Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 6)

Akda ni: Ex De Calibre




   

              Parang sinilaban ang pakiramdam ni Aira nang umagang iyon habang papunta siya sa kanyang pwesto. At exactly five o’clock in the morning, she’s already inside the market to arrange her “precious isda”. Dati naman siyang maaga maghanda ng kanyang mga paninda, dati naman siyang maganda tuwing umaga, dati naman siyang sexy araw araw, kaya nagtataka siya ng lubos ng mga oras na iyon dahil sa mga kakaibang tingin sa kanya ng mga kapwa niya tindero at tindera sa talipapa.            “Ano’ng meron? Tinubuan ba ako bigla ng pakpak? Nagkaron ba ako ng sungay? O bigla kong naging kamukha si kokey? Bakit ganyan kayo makatingin?” singhal niya.

            Ngunit sa halip na sumagot ay tahimik na nagpatuloy ang bawat isa sa kani-kanilang mga ginagawa. Weird. Nagkibit balikat siya. Dumiretso siya sa kanyang pwesto.

            “Goodmorning Macke at Jhen!” masiglang bati niya. Natigilan siya ng hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng mga ito. Everything gets weirder and weirder, she thought. Hindi na siya nagsalita, bagkus ay nagsimula na rin siyang mag-ayos ng kanyang mga panindang isda.

            “Good morning everyone!” Yu’s lively welcome conquered the silence inside the talipapa, ever since she came.

            “Good morning si Yu!” masayang bati ng bawat isa.

            Napasimangot siya. “Bakit yang Yu na ‘yan, binati ninyo, samantalang ako na anak na ng talipapang ito ay dinedma ninyo?” reklamo niya. Again, everybody ignored her.

            “Poor amazona. Wala ng kakampi.” tuya ni Yu. Galit na binalingan niya ang binatang mas lalo pa yatang lumabas ang kagandahang lalaki sa suot na puting lacoste polo shirt at faded maong jeans. Para itong hinugot mula sa loob ng cosmo magazine.

            “Ano’ng ibig mong sabihin?” she demanded. Pilit niyang ipinaibabaw ang inis sa binata upang matabunan ang sumisibol niyang pagnanasa. Dammit! Isa siyang kaaway Ai, kaaway na gagawin ang lahat mahadlangan lang ang nais mong kayaman!

            “Tinalikuran ka na ng lahat, Aira. Lahat sila, kakampi ko na.” nakangising sagot ni Yu. Iminuwestra pa nito ang dalawang kamay na tila tumatanggap ng biyaya mula sa langit. Napakayabang!

            Napalingon siya kina Macke at Jhen. Singbilis ng pintig ng puso niya ang ginawang pagyuko ng dalawa. “So, nabayaran mo na lahat ng taga-talipapa?” she said in a sugar coated tone—trying to cover up her bitterness. Paano siya nagawang ipagkanlulo ng sariling mga kakosa? Kahit naman hindi sila sufer friends ng mga kasamahan, inakala pa rin niyang matatakbuhan niya ang mga ito sa oras ng kanyang pangangailangan.

            “Iiyak ka na ba, amazona?” nakakaloko pang yumukod si Yu upang maging magkapantay ang mga tingin nila. Sa lapit ng mukha nito sa kanya, kulang na lang ay magdikit ang mga ilong nila. Parang may kung anong bumundol sa dibdib niya.

            What’s happening to her? Naging eratiko ang pintig ng puso niya. Hindi niya makakayang tanggapin na ganon kalakas ang epekto ng kolokoy na ito sa sistema niya. Biglang dumukot ng asin ang kanyang kamay at galit na isinaboy iyon sa gulat na gulat na binata.

            “Lumayo ka sa katawang lupa ng sakang na ito, masamang espiritu! Nakikiusap ako, lumayas ka sa katawan niya!” muli pa siyang nagsaboy ng asin.

            “Dammit! What are you doing?” sigaw nito, pinagpag ang asin na bumalot sa katawan nito. Napamewang siya.

            “Alam kong gagawin mo ang lahat para makaganti sa akin, too bad, mas matalino ako sa’yo. Kaya kung ano man ang binabalak mo huwag mo ng ituloy dahil—“

            Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang nalunod ang diwa niya dahil sa malamig at mabahong tubig na ibinuhos sa katawan niya. Nae-estatwang napatitig siya sa tatawa tawang si Yu.

            “Strike two! Two more to go, quits na tayo.”

            “Talagang gusto mo ng away ha?” tinapunan niya ito ng isang nakakalasong tingin, pagkunwa’y napalingon siya sa nangbuhos sa kanya ng tubig—as expected, sina Jocarl at Alvin na naman. Makukutusan niya ang mga ito mamaya!

            “I can stop.”

            Muli niya itong hinarap. She raised her brow as she waited for him to continue.

            “Iyon eh, kung luluhod ka sa harap ko at hihingi ng tawad sa ginawa mo sa akin.”

            “In….” ngumiti siya. “…your….” napahawak siya sa kanyang tiled table na kilalagyan ng kanyang mga isda. “..dreams!” sigaw niya. Mabilis siyang nakadampot ng isang napakalaking bangus at ibinato iyon sa mukha ni Yu. Sapul ito sa mukha!

            Hindi pa siya nakuntento at kumuha pa uli siya ng isda at galit na pinagbabato ang hindi makailag ilag na binata.

            “Hey! Stop it! Darn it! I said stop! Aw, masakit iyon ah! Aw!”

            “Akala mo magpapatalo ako sa’yo? Nungka!” hinihingal na tumigil siya sa pagbato ng mga isda. Mayamaya’y dumako ang tingin niya sa kanyang malaking kutsilyo.

            “H-hey… hindi mo gagawin yan. M-murder is a crime.” anito nang mapansin ang balak niya. Ngumisi siya.

            “Sa estado ko ngayon, kahit pa lethal injection ako ngayon ay makakaya kong tanggapin, mapatay lang kitang hayop ka!” mabilis niyang dinampot ang matalas niyang kutsilyo at tsaka iniamba iyon sa takot na takot na binata.

            “Hindi na magandang biro yan!” sigaw nito sabay takbo palayo sa kanya.

            “Biro mo mukha mo! Papatayin talaga kita hinayupak ka!” ganting sigaw niya habang pilit na lumabas sa kanyang pwesto at hinabol ang tumatakas na binata. “Bumalik ka ditong hayop ka!”

            “In your deams, amazona! Bukas, babalik ako!”

            “Huwag ng ipagpabukas ang pwede namang gawin ngayon! Bumalik ka dito ungas ka at nang maputol ko na yang “kaligayahan” mo!”

            “Para ano? Pagpantasyahan mo? Huwag na oy! Mas masisiyahan ka rito kapag kasama ang katawan ko.” ngumisi pa itong lumingon sa kanya bago muling nagpatuloy sa pagtakbo.

            “Manyak ka! Mas gugustuhin ko pang magparape sa taong grasa kesa mahawakan mo!”

            “Babawiin mo iyan bukas, babawiin mo ang sinabi mong iyan bukas sa oras na natikman mo ang halik ko.”

            Natigilan siya. Halik? Bukas?

            “Oo. Kaya humanda ka! Gagamitin ko na ang special powers ko.”

            “Mukha moooooooooooooo! Bumalik ka dito!!!!!!!!!!!” at nang matikman ko na yang sinasabi mong nakakabaliw na halik! Syempre pa, hindi na niya isinigaw iyon. Ketek! Magigilitan niya ang sariling leeg dahil sa kilig na nararamdaman niya sa banta ng Yu na iyon.

            “Bumalik ka! Duwaaaaaaaaaaaaaaaaaag! Baklang sakang!!!!!!!”







         











    Leave a comment