Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 13)

Akda ni: Ex De Calibre




   
Pakiramdam ni Aira ay nakasakay siya sa isang ferris wheel ng mga sandaling iyon. Nahihilo na siya kina Yu at Bennie na kanina pa parang pusang hindi mapaanak sa harap niya. Both were trying to outwit each other. Both were trying to catch her attention.     “Ai, tikman mo itong niluto kong nilagang baboy, masarap ito. Hindi ba’t paborito mo ito noong mga bata pa tayo?” nakangiting anyaya ni Bennie sa kanya.

     “Di ba busog ka na? Kasi naubos mo iyong niluto kong porridge kanina. Here, take this. Mag-orange juice ka nalang.” biglang singit ni Yu.

    “Teka teka, nahihilo na ako sa inyo aba!” sigaw niya.

     Kung sa ibang pagkakataon siguro iyon ay tiyak na magkakaroon siya ng hydrocephalus, puputok ang self-confidence bag niya at magiging modern day rapunzel siya dahil pinag-aagawan siya ng dalawang gwapo at kagalang galang na lalake.

     “Nahihilo ka? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?” natatarantang tanong ni Bennie. Mabilis siya nitong hinawakan sa braso at inalalayan.

     “She’s fine. Maybe she just needs rest.” inalis ni Yu ang kamay ni Bennie sa braso niya. He gave Bennie a very sharp look.

     Uh-oh. Gumagrabe. Malapit na talagang pumutok ang ulo niya. “I suggest that both of you, just leave me alone. Hindi naman sa nagagalit ako ano, pero kasi tama si Yu, kailangan ko ng magpahinga. I’d rather be alone now. So please, you can leave now.”

      Nagkatingan ang dalawa.

      “Please?”

      “Fine. I’ll leave. Just promise me, hindi ka gagawa ng kahit na anong makakasama sa’yo.” bilin ni Yu.

      “Ai, hindi kita iiwan.” determinadong sabi ni Bennie. She rolled her eyes. Hindi na nagbago si Bennie. Lagi na lang nitong ipinipilit ang gusto.

      “Thanks for understanding Yu.” inignora niya si Bennie. Nakangiting bumaling sa kanya ang binata.

      “F-fine! Aalis na rin ako!” deklara ni Bennie, na halatang ayaw talagang magpatalo kay Yu.

      “Please be safe.” ani Yu na ginawaran siya ng isang mainit na halik sa labi. Pareho silang nabigla ni Bennie sa ginawa ng binata. “Goodluck kiss lang.” nakangising paliwanag nito.

     “Silly!” natatawang sagot niya. Ah, grabe! Bakit ba kinikilig na naman siya?

     “Makaalis na nga!” masungit na sabi ni Bennie bago sila iniwan. Mabibigat ang mga pang nagmartsa ito palabas ng apartment niya.

     “Ikaw kasi.” natatawang paninisi niya kay Yu.

     “Mabuti nga iyon e, masosolo na kita.”

     “Loko!” namumula ang mukhang nag-iwas siya ng tingin.

     “Kidding.”

     “It’s not funny.”

     “Siya siya, mukhang nahihiya ka pang aminin na crush mo ako, kaya iiwan na muna kita.” tumayo ito at mabining  umalis sa tabi niya.

     “Yabang!”

     “See you soon, sweetie. Magpagaling ka.”

     “Thank you.”

      “Hindi ako tumatanggap ng thank you.”

      “Wala akong pera, mahirap lang ako.”

     “Edi ito na lang ang bayad mo.” ilang sandal pa at nakalapit na ito agad sa kanya at muli siyang ginawaran ng halik sa mga labi.

      Kagaya ng dati ay muli niyang naramdaman ang pagwawala ng kanyang puso. Parang tangang tinitigan na lamang niya ang likuran ng papaalis na si Yu. Kung panaginip ang nangyaring iyon, sana hindi na siya magising pa.

      Ala-sisa, napangiti siya ng mag-isa.

                                               


***

 



   “Para sa nag-iisang amazona ng talipapa!” nakangising inabutan siya ni Yu ng isang bungkos ng rosas. “At para kumpletos rekados, dagdagan natin nito.” inabot nito ang dalang chocolate. “Ahem, at para mas kumpleto na talaga, dapat may—“

     Natatawang iniharang niya ang palad sa nguso nitong nakaamba ng halik sa kanya. “Nawiwili ka na Mr. Sakang. Hindi libre ang halik ko.” kunwa’y mahinang itinulak niya ito palayo.

     “Baka lang kasi makalusot.” napakamot ito sa ulo.

     “Asa!”

     “Sakit naman ‘nun.” eksaheradong napahawak ito sa nasaktang dibdib.

     “Wag mo nga akong dramahan!” natatawang taboy niya sa binata. Isang linggo na ang nakakalipas, at maayos na ang kalagayan niya mula sa atakeng natanggap niya sa grupo nina Yesha. Isang linggo na rin siyang sinusuyo ni Yu.

      Sa tuwing naiisip niyang sinusuyo siya ng binata ay kinikilig siya. Kung dati ay kumukulo ang dugo niya sa tuwing nakikita niya ito, ngayon ay kinikilig na siya. Suddenly, their relationship has gotten better. Wala ng away, hindi na aso’t pusa, wala na ring gantihan. How good her life can be?

     “Ahem.” napatikhim sina Macke at Jhen na nasa tabi niya lang. Naroon kasi siya sa talipapa, as usual, upang magtinda ng mga isda.

     “Akala ko mga instik lang ang nanliligaw sa tanghali, pati pala mga hapon?” pasaring ni Jhen.

     “Korek! At kinikilig ako, para akong nanunuod ng telenobela.” naghagikhikan ang dalawang katabi niya dahil sa tinuran ni Macke.

      Namumula ang mukhang napatingin siya sa nakangisi paring si Yu.

     “Don’t mind them. They’re just happy for you. For us.” kumindat pa ito. “Kumain ka na ba?” masuyong tanong nito kapagkuwan.

     “Hindi pa!” mabilis na sigaw ng bagong dating na si Nikka, ang opisyal taga-hatid ng ulam nila tuwing tanghali doon sa talipapa.

     “Great! Tara, kumain tayo sa labas. Samahan mo ako.” mabilis na hinawakan ni Yu ang mga kamay niya.

     “H-ha?”

     “Come on! Kapag hindi mo ako sinamahan, hindi ako kakain. Magugutom ako, tapos mamatay ako, tapos mumultuhin kita, tapos—“

     “Oo na! Oo na!” natatawang sansala niya. She never got tired of his pushy attitude. Bakit ba kailangan pa niyang mahulog sa kakulitan nito?

     “Nice! Let’s go?”

     “P-pero, paano itong mga paninda ko?”

     “Don’t worry about that, binayaran ko ang isang araw ni Gina. Siya ang magtitinda sa mga isda mo.”

     “H-ha??” mas lalo siyang naguluhan sa itinatakbo ng mga sinasabi nito. “OA ka naman, magla-lunch lang naman tayo ah? Para namang hindi ako babalik agad rito.”

     “We’ll go on a date. At siyempre, dahil first date natin ito, dadalhin kita sa isang napaka-espesyal na lugar.”

     “M-meaning?”

     “Hindi ko gustong mabitin ang date natin. Kaya you’ll be on a leave—halfday leave—para sa date nating ito. That’s an order!”

     “Order ka diyan! Ayoko!”

     “Bubuhatin kita at ilalagak sa kotse ko kapag hindi ka pumayag. I don’t take no for an answer.”

     “Teka teka. Wala sa usapan nating ang ganito.” napaatras siya. Okay, sweet na kung sweet ang binabalak nito. Pero wala sa bokabularyo niya ang salitang “pilit”. Pinakaayaw niya sa lahat ay ang pinangungunahan siya, at pinipilit sa bagay na nauna na niyang sinabi na ayaw niya.

     “I told you, bubuhatin kita.” ulit nito.

     “I won’t allow that to—“

     Napasigaw siya nang bigla siyang hinawakan ni Yu sa baywang at binuhat na parang isang sako ng bigas. Isinukbit siya nito sa balikat!

     “Walanghiya kaaaaaaaaaaaaaaaaa!! Ibaba mo ako!!!!!” nagpakawag kawag siya at mas lalong napasigaw.

     “I warned you. Ikaw kasi, napakatigas ng ulo.” tatawa tawang sabi nito bago naglakad palabas ng talipapa.

     Habang si Aira ay wala ng nagawa kundi ang magtakip ng mukha dahil pinagtitinginan sila ng madaming tao!









              







         











    Leave a comment