Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 18)

Akda ni: Ex De Calibre




   
Malungkot na napatitig si Aira sa hawak na baso. May laman iyong iced tea—paborito niyang inumin, pero ni hindi niya iyon mainom. Ilang araw na rin siyang walang gana. “Ah, nakakainis! Ganito ba talaga ang feeling kapag broken hearted?” naitanong niya sa sarili.     “Anak, ibuhos mo!”

     Bigla siyang napatitig sa nakabukas niyang t.v. Nag-apiran ang mag-ina at nagpacute si Nicos sa camera. She rolled her eyes. Imbes kasi na si Nicos ay si Yu ang nakita niya sa t.v. “Grabe! Hindi na nakuntento sa mga panaginip ko, pati sa t.v. nagpapakita ang impaktong Yu na iyon!” sigaw niya.

     Galit na napaahon siya mula sa inuupuang sofa at napatayo malapit sa bintana. Napasilip siya roon kagaya ng araw-araw niyang ginagawa. Mariin siyang napapikit nang muling magpakita sa kanya ang anyo ng lalaking kinaiinisan. Bakit ba sa tuwing sumisilip siya sa bintana ay nakikita niya ang aparisyon ni Yu?

     Gaya ng dati, dumaan lang ang ilang Segundo at mabilis ring nawala ang pigura nito. Ganoon na ba niya ka-miss ang binata para sa kahit saan siya mapatingin ay mukha nito ang nakikita niya? Napabuntong-hininga siya.

     “Okay! Oras na para harapin ang mga kalaban! Hindi nagpapatalo si Aira!” matapang na saad niya. Nakapagdesisyon na siya. Susubukan niyang lumabas. Susubukan niyang bumalik sa talipapa.

     “Kaya ko ito! Ako pa?” bumalik siya ng kwarto at kinuha ang kanyang belt bag na pula, iyong ipinamana pa sa kanya ng kanyang ina. Matapos isuot iyon ay mabilis niyang tinungo ang pinto.

Bago lumabas ay huminga muna siya ng malalim. Kaya na ba niya? pinakiramdaman niya tibok ng kanyang puso.

     “Darna!” sigaw niya bago tuluyang pinihit ang door knob at inihakbang ang mga paa palabas ng kanyang bahay.

                     ***

     Parang sinisilaban ang pakiramdam ni Aira habang naglalakad siya papasok ng talipapa. Parang nagrarambulang mga kabayo ang nasa loob ng dibdib niya dahil sa sobrang bilis ng tahip niyon. Pinilit niyang gawing pormal ang anyo.

Nakatingin lang ang lahat sa kanya, ni walang naglakas ng loob na lapitan siya. Patay malisyang tinungo niya ang kanyang pwesto. Wala siyang dalang mga isda upang ilako, pero titignan muna niya iyon upang malaman kung maaari na siyang bumalik sa pagtitinda bukas.

     Afterall, she should have never given up on that stall. Iyon ang ipinangako niya sa kanyang ina bago pa man ito pumanaw. At wala siyang balak na sirain iyon ng dahil lang kay Yu.

     Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita ang kinahinatnatan ng kanyang pwesto. NAPAKALINIS. Dapat ba niyang ikatuwa ang bagay na iyon? Kung iisiping mabuti—oo ang dapat na sagot. Pero paano siyang matutuwa kung pati ang karatulang nakasabit sa taas niyon na may nakasulat na “Ailyn—Aira Stall” ay malinis na rin? As in wala. WHITE. Wala na!

     Kusang nagbuhol ang mga kilay niya. galit na nilapitan niya si Macke na hindi malaman ang gagawin nang mapansing papalapit na siya.

     “Sino ang may gawa niyan? Sino ang nagtanggal ng karatula ng pwesto ko?”

     “A-aira. Ano kasi.”

     “Sumagot ka!” galit na binayo niya ang mesa dahilan upang magitla ang kausap niya.

     “Si sir Yu ang nag-utos na gawin iyan.” to the rescue si Jhen, na siyang sumagot sa katanungang ipinukol niya kay Macke.

     “Ang walang hiyang sakang na iyon! Nasaan siya?”

     “Nasa opisina yata. Pero—“

     Hindi na niya pinatapos si Jhen sa pagsasalita at pabarabarang sinugod niya ang kinaroroonan ni Yu. “Humanda kang sakang ka! Strike two ka na sakin! Magsisisi ka!” nanggigil na bulong niya.

     Kulang ang 100 degrees celcius kumpara sa inabot ng boiling point ng dugo niya. pakiramdam niya ay magagawa niyang patayin si Yu sa oras na makita niya ang pagmumukha nitong napakagwapo at nakakatakam—teka teka, mali, erase erase! Ang mukha nitong nakakainis at nakakakulo ng dugo!

     Ah! Hindi siya nasasabik na muling makita ang binata. HINDI! HINDI! HINDI!

     Naningkit ang mga mata niya nang makita ang opisinang kinaroroonan ni Yu. Napalinga siya sa paligid. “Kailangan kong maging darna ulit. Kailangan ko ng bato!” anang isip niya.

     Napangisi siya nang makakita ng “bato”.

     Ngunit napalis ring bigla ang ngisi niya nang biglang bumulaga sa kanya ang mukha ng lalaking humigit kumulang sa isang buwang ginambala ang mga gabi niya.

     Pakiramdam niya ay sinipa siya ng kabayo sa dibdib. Napalunok siya. Kulang nalang ay sipain niya ang sarili dahil bigla, parang naumid ang dila niya at humupa agad ang galit niya.

     “Ai…” gulat na gulat na napatitig sa kanya si Yu.

     “Ai mo mukha mo!” nilakipan niya ng galit ang boses sa layong intimidahin ang binata. She covered her true feelings with hatred, not letting him get a hint on what really is making her heart stagger like hell.

     Nakita niya ang pag-ngisi ni Yu sa isinagot niya. His twisted lips suddenly became epic. Para bang sa kaunting kibot ng mga labi nito ay unti-unting natutunaw ang lahat ng pagkamuhi niya sa binata. Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat ganoon mag-isip. She shouldn’t think like a looser, or she will end up as a real looser.

     “Huwag kang ngumisi, kung ayaw mong yang buong mukha mo ang burahin ko!”

     “Dapat ba akong matakot sa sinabi mong iyan?” humalukipkip si Yu at matamang pinagmasdan siya. Hindi pa rin inaalis ang ngisi sa mga labi, na mas lalong ikinainis niya!

     “Hinahamon mo ba ako?” humalukipkip rin siya at pinagmasdan ang binata. Lintek lang ang walang ganti, aba! Napansin niya ang pamamayat ni Yu. Stubbles had formed that almost covered half of his face. Bagamat nagkagayon ay tila mas lalo pang nakadagdag sa karisma nito ang badboy look nito ngayon.

     “Did you miss me Aira?”

     Napipilan siya sa biglaang tanong nito. “D-duh! Bakit naman kita mami-miss aber?”

     “Ako kasi, sobrang miss na miss na kita.”

     “Iniiba mo ang topic!”

     “Pumayat ka, pero maganda ka pa rin.” patuloy nito.

     “Nandito ako dahil aawayin kita!”

     “Alam mo bang gustong gusto kitang yakapin?

     “Bakit mo pinatanggal ang karatula ng pwesto ko?”

     “I wanna hold. Keep you forever in my arms.”

     “Ah! Bwisit ka! Bakit ba napaka-cheesy mo? Kinikilabutan ako!”

     “Galit ka pa rin ba sa akin?” nagkalambong ang singit nitong mga mata.

      “S-sa tingin mo?”

      “I was wrong when I hurt you. But did you have to hurt me too. Did you think revenge will make it better? I don’t care about the past. I just want our love to last

There’s a way to bring us back together.”

      “W-what?” bumalik sa pagkakakunot ang noo niya.

      “I must forgive you. You must forgive me too. If you wanna try to put things back the way they used to be. Cause there’s no sense in going over and over the same things as before. So let’s not bring the past back anymore.”

      “Siraulo ka pala eh! Kanta yan ah!” naiinis na binato niya ng tsinelas si Yu. Tumatawang umilag lang ang binata. Paano nitong nagagawang tumawa sa harap niya? paano nitong nagagawang muli siyang paglaruan?

      “Ai…” natigilan ito nang mapansin ang luhang namuo mula sa gilid ng kanyang mga mata. Mabilis niyang pinahid iyon at napayuko upang itago ang mukha sa binata.

      “Let’s go.” mayamaya’y hinila siya nito sa kamay at niyakag patungo sa isang lugar na hindi niya alam kung saan.

      “San tayo pupunta?”

      “Sa isang lugar, kung saan ko gustong marinig mula sa’yo ang katagang Ai loves Yu.”

      “Wrong gramming ka na din?”

     “We’ll see about that.” matalinhagang saad nito.









       
  










Next

Click to set custom HTML

    Leave a comment