Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 14)

Akda ni: Ex De Calibre




   
“Nakakainis ka! Why did you that? Nakakahiya sa mga nakakita.” nakahalukipkip na tinalikuran ni Aira ang nagmamanehong si Yu at humarap sa bintana ng sasakyan. Pinagsawa niya ang mga mata sa pagtingin tingin sa mga nadaraanan nila. Naiinis talaga siya dahil nagawa siyang kontrolin ni Yu.     “Ayaw mo nun, sikat ka na?” nakangising sagot ni Yu.

     “Sikat mo mukha mo! Sikat sa kahihiyan! Ano ako, isang sako ng bigas para buhatin mo ng ganon?”

     “Relax, ang ginawa kong pagbuhat sa’yo ay patunay ng pagmamahal ko sa’yo.”

     “W-what?”

     “Diba, mahal na ang bigas?”

     “Aaaaaaaaah! Nakakadiri ang kakornihan mo!” napapadyak siya ng di oras sa loob ng kotse nito. Sinagot lang ni Yu ang pagmamaktol niya ng isang mataginting na tawa.

     “Come on. Let’s just enjoy this date, please?”

     “Siguraduhin mo lang na matutuwa ako sa pagdadalhan mo sa akin, dahil kapag hindi ako natuwa, mata mo lang ang walang latay.”

     “Fine.” he winked.

      Bigla siyang nag-iwas ng tingin. Grabe, ang tindi naman yata ng tama niya sa kindat nito? She could feel her heart’s rapid beating inside her chest.

     “You know what, you really look pretty when you blush like that.”

     “Tigilan mo nga ako!” muli niya itong tinalikuran nang muli itong tumawa sa pagmamaktol niya. “Bakit ba bigla kang bumait sa akin? Nakakapanibago ka at nakakapagduda.” bigla niyang naisip ang naging iringan at sitwasyon nila noong una silang magkita.

     “I dunno. Ako mismo ay hindi maipaliwanag kung ano ang nangyayari sa akin.”

     Napalingon siya rito. His serious tone made her feel shiver. “Banat na naman iyan. Pinaglololoko mo ata ako eh. Bigla bigla, para kang umaastang…”

     “Nanliligaw?”

      Napipilan siya.

     “Alam mo bang hindi ako marunong manligaw?”

     “So, nagyayabang ka na sa lagay na iyan, ganon ba?”

     “Silly!” natatawang napalingon ito sa kanya. “What I was trying to say is, ngayon ko lang naranasan ang manligaw. Hindi naman sa pagmamayabang, pero mas sanay akong ako ang nililigawan.”

     “Ah, talagang hindi ka nagyayabang ng lagay na iyan?”

     “Come on!”

     “So, dapat ba akong kiligin sa sinasabi mo?” pilit niyang itinago ang ngiting nagpupumilit sumilay sa mga labi niya.

     “Aysus, kinikilig ka na eh. Ayan o, ngumingiti ka na.”

     “Tigil! Tumingin ka sa daan! Baka mabangga tayo.”

     “Weh. You’re blushing again. Are you trying to seduce me?” dahan dahang itinigil nito ang kotse.

     “T-teka. Talking about seducing. Now where did that come from?” natatarantang tanong niya. “Bat ka ganyan makatingin?!!!” napataas na ang dalawang kamay niya na tila naghahanda para mangharang. Tinignan siya ni Yu ng kakaiba—hindi naman malagkit, hindi rin bastusin—pero talagang kakaiba. Kaya naman biglang bumilis ang tahip ng dibdib niya.

     “Hmmm…” dahan dahang lumapit sa kanya ang mukha ng binata.

     “Kamote! Mumultuhin ka ng nanay Ailyn ko kapag itinuloy mo ang binabalak mo.” Napasiksik siya sa kinauupuan.

     “Hmmmm…” ipinagpatuloy ng binata ang paglapit. Napalunok na siya. This is it! Ito na ba ang pagbagsak ng kanyang bataan? Ito na ba?????

     “Oh my golay! Walanghiya ka! Pagkatapos mong gawin ito, ipapaputol ko talaga yan!” bigla siyang napayakap sa sarili. “Lalapit pa eh!” napapikit na siya nang tuluyang inilapit ng binata ang mukha sa kanya.

She could feel his fresh breath fanning her face. Kulang ang salitang nagwawala para ilarawan ang tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay hinahabol siya ng sampung demonyo para biglang mawalan ng hangin at mahirapang huminga. Napalunok siya.

     Ah! Nais niyang tadyakan ang sarili. Bakit ba parang inaantay pa niya ang halik nito? Bakit ba siya nasasabik na muling matikman ang mga labi nito? Bakiiiiiiit?

     At bakit parang ang tagal tagal niyang gawin ang “binabalak” niya sa akin? Ketek! Ang tagal ha! Nangangawit na ang nguso ko!

      Dagli siyang napamulagat nang marinig ang bulong ni Yu sa tenga niya.

     “Relax sweetie, hindi sa ganitong klase ng lugar dapat ginagawa ang bagay na iyon. We can do it some other time and place if you want to.”

     Pagkatapos ay nakarinig siya ng isang mahinang “click”. Napatingin siya sa kamay ni Yu na nakahawak nap ala sa hugpungan ng suot niyang seatbelt. Tinanggal lang nito iyon sa pagkakalock???!!!

     Napatitig siya sa ngi-ngiti ngiting mukha ni Yu. Ketek! Naisahan siya roon ah! Tuluyan ng naging tawa ang pinipigil na ngiti ni Yu dahil sa naging reaksyon niya.

     “Walanghiya ka!” inis na itinulak niya ito. “Bwisit ka! Nakakainis!” pinagbabayo niya ito sa dibdib at braso.

     “Hinintay mo talaga iyong halik ko?” natatawa parin sabi nito.

     “Sige! Asarin mo pa ako!”

     “Ito naman, sorry na. nandito na kasi tayo. Ikaw kasi, kung ano ano ang iniisip mo. Your imagination ran wild again.”

     “Mang-asar ka pa!!!”

     “Sorry na.” bigla siyang niyakap ni Yu. Natigilan siya. Muling bumalik sa pagwawala ang kanyang puso.

     “B-bitiwan mo ako.”

     “Sabihin mo munang pinapatawad mo na ako.”

    “A-ang sabi ko. B-bitiwan mo ako!”

    “Basta! Sabihin mo munang pinapatawad mo na ako.”

     “Fine!”

     “Say it!”

     “Kung nakakamatay lang ang ka-artehan, malamang matagal ka ng pinagpi-pyestahan ng mga uod sa ilalim ng lupa.”

     “I said sait it!” mas lalong humigpit ang pagyakap nito.

     “I can’t breathe!”

     “Say it! Or I’ll kiss you.”

     “Oo na! pinapatawad na kita!”

     “Takot ka talaga sa kiss ko ano?” lalong lumakas ang tawa nito. Kapagkunwa’y binitiwan siya nito at sabay na umibis sa kotse. Umikot ito at pinagbuksan din siya ng pinto.

     Imbes na ipagpatuloy ang pag-gagalit galitan ay tila naumid ang dila niya dahil sa nakita. Tumambad sa kanya ang isang napakalawak na lupa na may napakaraming tanim na puno. May mga burol sa paligid at talaga namang napakaganda ng tanawin.

     “Welcome to my humble home.”

      Nagtatakang napatingin siya kay Yu.




              







         











    Leave a comment