Mga Baliw na Manunulat

La Familia Adiktus 1: My Fiancé is a Vampire Ikalawang Hati (Teaser)

Picture
Presenting: Hubris

Hubris



By: Zaira King

           





                Nakita niyang paikot na bumubulusok mula sa langit ang isang bagay na animo’y parang isang kahon. Patayong bumaon sa lupa ang bagay na iyon – sa sobrang lakas ng impact ay nabiyak ang lupa. Makapal ang nilikhang alikabok niyon. Nang mahawi ang usok ay doon lang nakita ni Romina kung ano ang bagay na bumagsak – isang ataol, isang lumang itim na kabaong na may gintong krus sa pinto. Nanatiling nakahinto ang mga tao sa paligid ni Romina. Walang gumagalaw na kahit ano maliban lang sa kanya. Maging ang hangin ay hindi umiihip. Nabigla siya nang makita niyang unti-unting bumukas ang pinto ng ataol. Lumabas mula sa loob ng ataol ang makapal na itim na usok na amoy pinaghalong asupre, kamanyang at ylang-ylang.

M-may tao sa loob?!” nahihintakutang tanong niya. Napaatras siya.

Una niyang nakita ang paghakbang ng hubad na talampakan ng tao mula sa kabaong. Pagkatapos niyon ay umakyat ang tingin niya sa suot na trahe-de-boda ng babaeng naroroon. Isang babaeng ikakasal ang naroroon. Isang magandang babaeng ikakasal. Isang magandang babaeng ikakasal na tigmak ng dugo! Tumatagas ang dugo mula sa dibdib ng babaeng lumabas mula sa ataol. Hindi bababa sa sampung balaraw ang nakatarak sa kanyang dibdib sa bahaging puso. Bukod doon ay may hawak siyang isang matalas na karit na mas mataas pa sa kanya. Iniatang ng babae ang bigat sa hawak na karit pagkatapos ay nakapamewang na tumingin kay Romina.

“I have come to serve your death warrant, Romina Ngusngos-Balisawsaw.” nakangiting sabi nito. Hindi maintindihan ni Romina pero wala siyang nararamdamang takot sa babae. Para siyang nabatubalani na hindi makakilos ni hindi makapag-isip ng gagawin o sasabihin.

“Sino ka?” kapagdaka’y tanong niya.

Isang itim na baraha ang hinugot ng babae mula sa hangin. Inihagis niya ang barahang iyon sa kausap. Huminto sa mismong harap ng mukha ni Romina ang baraha. Nakita niyang larawan ng kalansay na nakasuot ng itim na roba ang nakaguhit doon.

“The 115th Personification of Death, La Loca Lynda.” wika ng babae habang nilalamon ng itim na apoy ang baraha sa harap ni Romina.

“Let’s get down to business, Romina. Time is running on and I have more people to destroy. A great disaster will befall the Hermit Kingdom and I have to be there to collect souls.”

“Marunong po ba kayo magtagalog?”

“Oo naman!”

“Ay mabuti naman po. Hindi ko po kasi naiintindihan yung sinabi ninyo eh. Sino nga po kayo ulit?”

“Ako si kamatayan.”

“Ah okay po. Bakit po kayo nandito? Tataya din kayo sa lotto?”

Taas kilay na tumingin kay Romina si La Loca Lynda.

“Romina, may tanong ako sa iyo.”

“Ano po?”

“Tanga ka ba?”

“Hindi pooooooooooooo – “ sigaw ni Romina habang tumatakbo. Kanina pa niya pinapahaba ang usapan para makaisip siya ng paraan para makatakas sa babaeng ang misyon noong gabing iyon ay ang paslangin siya.

Gayun na lamang ang panghihilakbot niya nang biglang lumitaw sa harap niya ang babae. Nakaupo ito sa lumulutang na karit.

“Nice try Romina, nice try. But you cannot escape death, no one can. The oracle has spoken. You must be destroyed.” Mula sa kawalan ay may lumitaw na isang itim na aklat sa palad ni La Loca Lynda. “Ars Mortalitas” ang nabasa ni Romina na nakasulat sa pabalat ng aklat.

“Bakit? Bakit dapat akong mamatay?”

“Akala ko ba hindi ka nakakaintindi ng English?”

“Did I say that? I forgot. My memory cannot be trusted Miss La Loca Lynda.”

“Ah, so hindi ka lang nakakaintindi, nakakapagsalita ka rin ng English?”

“Ano po yung sinasabi ninyo about sa oracle?” tanong ni Romina habang inaabot ang isang nakausling dos por dos sa gawing gilid niya. She was trying to buy time again.

“It doesn’t matter what the oracle said. You do not need to know because you’re going to die.”

Lumapit si La Loca Lynda sa isa sa mga hindi kumukilos na lalaki. Inamoy niya ang leeg nito pagkatapos ay, gamit ang kanyang matalas na kuko, ay gumawa ng butas doon. Tumagas ang dugo mula sa leeg ng lalaki na sinahod naman ni La Loca Lynda gamit ang isang itim na kopa. Nang mapuno ang kopa ay hinaplos ng babae ang sugat, sa isang iglap lamang ay nawala iyon. Dahan-dahan na inilapit ng babae ang kopa sa bibig pagkatapos ay uminom.

“Death is after you Romina. Kahit maawa ako sa iyo ngayon at hindi ko bawiin ang kaluluwa mo, hindi mo matatakasan ang nakatakda. Mamamatay ka! So, bakit pa natin patatagalin?”

Pasugod na tumakbo si Romina kay La Loca Lynda upang hampasin ito ng hawak niyang kahoy. Ayaw niyang gawin iyon pero buhay na niya ang nakataya. Ibinuhos niya ang lahat ng lakas sa paghampas – wala siyang tinamaan. Nagulat siya nang marinig niya ang mahinang pagtawa ni La Loca Lynda sa likod niya. Iniangat ng ika-isangdaan at labing limang pagsasatao ng kamatayan ang kanyang kanang kamay, mistulang may malakas na pwersa iyon dahil namalayan na lamang ni Romina na mabilis siyang lumilipad palayo.

Thug! Malakas na humampas ang katawan niya sa pader. Dumudugo ang naumpog niyang ulo.

Ito na ba? Katapusan ko na ba?” unti-unting pumipikit ang mata niya, nawawalan na siya ng malay, “bakit ang bilis? Ganito lang ako mamamatay? Ayoko. Ayoko!” Habang unti-unting sumasara ang mata niya ay nakita niyang hinugot ni La Loca Lynda ang isa sa mga nakatarak na punyal sa kanyang dibdib.

“Huwag kang mag-alala Romina. Hindi ka masasaktan. Gagawin nating mabilis ito.”

Tanggap na ni Romina. Mamamatay na siya. Tahimik nalang siyang pumikit upang hintayin ang pagbaon ng patalim sa sintido niya. Mabilis na nagbalik sa kanyang alaala ang mga mukha ng mga mahal niya sa buhay – mga magulang niya, mga kapatid, mga kaibigan, si Mr. Wolf at….siya…Sino nga ba siya? Biglang ibinukas ni Romina ang mga mata niya.

“Hindi ako pwedeng mamatay!” naluluhang sigaw niya. “Hindi ako pwedeng mamatay!” ulit niya habang nakatitig sa nakahintong patalim sa harap niya. “Hindi ako pwedeng mamatay…dahil…dahil naghihintay siya! May dahilan pa ako para mabuhay…si…si – ”

“Tumigil ka!” sigaw ni La Loca Lynda. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin siya sa nakahintong patalim sa harap ni Romina.

Kung ganun ay totoo nga…” sabi niya sa sarili. “Kailangang mamatay siya!

Kumuha pa ng isang patalim si La Loca Lynda mula sa kanyang dibdib. Noon lang niya muling gagamitin ang patalim na iyon na kahit mga imortal ay kayang kitilin ang buhay. Iyon ang punyal na ginamit niya noong ginunaw niya ang isang sinaunang kaharian libong taon na ang nakakaraan.

“Siguradong mapapaslang ka sa punyal na ito,” kumpyansang ngumiti si La Loca Lynda bago niya inihagis ang patalim na tatapos sa buhay ni Romina. 

“Huwaaaaaaggggg!” sigaw ni Romina.

Ganun na lamang ang pagkabigla niya nang walang anu-ano ay isang lalaki ang nakatagilid na nakatayo sa harap niya. Hawak ng nakatagilid na lalaking iyon sa kanang kamay ang patalim na ilang sentimetro na lamang ang layo mula sa noon ni Romina.

“Hubris!” magkahalo ang pagkabigla at galit sa mukha ni La Loca Lynda.

“Hubris…” ulit ni Romina habang nakatitig sa mukha ng lalaki sa harap niya, mukhang animo’y inukit sa marmol. Walang mababanaag na emosyon sa gwapong mukha ng lalaki na kakaiba ang kasuotan at may takip ang kanang mata. Isang larawan ang naka-ukit doon.

“Hubris, bearer of the Eye of Horus! What are you doing here?! Do not meddle in Death’s affairs!”

“Hubris…” tulalang ulit ni Romina sa pangalan ng lalaki.



Next


    Leave a comment