Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 5)

Akda ni: Ex De Calibre




   

              “Nani? Dou shita no?” nag-aalang tanong ni Kenjie kay Yu na kasalukuyang nakatanaw sa malawak na lupain ng mga Hanigami sa Bayan ng Adikterya. Naroon sila sa veranda at nagpapahangin ng umagang iyon.            “Nothing. Don’t worry about me sis.” nakangiting sagot ni Yu sa nakababatang kapatid na babae. Naramdaman niya ang mahinang buntong hininga nito at ang pagtabi nito sa kanya.

            “Come on bro! Babae ‘yan ‘no?” nakangising untag ni Kenjie.

            “Shut up! Go away!” taboy niya rito. Naiinis siya dahil bigla na naman niyang naalala ang amasonang tindera ng isda na iyon. How she hated that girl. Makakaganti rin siya rito. He clenched his fist. Gusto niyang mag-amok lalo na’t naalala niya ang ginawa nito sa kanya sa parking lot. That witch!

            “I knew it! It was that girl. Iyong babaeng nagpaligo sayo ng mga isda ano?” kantiyaw ng kapatid niya.

            “Damn it Kenjie! I said go away!”

            Natatawang umalis ang kanyang kapatid. “Magbabayad talaga ang babaeng iyon! Sa lahat ng atraso niya sa akin. Maniningil ako ng malaki!” banta niya sa isip. Pagkunwa’y isang maluwang na ngisi ang umukit sa napakapulang labi niya.

                                                                                         ***

            “Ano, musta naman ang babaeng amazona?” nakataas ang kilay na tanong ni Dessery, ang dakilang kontrabida na tindera ng tinapa. Kasama pa nito ang mga dakila nitong ka-friendsters na sina Sweetdarz, Rona Joyce, Rose at Yesha. Sila ang tinaguriang Team Mahadera sa talipapa. Nakapamaywang na bumalandra ang grupo ng mga naka-mini skirt na babae sa harap ng pwesto niya.

            “Eto, tuwang tuwa kasi dinalaw ako ng Team Mahadera. Nakaka-touch.” sarkastikong sagot niya. Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang ng mga kontra bida.

            “Ambisyosa ka, alam mo ba iyon? Ang kapal ng mukha mong sumali sa pageant!” ani Rona Joyce.

            “Korek! Akala mo kung sinong maganda.” singit ni Yesha.

            “Iyon eh kung makakasali pa ba yan, matapos ng ginawa niya kay Papa Yu?” bira ni Rose na napaismid pa.

            “A-huh! Siya kasi ang dakilang pasikat dito sa talipapa.” natatawang kantiyaw ni Dessery. Nagtawanan ang mga magkakasama. Habang ang bagong recruit na si Sweetdarz ay halatang hindi mapakali. Ambisyosa kasing mapasali sa Team Mahadera, ayan tuloy ang napapala. Napaismid siya.

            “Pwede ba! Tantanan ninyo nga si Ai.” biglang singit ang matinis na boses na iyon ni Phoebe. Nasa likod naman nito ang mga kasamahang sina Xel, Gerryjane at Angelica. Sila naman ang tinaguriang Maliboot Angels—kalabang mortal ng Team Mahadera. Kung ang Team Mahadera ay lupon ng mga pasosyal na tindera, ang Maliboot Angels naman ay lupon ng mga abogada ng talipapa.

            “So so so, naririto na naman ang mga abogaga de kampamilya. Ipagtatanggol ninyo itong si Ai?” mayabang na ani Dessery.

            “Oo, bakit? Natatakot ka?” sabi ni Angelica.

            “Aba! Mayabang ka na ah!” ani Yesha.

            “Talaga! Dahil kami ay matatalino! Hindi gaya ninyo!” sabat ni Gerryjane.

            “Maganda naman!” sigaw ni Rose.

            “Teka teka mga babaeng hindi ko maintindihan ang mga ipinaglalaban sa lupain ng mga tindera rito sa Adikterya. Pwede ba, kung mag-aaway kayo, doon kayo sa malayo? Doon sa hindi ko nakikita. Try ninyo kaya sa Police Station?” singit niya.

            Parang iisang kutsilyong biglang tumalim ang mga tingin ng dalawang grupo sa kanya. “Fine, ako na lang ang aalis. Basta tantanan ninyo ako.” sabi niya.

            “Hindi ka aalis hangga’t hindi ka nangangakong uurong ka sa pageant.” matigas na ani Yesha. Tumango-tango pa ang mga kasama nito.

            “Tama! At layuan mo si Papa Yu.” sabi naman ni Angelica.

            Napataas na ng tuluyan ang kilay niya. Tama ba ang narinig niya? Pinapaatras siya sa paligsahan para kay Yu? Ang ulupong na iyon? “Managinip na kayo ng gising mga atribida, dahil hindi mangyayari yan.” pinal na sagot niya. Leche!

            “Says who?” singit ng baritonong boses na iyon ni Yu. Parang baliw na nagsisisigaw ang mga babae nang makita si Yu. Pacute namang ngumiti ang lalaki sa mga ito. Napa-argh siya sa nasaksikan. NAKAKASUKA!

            “Don’t talk to me!” sigaw niya. Mabilis niyang isinukbit ang beltbag sa bewang. “Mareng Macke, mareng Jhen, as usual, pakibantay itong mga isda ko. Kapag dumating si Chris, pakibigay nalang iyong order niyang isda. Magkaka-world war 3 dito kapag nagtagal pa ako.” aniya.

            “Copy! Basta, balato pag nanalo ka Ai.” nakangising sabi ni Macke.

            “Tama! Kahit isang banyera lang ng isda.” anaman ni Jhen.

            “Sure!” nakangiting lumabas siya mula sa kanyang stall at maarteng hinawi ang mga nagkumpulang babae sa harap ng pwesto niya. Galit na tinabig niya si Yu bilang finale sa pagwo-walk out niya.

            Iritableng napasigaw ang mga babaeng halatang nagpapa-cute sa binata dahil sa panghuling ginawa niya. Balewalang tumalikod siya at naglakad palayo sa mga ito. Kumukulo na talaga ang dugo niya. Hindi niya alam kung bakit, pero parang nais niyang kalbuhin ang mga malalanding babae sa harap ni Yu. Mga malalandi!!!!!

            “Saan ang punta ng amazona? Naduwag ka agad sa akin?” pigil ni Yu sa kanya. Halos mapalundag siya nang maramdaman ang tila kuryenteng iyon na dumaloy mula sa kamay nitong  humawak sa braso niya.

            “D-don’t touch me!” piksi niya.

            “Apat na ang atraso mo. Kapag umabot pa ng hanggang lima. Tinitiyak ko sa’yong isusumpa mo ang araw na nakilala mo ako. And to begin with my vengeance, may inihanda ako para sa’yo.” nakangising binitiwan siya nito.

            Isang napakalakas na sigaw ang kumawala sa mga labi niya ng biglang may nambuhos sa kanya ng isang banyerang isda. Nakita niya sina Jocarl at Alvin na nagtatawanan habang hawak ang banyera, mga kargador ang dalawa. Inabutan ni Yu ang mga iyon ng tig-limang daang piso bago umalis.

            Nanggagalaiting tinignan niya ang tatawa tawang si Yu. Ito na ba ang unang paghihiganti niya? Bwiset! Magbabayad kang sakang ka!

            “How was it? Masarap ba?” nakakalokong tanong pa nito. Narinig niya ang tawanan ng mga tao sa paligid nila.

            “Gusto mo ng away? Pwes, pagbibigyan kita!”

            “Ihanda mo na ang sarili mo, dahil tiyak kong matatalo kita.”

            “Dream on! Wala pang nakatalo sa akin.”

            “Tignan natin.”

            “Huwag na! Dahil kapag hindi ka pa umalis sa harap ko ngayon ay malamang na madukot ko na iyang eyeballs mo at mabulag pa kita!”

            “Try me. Dahil oras na dumikit ni isang daliri mo sa akin, kahit na amoy isda ka pa, hahalikan kita.”

            Parang umakyat na tulad ng sa ferris wheel ang dugo niya at humantong sa ulo niya. Ramdam niya ang eksaheradong pamumula ng kanyang makinis na mukha. Ang manyak na ito!

            “See? Sa kiss ko pa lang, talo na kita.” tatawa tawang tumalikod ito at iniwan siyang parang basing sisiw sa gitna ng talipapa.
Diyata’t madami pa siyang makakalaban dahil sa sakang na iyon?





         











    Leave a comment