa kanya. Puro ungol na lang ang lumalabas sa bibig niya.

     Napaluha siya sa sobrang sakit. Nanginig sa sobrang takot. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya. Namamanhid na ang katawan niya. Ibababa na lang niya ang dalawang braso upan sumuko nang biglang dumagundong ang mapanganib na boses na iyon.

     “What are you doing to Aira?”

      Ang sigaw ni Yu ang nagpatigil sa pag-atake sa kanya ng mga kalaban niya. Nanghihinang napatingin siya sa mukha ng nag-aalalang binata.

     “Dammit! What did you do to her?” asik nito. Galit na itinulak nito si Yesha na nakakubabaw parin sa kanya. “Stay away from her! All of you! Out!” sigaw nito at mabilis siyang pinangko. “Aira, do you hear me? Aira, are you okay?” sunud-sunod na tanong nito.

     Ni walang boses ang lumabas sa mga labi niya. Ang tanging nagawa niya ay pumikit at tumangis sa mga bisig ni Yu.  She felt helpless, first time in her life, she felt helpless and weak.

     Takot na takot siya. Ganito ba kagalit sa kanya ang mga kapwa niya tindera? Dahil kay Yu? Dahil sa pageant?

     “Damn! Aira, hold on!” walang kahirap hirap na binuhat siya ni Yu. “I’ll take you to the hospital. And you, all of you,” tinapunan nito ng isang nagbabagang tingin ang mga babaeng namumutla habang nakatitig sa kanila. “you’ll pay for this!”

      Napatingin siya sa galit na mukha ni Yu. Kitang kita niya ang pagkataranta sa gwapong mukha nito. Ang pag-aalala, galit, takot at sakit sa mga mata nito ay tila isang mainit na kamay na humaplos sa kanyang puso. Mula sa kaibuturan niyon ay naramdaman niya ang tila mas lumalalim na paghanga niya sa binata.

     She closed her eyes. Ninamnam niya ang kakaibang init na ibinibigay ng mapagpalang mga bisig ni Yu. Maaari niyang ituring na blessing in disguise ang ginawang iyon nina Dessery sa kanya. For one thing had already been confirmed—she is in love with Yu.

                                                                       ***

     “Say ahhh.”

     Namumula ang mukhang ibinuka ni Aira ang bunganga. Since yesterday, nang inatake siya ng grupo ng Team Mahadera at Maliboot Angels, naging mas maalaga na sa kanya si Yu.

     Because of the injuries she got from that incident, she was advised by the doctor to stay at home for at least a week. Medyo masakit ang mga pasa at gasgas niya sa katawan at braso, pero napapawi ang lahat ng iyon dahil sa pag-aalaga ni Yu sa kanya.

     “How was it? Masarap ba?” nakangiting tanong ni Yu matapos niyang maisubo ang inihain nitong porridge.

     “Oo. Salamat.” she answered meekly.

     “Sa susunod, kapag nakita mo ulit sila, ikaw na ang umiwas. Huwag na huwag mo na silang papatulan ulit.” sermon nito.

     “Yes father.” biro niya.

     “Silly.” natatawang ginulo nito ang buhok niya.

     “Para naman akong bata niyan.”

    “Ikaw kasi ang baby ko.”

    “Baby ka diyan!”

    “Ayaw mo?”

    “Tumigil ka nga.”

    “Bakit hindi ka makatingin ng diretso sa akin?” tudyo nito. Umiwas siya ng tingin. Ang kabog ng dibdib niya ay maihahalintulad sa mga yabag ng isang nagngangalit na kabayo.

    “In love ka na sa akin ‘no?” nakangising tanong nito.

    Napipilan siya. Magagawa ba niyang umamin rito? at kapag umamin siya, ano na ang mangyayari sa uganayan nila? will it get better? Or worse? Seryoso ba ito sa kanya?

    Sa dami ng katanungan niya sa isip ay mas pinili niyang hindi na lang sumagot. Mayamaya’y biglang may kumatok sa pinto.

    “Ako na.” presenta ni Yu. Tinungo nito ang pinto at binuksan iyon.

    “Ano’ng ginagawa mo rito sa bahay ni Ai?” isang maigting na tanong ang pinambungad ng galit na galit na si Bennie kay Yu.

    “Inaalagaan ko siya.” sagot ni Yu.

    “Pwes, maaari ka ng umalis. Ako na ang mag-aalaga sa kanya. Tutal, ako naman talaga ang knight in shining armor ni Ai dati pa.” mayabang na sabi ni Bennie.

    “Dati iyon. Now is different from yesterday.”

    “Inaasar mo ba ako?” kumuyom ang palad ni Bennie.

    “Teka teka. Pwede naman kayong mag-stay rito ng sabay eh. Kahit naman maliit ang apartment ko, kasya naman tayong tatlo.” suhestiyon niya.

    “Para sa’yo Ai, papayag ako.” nakangiting baling ni Bennie sa kanya.

    Yu gave her a very icy look. Tila ba hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. A glint of hurt flashed from his eyes, bagamat mabilis ding nawala iyon.

    She wondered, may nagawa o nasabi ba siyang masama?








         











    Leave a comment