Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 9)

Akda ni: Ex De Calibre




   

            “Sorry na.” walang puknat na ka-sorihan ang naririnig ni Aira nang mga sandaling iyon. Everybody came to her and asked for her forgiveness. Parang kailan lang nung tratuhin siya ng lahat na parang isang hangin at isang mortal na kaaway. Tapos ngayon naman ay halos sambahin siya ng lahat mapatawad niya lang ang mga iyon.     “Ai, sorry na kasi.” nakayukong ani Macke. Nasa likod nito ang nakayuko ring si Jhen. “Tinakot kami ni sir Yu eh. Sabi niya bawal ka daw kausapin.” singit ni Jhen.

     “Oo nga mareng Ai, kahit ako, na suki mo lang eh natakot sa kumalat na chismis tungkol sa away ninyo ng anak ng may-ari ng lupa ng talipapang ito.” anaman ni Monica, ang isa sa mga suki niya.

     “Basta, sorry ulit Ai.” ani Chris, hinawakan pa nito ang kamay niya. Kasama nito ang mga pinsan nitong sina May, Monica, Chel, at Ivy na pare-parehong mga suki rin niya. Sa lahat ng mga bumalewala sa kanya sa talipapa, sa mga ito lamang siya tunay na nasaktan. Itinuring kasi niyang tunay na kaibigan sina Macke.

     Sa halip na sumagot ay tipid lang siyang ngumiti. Marahan niyang binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Chris.

     “Ai!!!” tili ni Nikka sabay yakap mula sa kanyang likuran. “Grabe! Miss na miss na kita! Sa wakas! Pwede na ulit kitang makausap!”

     “Ha?”

     “Siyempre, kagaya nilang lahat, under din ako kay boss Yu.”

     “Talagang ginagalit ako ng ulupong na iyon ah!” galit na sambit niya. So, everything was planned as she’s expected.   Tinignan niya ang mga kasama, lahat ay mukha namang sinsero sa paghingi ng tawad sa kanya.

     Iisa lang ang dapat kong sisihin sa gulong ito, ang baklang sakang na manyak na iyon!

      “Sorry na kasi.” ani May. Gumaya na ang lahat sa pagsosorry sa kanya. Hindi na tuloy niya napagilang hindi mapangiti. She suddenly felt lighter.

     “Kayo kasi eh! Pasalamat kayo at mabait ako.”

     “Oo na. Mabait ka na. Kaya patawarin mo na sila.” ani Rose sa nanunuyang tono. Nagtawanan ang mga kasama nitong atribida, joined forces pa sila sa Maliboot Angels. Halos sabay sabay silang napaismid ng mga kasama niya. Manggugulo na naman yata ang mga ito.

     “Feelingerang palaka!” nasusukang bulalas ni Rona Joyce.

     “Tara na nga girls! Baka mamaya, magsumbong pa iyan kay Sir Yu.” pasaring ni Yesha. Nakaismid na iniwan siya ng mga ito. Sa kauna unahang pagkakataon ay nagawang magkasundo ng dalawang grupo—at dahil iyon sa kanya. How flattering.

     “Hayaan mo na sila. Mga inggit lang iyon sa’yo.” nakangiting sabi ni May.

     “And speaking of inggit, masasabunutan yata kita burha ka! Tignan mo, padagsa na ulit ang mga suki mo. Uubusin nila agad ang mga paninda mo. Sarap mong gilitan ng leeg!” biro ni Jhen.

     “Ha?”

     “Ayan na ang mga fans mo, siya siya, tatabi na muna ako. Para makabenta ka.” si Macke, na bumalik na sa pwesto nito.

     “Alis na rin ako, storbo lang ako rito.” natatawang paalam ni Nikka. Kasabay nitong umalis sina Chris, May, Monica, Chel, at Ivy. Naiwan siyang natataranta at hindi maisip kung paano niyang mahaharap ang mga nagdagsaang mga suki niya.

     “Teka teka!” itinaas niya ang dalawang kamay na parang pumapara lang ng bus. “Stop the meaning of this! Isa isa lang, mahina ang kalaban.”

     “Hay naku Ai, basta ako, dalawang kilo ang bibilhin kong bangus ngayon.” sabi ni Elizabeth, second best suki niya.

     “Sa akin, tatlong kilo ng tilapia!” sigaw ni Elen.

     “Sa akin limang kilong galunggong!” excited na sigaw ni Les.

      “Ay, excited? Excited? Easy ka lang, bebentahan naman kita.” natatawang sansala niya kay Elen. Parang batang nakikipag-agawan ng kendi ang mga suki niya sa harap ng pwesto niya.

      Kahit na sobrang pagod ay talaga namang natutuwa siya. Everything seemed to have been back to normal again. Iyon lang, parang exaggerated na ang balik ng ayos ng buhay niya. Nakapagtatakang sa isang iglap—isang oras—ay naubos na agad ang paninda niyang dati rati ay umaabot pa ng ala-singko ng hapon bago niya mapaubos.

     Kinuha niya ang kanyang pink na towel na may burda pa ng pangalan niya at ipinamunas iyon sa makinis niyang mukha. Kumuha siya ng isang bote ng Wilkins mula sa kanyang maliit na ice box at ininom iyon. Pagod na napaupo siya at tinitigan ang wala ng laman na mesa niya.

     “Napagod ka ba?” nakangising tanong ng kadarating na si Yu.

     “Ay butiking nahulog sa kisame at napadapa ng nakapakeke!” sigaw niya. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib sa sobrang gulat. “Ano ba! Balak mo ba akong patayin sa atake sa puso? Haller! Para kang kabute!” asik niya.

     “So, paano yan, tapos ka na sa pagtitinda?” nakangiting lumapit pa ito sa kanya at tumabi sa kinauupuan niya. Napakislot siya nang maramdaman ang pagsagi ng balbon na braso nito sa braso niya. Ang nakaka-adik nitong pabango ay parang ipinaghehele siya. Grabe, oh tukso, layuan mo akooooooooo!

     “Paano mo naman nalamang tapos na ako aber?” kunwa’y galit na tanong niya. Trying to cover up her reddening face, she furiously stood up and went back to her table to clean nothing. Mukhang tanga lang, wala siyang maapuhap na pwedeng gawin para sana tantanan na siya nito.

     “Simple lang.”

      Napataas siya ng kilay sa pambibitin nito. Inis na sinipa niya ito sa paa nang makitang ngumisi lang ito sa halip na ituloy ang balak nitong sabihin. Nagpapa-cute sa kanya ang damuho!

    “Ako kasi ang nag-utos na sa’yo sila bumili. May raffle draw doon, lahat ng bumili sa’yo, may ticket, isang ticket per kilo. At tumataginting na limang libong piso ang premyo.”

Kulang nalang ay mabagsakan ang paa niya—ng kanyang panga—dahil sa sobrang gulat. Ideya nito ang kalokohang iyon?? Pero bakeeeeeeeeeeeeeet??

     “Sasagutin ko na iyang tanong mo. Para makapagdate tayo.”

     “D-date?”

     “Bingi ka? Bingi?” panggagaya nito sa pang-aasar niya. Sa ginawa nito ay natawa na siya. He looked so damned cute whenever he pretended to be like an “adik”.

     “At sino naman ang may sabi sa’yong papayag nga akong makipagdate sa’yo?” nagpapakipot na tanong niya. Kahit na ang totoo ay kinikilig na siya. Ketek! Bakit ba siya kinikilig sa mokong na ito?

     “Oo nga naman, paano mo naisip na papayag makipag-date si Ai sa’yo?” singit ng galit na boses na iyon mula sa likuran niya. Gulat na napalinon sila ni Yu sa nagsalita.

     Si Bennie! Ang best friend turned ex-boyfriend niyang nagawa siyang ipagpalit sa MATH! Isa na itong engineer ngayon. Pero five years ago, isa lamang itong patpating lalaki na mahilig magbuhat ng limang kilong Math Books at magsuot ng makapal na salamin habang ang buhok nito’y plantsado ng gel at nahati pa sa gitna.

     Natigilan siya ng makita ang ayos nito ngayon. He looked totally different—hindi na ito mukhang bangkay, “in” na ang suot nitong salamin at wala na rinng hati sa gitna ang buhok nito dahil uso na rin ang gupit nito.

     Pero para sa kanya ay wala paring nagbabago—ito parin ang Jerk na nagawa siyang iwan para matupad ang pangarap nito. He let her face the worst stage of her life dahil sa pangarap nitong maging engineer.

     “Sino ka ba?” pailalim ang tinging ibinigay ni Yu sa bagong dating. Nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki. Ramdam niya ang tumitinding tension sa pagitan ng mga ito.

     Aawat na lang siya nang biglang sumagot si Bennie.

    “Ako si Bennie, ang first love ni Aira.” mayabang nitong sagot.

Sa gulat niya ay bigla siyang hinaklit ni Yu, niyakap siya at biglang hinalikan sa mga labi. “First love never dies, but true love buries it alive.” anito habang nakangiting inakbayan siya.

     Isang nagbabagang tingin ang ipinukol ni Bennie sa kanya. Habang siya ay tila hihimatayin na sa higpit ng yakap ni Yu sa kaniya. Oh em geeeeeeeeeeeeeeee!









         











    Leave a comment