Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 11)

Akda ni: Ex De Calibre




   

                Napalingon si Aira kay Yu, tapos kay Bennie, tapos kay Yu ulit, tapos kay Bennie ulit. Ah! Paulit ulit, napalingon siya sa dalawa. Nahihilo na siya!

    "Ano, Ai, kanino ka sasama?" nakangiting tanong ni Bennie, animo'y siguradong ito ang pipiliin niya.

    Samantalang si Yu ay nakatingin lang sa kanya. With his blank face, hindi niya alam kung ano nga ba ang iniisip nito. She sighed. Bakit dismayado siyang malaman na hindi umaasa ang mukha nito na ito ang pipiliin niya? Bakit tila wala itong paki-alam kung sino ang sasamahan niya? At bakit parang hindi siya makahinga kasi naninikip ang dibdib niya? Ipinilig niya ang ulo.

      Diyata't nagiging madrama na siya?

     "Ai my labs!!!!" sigaw ng pamilya na boses na iyon. Mabilis siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Napangiti siya nang makita kung sino iyon.

    "Mang Edmundo!" masayang sigaw niya. Napangisi siya nang makita ang cheap, as usual, na bungkos ng mga bulaklak na hawak nito. Natigilan ang matanda ng makita ang dalawang lalaking kasama niya. Kaya naman siya na ang kusang lumapit rito.

    "Para sa akin ba ito?" natutuwang tanong niya. Inabot niya ang dala nitong bulaklak. Nagtatakang napatingin lang sa kanya si Mang Edmundo. Narinig niya ang pagsinghap ni Bennie. While Yu's face remained blank. Mabilis niyang iniiwas ang tingin sa huli.

    "A-ah. M-may bisita ka yata." alanganing komento ni Mang Edmundo.

    "Huwag mo silang alalahanin. Napadaan lang sila." aniya. Mabilis niyang isinukbit ang beltbag. Naramdaman niya ang basang pwetan. Badtrip! may putik pa nga pala ang pwet ko! Napangiwi siya.

    "Sandali!" gulat na napalingon siya kay Yu, na hinawakan siya sa braso at pinigilang umalis. Pagkunwa'y inalis nito ang suot na t-shirt. Napaluwa ang mata niya dahil sa nakitang nagsisiksikang muscles at abs nito. Biglang naghiyawan ang mga tao sa talipapa--lalo na ang mga bading at kakabaihan. Napangisi lang si Yu sa naging reaksiyon niya.

    "Take this. Pasensya na, wala akong ibang pwedeng ibigay sa'yo." anito sabay balabal ng t-shirt nito sa bewang niya--isang paraan upang matakpan ang pwetan niyang basa. "Ayoko lang na mabastos ka." anito. Naalala niyang manipis nga pala ang suot niyang palda ng mga sandaling iyon. Marahil ay nabakat ang pwetan niya dahil nga sa basa iyon. She blushed.

    "Let's talk some other time. Kung kelan tayong dalawa lang." nakangiting sabi nito "at walang asungot" anito sabay lingon kay Bennie. Pagkunwa'y tumalikod na ito at naglakad palayo. Ay jusmiyo! Isa itong nakakatakam na nilalang na naglalakad sa talipapa. WOW ULAM!

    "Isa kang life saver Mang Edmundo!" siniko niya ito habang papalabas na sila ng talipapa. Iniwan niyang nakatunganga si Bennie. Wala siyang panahong makipaghuntuhan sa isang katulad nitong nang-iiwan sa ere.

    "Ibig bang sabihin niyan, tayo na?" nakangising tanong nito. Dagling napawi ang ngiti niya.

    "Ah, Mang Edmundo, may snatcher!" sigaw niya.

    "Ha? Nasan? San banda?" natatarantang napalingalinga ito sa paligid nila. Knowing the old man, alam niyang magpapakabayani ito mapanatili lang ang pwesto nito sa talipapa. Kaya naman ginamit niya iyon para makawala sa atensyon nito. Mabilis siyang tumakbo at iniwan ang matanda.

    "Hoy Aira! Hindi mo pa sinasagot iyong tanong ko!"

    "Mang Edmundo, magugunaw muna ang mundo bago ako pumayag na mapasa iyo!"

    "Bwisit kang babae ka! Bayaran mo na ngayon din ang utang ng nanay Ailyn mo!"

    "Neknek mo! Wala pa iyong isang buwan nating kasunduan." naka-behlat pang nilingon niya ito. Pagkunwa'y tatawa tawang tumakbo siya at mabilis na pumara ng tricycle.

                                                      ***

    Parang tangang nakangiti sa kawalan si Aira ng gabing iyon. Habang yakap yakap niya ang kanyang unan ay kinikilig na inalala niya ang ginawa ni Yu kanina.

    "May pagkasweet din pala ang mokong na iyon." kausap niya sa sarili. Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang mga labi. In a moment, Yu's kisses suddenly flooded her mind. Kinikilig na napatili siya.

    Ano bang nangyayari sa kanya at kinikilig siya ng ganito?

    Mayamaya'y biglang naputol ang pangangarap niya nang biglang tumunog ang kanyang mumurahing cellphone. Nagtatakang dinampot niya iyon mula sa tabi ng kanyang unan at tinignan kung sino ang nagtext.

    Binuksan niya ang mensahe at tumabad sa kaniya ang isang numerong hindi naman nakarehistro sa kanyang phonebook.

    "Gising kp?" said the text message.

    "secret" was her reply. Napangiti siya. Kapag tama ang hinala niya kung sino ang nagtext na iyon--isinusumpa niya--magwawala talaga siya.

    Mayamaya'y biglang nagring ang kanyang telepono. Tumatawag na ang unregistered number.

    "H-hello?" aniya sa nanginginig na boses.

    "Mabuti at gising ka pa." anang swabeng boses ni Yu. Pingilan niya ang mapasigaw. Oh grabeeeeeeeeeee! Ang dami niyang kilig!

    "Hindi pa naman kasi ako inaantok." aniya. Walang boses na nagtatatalon siya sa kanyang kama. Gigil na pinagsusuntok niya ang kanyang mga unan at nagpagulong gulong siya sa sahig. Lahat yata ay nagawa na niya. Grabe, ganito pala ang pakiramdam ng kinikilig!

    "Great! Magkwentuhan muna tayo, bago ka matulog."

    "Ahmm... ano naman pag-uusapan natin?" excited niyang tanong.

    "Gaya ng, kung ano ang tungkol sa inyo ni Dennie?"

    "Bennie! Hindi Dennie."

    "Whatever."

    Napangiti siya at muling nagpagulong gulong sa sahig. Grabe! nagseselos ba ito? KINIKILIG AKOOOOOOOOOOOO!!!









         











    Leave a comment