Mga Baliw na Manunulat

La Familia Adiktus 1: My Fiancé is a Vampire 

Picture

By: Zaira King




Babala: Ang Nobelang ito, na inyong pag-aaksayahan ng panahon basahin (kung sakaling mauto ko kayo) ay walang kwenta at tanging bunga lamang ng aking malikot na imahinasyon, malikot ding mga kamay at lalamunang uhaw sa pang-linis ng silver...


   

        Simple lang ang pangarap ni Romina Ngusngos-Balisawsaw: Una, ang maligo sa salapi; Ikalawa, ang bumango ang apilyedo niya. Lumuwas ng Maynila ang loka para maghanap ng mayamang mapapangasawa. Mas matanda at mas madaling mamatay mas bongga. Iyun nga lang, nauwi siya sa pagiging isang katulong. Tamang-tama naman, parang inadya ng langit, dumating sa kanya ang isang oportunidad para makamit ang mga mithiin niya. Mangyari kasi ay isang dugong bughaw mula sa malayong kaharian sa Europa ang bigla na lamang, out of the blue, nag-alok sa kanya ng kasal. Matatanggihan ba niya ang lalaki? Mayaman ito. Mabango ang apilyedong Brettencourt. Gwapo ang mukha. At higit sa lahat panalo sa abs! Sa madaling sabi ay pumayag ang ating bida na maging  fiancée ng mayamang Konde. Goodbye Romina Ngusngos-Balisawsaw, hello Countess Romina Brettencourt na sana ang drama ng ating bida pero isang lihim ang matutuklasan niya na kanyang ikagigimbal nang bonggang-bongga!







    Leave a comment