Mga Baliw na Manunulat

Adik Series 2: Crazy For You

Akda ni: Ex De Calibre




   


            Alyssa is a nurse, isa siyang mabait at pasensyosang nurse sa isang Mental Institute sa Bayan ng Adikterya. In fact, she’s every patient’s favorite, hindi lang kasi siya magaling at mabait na nurse, maganda at sexy pa siya—ayon sa kanyang mga fans—na BALIW. She’s proud of her stand in that Institute, until she was assigned to handle someone with Stockholm Syndrome, one of the worst cases of Mental Disorder. It was the toughest case of mental sickness recorded in their small institute. Ngunit bukod pa sa mahirap i-handle ang sakit na iyon ay may isa pa siyang problema—pinapakulo ang dugo niya ng may ari ng sakit na iyon, si agent Kristoff.

            Isa itong alien na nagmula sa planeta ng mga monggoloid na isinugo yata ni Kokey para sirain ang natitirang bait niya sa katawan. Tama bang pagkamalan siyang sirenang palaka? Sa ganda niyang iyon? Que horror!

            Kung pabaliwan lang pala ang trip ng siraulong pasyente niyang inari na yata ang lahat ng kapilyuhan, katalinuhan, at kagwapuhan sa mundo, aba’y hindi siya magpapatalo! Siya si Nurse Alyssa, ang tanging nilalang na nakakasabay sa ka-adikan ng mga pasyente roon.

            Walang makakatalo sa angking superpowers niyang iyon. Kahit na siya mismo ay gusto nang silaban ang sarili dahil sa tuwing nakakasama niya ang siraulong si Kristoff ay ramdam niyang unti-unti na rin nahuhulog ang loob niya sa binata.

            Kabaliwan bang matatawag ang umibig sa isang baliw?










    Leave a comment