Mga Baliw na Manunulat

Adik Series: Ai Loves Yu
(Part 4)

Akda ni: Ex De Calibre




   

               Parang detective na pasilip-silip si Aira mula sa pinagkukubliang luma at kulay pulang Toyota na nakaparada sa maluwang na parking lot ng Maliboot Market ng hapong iyon. Wala sa loob na nakagat niya ang kuko ng kanyang tintuturo. Habang mukhang tangang naka-squat, sumandal diya sa kotse at napahinga ng malalim.            She saw Yu standing in front of his new silver Montero. Napakagwapo ng bruho! Mukhang bagong ligo. Napahawak siya sa dibdib. Bakit ba siya kinakabahang makaharap ito? Ngayon ang nakaambang sagupaan nila.

            “Ah hinde! Bat ako matatakot? Sa ganda kong ito? Ano ngayon kung amoy isda ako? Magkaalaman na kung magkakaalaman! Dapat makuha ako!” parang sirang kinausap niya ang sarili.

            “What on earth are you doing here?” Yu’s eyes glinted surfeit amusement. Kulang na lang ay yumukyok ito at ituro siya habang mukhang baliw na tumatawa sa harap niya. Eksaheradang ipinilig niya ang ulo. Diyata’t lumalawak ang bangag niyang imahinasyon? Kusang nagbuhol ang mga kilay niya.

            “Don’t english engslish me!” sigaw niya. Mabilis siyang tumayo at nakapamaywang na hinarap ito. How she wished she could rub off that devilish grin on his face. Kumukulo ang dugo niya! Kaya ba namumula ang mukha niya ngayon? Aaaaaaaaaah!

            “Why not?” nakangising inilapit nito ang mukha sa kanya.

            She flinched back. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa nakakalokong mukha nito. Ibang iba sa seryoso at tila laging galit na mukha nito noong nagdaang araw. “T-teka. What on earth are you doing?” she hissed. Awtomatikong napaangat ang mga kamay niya at nanginginig na pumatong iyon sa malapad na dibdib ni Yu nang magsimula itong maglakad palapit sa kanya.

            His grin grew wider when he obviously felt her shiver. Tila napapasong inalis niya ang mga kamay sa dibdib nito. She heard his mocking laugh. Mukhang gumaganti ang sakang ah! He’s making fun of her.

            “Siraulo ka! Get away from me!” buong lakas niyang itinulak ang binata.

            “Funny huh? Your grammar suddenly found its way to the right path.” tuya nito. Na ikinatigil naman niya. Ang matalim nitong mga mata ay nagsabing hindi nito nagustuhan ang ginawa niyang pang-tri-trip dito.

            “W-waiting in vain Mr. Sa- este Mr. Pogi. I is just shocking to say those word in front you. I mean, my nose is blading! Oh no!” umangat ang kamay niya na tila sinasalo ang nahuhulog na dugo mula sa ilong niya. Ngunit sa halip na matawa ay mas lalo pa yatang nagalit ang binata sa ginawa niya. She grimaced.

            “Madami ka ng atraso sa akin. Unang una, you bathed me with your fish!” muli itong lumapit sa kanya. She stepped back. “Pangalawa, you splashed me with cold and dirty water.” Lumapit pa itong lalo. She stepped back again. “At pangatlo, pinagmukha mo akong tanga dahil sa pag-eenglish mong mali mali. You had my head hurt like hell for nothing!” sagad na ang espasyo. He was leaning over her and she’s got nowhere to go.  Nasukol na siya ng tuluyan.

            Napalunok siya. Pinigil niya ang paghinga. Homaygolay! Napakalapit ng mukha nito. Pakiramdam niya tuloy ay hindi siya makahinga. Napahawak siya sa kotse sa likuran niya. Bwiset na kotse! Hindi pa umalis para makatakas na ako sa gwapong lalaking ito.

            “At tandaan mo, Miss Fishy Wishy. Wala pang atrasong pinalampas si Yuri Hanigami. I let every single soul pay. Kaya mag-iingat ka. For now, this serves as a warning. If you want to play, I’ll be on it. Pero sinasabi ko na sa’yong ako ang mananalo at hindi ikaw.” ang labi nito ay napangisi. She almost screeched. Isang hibla na lang ng buhok ang layo ng mga labi nila.

            She could smell his manly breath. Pero mas naaamoy niya ang pananakot nito sa kanya. At kailanman ay hindi siya tinuruan ng nanay niyang basta basta na lang nagpapatalo! Baka biglang bumangon sa hukay ang kanyang Inay Ailyn kapag nagpatalo siya sa sakang na iyon.

            She kicked him hard—siguro naman, mahuhulaan na ng mga makakakita kung saan niya sinipa ang binata, ah mali, tinuhod pala dahil napasigaw ito sabay mura sa kanya at napayukyok ng sobra—on the balls. Kulang na lang ay maglupasay ito sa kalsada.

            “For your information Mr. Yuri Walang Pumupuri, hindi ako basta bastang babae. I don’t quit. I never quit. Dahil sa lahat ng labang tinanggap ko, kailanman ay hindi pa ako natalo. As for the pageant, kahit wala kang approval, I can climb my way up to the big boss’ office and state my side. Hindi lang ikaw ang judge. Kung gaganti ka sa akin, siguraduhin mo lang na makakatama ka. Dahil kung hindi, zombies will surely eat your brain!” pagkunwa;y mabilis siyang nagmartsa paalis ng lugar na iyon.

            Sinasabi na nga ba niya, may masamang balak sa kanya ang damuho. Gaganti? Haller! Maggantihan kami hanggang gusto niya pero hindi niya mapapasuko si Aira!

            Sayang iyong pamintang inihanda niya. Nakalimutan niyang ibudbod sa mukha nito ang mga iyon. Next time nalang. Tsk.

            “You’ll pay for this Aira! I swear you’ll pay for this!” pahabol pang sigaw nito.

            “Ilista mo muna fans! Minsanan na ang magiging bayad ko. Utang muna.” tatawa tawang sabi niya. Ngunit hindi niya maitatatwa ang kabang biglang dumunggol sa dibdib niya. Kapag gumanti si Yu, tiyak na gagapang siya paalis ng Maliboot Talipapa.

            Oh hindeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!




         











    Leave a comment