Mga Baliw na Manunulat

La Familia Adiktus 1: My Fiancé is a Vampire Chapter 2

Picture

By: Zaira King




 

May iba akong nadarama
Magmula nang makausap na kita
Araw-araw ang puso ay umaasa
Na muli ika'y aking makikita

Sa bintana'y lagi nang nag-aabang
Ng iyong sulyap habang nagdaraan
Parang di mo pansin ang mga ngiti ko
Manhid ba ang puso at damadamin mo



Chorus:


Pasulyap-sulyap kat kunwari'y
Patingin-tingin sa akin
Di maintindihan ang ibig mong sabihin
Kung mayro'ng pag-ibig ay
Ipagtapat mo na sa akin
Agad naman kitang sasagutin


 

 

Paulit-ulit lang sa pagkanta si Mama Rene sa loob ng bus na para bang unli siya ala Tootsie Guevara with matching Vicks na lip gloss. Ang best friend ni Romina tinamaan sa naka wheelchair na kundoktor sa bus!

“Mama Rene, tigilan mo nga iyan. Nakakahiya ka na.” napapa-iling na saway ni Romina sa kaibigan.

“At kailan pa nakakahiya ang ma-inlove Romina? Tao lang ako. May puso. May damdaming marunong magmahal,” ang madramang giit ni Mama Rene.

“Wala naman sanang problema Mama na mainlove ka. Pero sana umalis ka na sa pagakaka-kandong mo sa katabi mong matabang tomboy na malalaki ang daliri.”

“Bakit kailagan pang i-specify na malalaki ang daliri ng lulu na katabi ko Romina?”

“Wala lang po. Napansin ko lang.”

Dahan-dahan, patay malisya na tumulay ang mga mata ni Mama Rene sa mga daliri ng katabi niyang tomboy na naka pony-tail at naka visor na Minnie Mouse ang design with matching pink na mga mouse ears. Nanghilakbot si Mama Rene sa labis na pagkalaki ng mga daliri ng lulu na naka suot ng bulldog shoes na kulay ROYGIBIV.

Goodluck naman sa GF ng lulu na ito!” nahihintakutang saad ni Mama Rene sa sarili.

Bago natin husgahan si Mama Rene na madumi ang isip. Nais ko lang linawin mga minamahal kong mambabasa na ang tunay na saloobin ni Mama Rene ay ganito:

Goodluck naman sa GF ng lulu na ito. Nakakangalay ka-holding hands ang ganito kalalaking daliri. At paano nalang kung mag-away sila at masampal niya ang GF niya? Saang estasyon ng telebisyon tayo mananawagan para sa mga naglayas na wisdom tooth ng GF niya kung sakali?

Sa totoo lang ang maganda naman ang boses ni Mama Rene. Kung tutuusin nga ay ilang beses na rin siyang nagkampeon sa mga patimpalak sa Ketong Colony. Noong pumunta siya sa Maynila ay ang nais niya talaga ay sumali sa That’s Entertainment ni Kuya Germs. Nakapasok naman siya doon sa katunayan nga ay miyembro siya ng Monday Group. Kaya lang mahigpit talaga ang competition sa grupo nila at lagi pa siyang sinasabotahe ni Isabel Granada at ni Tootsie Guevarra. Ang tanging naging bestfriend lang niya sa That’s Entertainment ay si Jennifer Sevilla at Nikki Martel. Pagkatapos ng exposure niya sa That’s Entertainment ay napasok naman siya sa Always, Snooky na pinagbibidahan ng kakambal ni Pong Pagong na si Snooky Serna. Noong tuluyang magtapos ang That’s Entertainment ay nagpunta sa Brunei si Mama Rene kasama si Osang at doon ay nagtayo siya ng Beauty Parlor. Pero hindi iyon ang talagang gusto niya kaya naman muli siyang bumalik sa Pilipinas para sumali sa Sineskwela. Hindi pinalad na makapasok doon si Mama Rene kaya minabuti niyang sumali nalang sa Philippine Idol.

Philippine Idol Judge: Hello Rene Chichi-Tayitayi?

Mama Rene: *Hawi ng baby bangs sa kili-kili* Uhm ako po si Rene.

PIJ: *Rolleyes* Oo nga sinabi ko nga ikaw nga si Rene.

Mama Rene: Opo nga po ako nga si Rene.

PIJ: Ang kulit mo din noh? Ikaw nga si Rene. Pwede ba sabihin mo na nga lang kung anong kakantahin mo?

Mama Rene: Ken Lee

PIJ: Ken Lee? Ano yun?

Mama Rene: Duh! Ken Lee lang di mo pa alam? Eh di yung kanta ni Maraya Kari

PIJ: Baka Without You?

Mama Rene: Aba mas marunong pa?! O di ikaw na!

PIJ: Kumanta ka na nga lang baklang balahura!

Mama Rene: *nagvocalize*

No one ken to ken to sivmen
Nor yon clees toju maliveh
When I gez aju zavateh na nelechoo more
New yonooz tonigh molinigh
Yon sorra shoo
yes ee shooo, ooo


Ken leee
Tulibu Dibu Douchoo
Ken leee
Tulibu Dibu Douchoo
Ken leee
Ken lee meju more



PIJ: Anong language yan?

Mama Rene: English. *taas kilay*

Needless to say, sinipa palabas ng audition room si Mama Rene dahil sa kanyang stellar performance.

Narinig ni Romina na nagha-hum si Mama Rene ng kanta.

“Anong kinakanta mo Mama Rene?”

“Ken Lee.”

“Ay baka po ibig ninyong sabihin Without You?”

“Bakit ba lahat ng tao tanga? Eh di kung ibig kong sabihin Without You eh di yun na sana ang sinabi ko diba?”

Tanging tango lang ang naging sagot ni Romina. Natameme siya dahil iyon ang unang pagkakataon na nagtaas ng boses si Mama Rene sa kanya. Hindi niya mapigilan na kutuban ng masama, lalo pa at nakita niyang naluluha si Mama Rene habang kumakanta ng Maria Leonora Theresa. Habang umiiyak si Mama Rene ay siya namang pag-akyat ni Phil Younghusband sa bus. Nagkagulo lahat ng mga pasahero ng bus dahil sa sobrang kagwapuhan ni Phil. Kanya-kanyang eksena na para mapansin ng gwapong football player.

“Romina, itulak mo ako bilis!” utos ni Mama Rene kay Romina nang makita niyang papalapit na si Phil sa direksyon nila. Nais sana ni Mama Rene na mabunggo siya kay Phil pagkatapos ay hubaran ito ng damit habang unti-unti siyang nagpapanggap na nahihimatay.

“Ha? Mama? Anong gagawin ko?”

“Sabi ko Romina itulak mo ako! Now na!!!!”

Hindi napaghandaan ni Mama Rene ang ginawang pagtulak sa kanya ng katabi niyang tomboy. Mabilis ang mga pangyayari para kay Romina.

“Manong! Itigil ninyo ang bus! May baklang nahulog!!!!!!” sigaw ng katabi ni Romina. Huli na nang makita niya ang duguang katawan ni Mama Rene na nakahandusay sa kalsada. Parang umiikot ang paningin ni Romina sa sobrang pagkabigla.

“Mama Rennnnneeeeeeeeee!” naluluha niyang sigaw habang mabilis na tumatakbo ang bus.

***

“Mama, ayos ka lang ba?” ang nag-aalalang tanong ni Romina sa baklang nakahiga sa folding bed at naka semento ang buong katawan. Kasalukuyan nakapiit ang halos nag-aagaw buhay na si Mama Rene sa presinto. Doon sila nagtuloy matapos dalhin sa ospital si Mama Rene. Ang siste kasi ay sa nangyaring pagkahulog ni Mama Rene sa bus ay tumama ang nguso niya sa traffic light na naging dahilan ng pagkasira nito. Nagresulta iyon sa hindi mabilang na aksidente kaya naman sa bandang huli ay si Mama Rene pa ang dinakip ng mga pulis.

“Mama okay ka lang ba? Kung oo ang sagot mo mag-split ka, kung hindi naman okay na ang dalawang tumbling sa kaliwa at tatlo sa kanan,” sabi ni Romina sa baklang tanging ang umuugang wisdom tooth nalang ang naigagalaw.

“Doc bakit po hindi nagsasalita si Mama Rene?” tanong ni Romina sa doktor na may 353 na kaso ng medical malpractice na kasamang nakakulong ni Mama Rene.

“Hija, bigyan natin siya ng time and space. Mahirap talaga kapag na-ceasarian ang isang pasyente.”

“Doc, hindi po siya nanganak. Lalaki po siya.”

“Ay ganun ba? Tsk! Sabi na nga ba hindi sanggol yung hinugot ko sa katawan niya kundi yung atay niya eh. Paano ba ‘to?” Malalim na nag-isap ang doktor. “Sige hija okay lang siya. Baka napagod lang siya sa pagpi-finger print kanina kaya siya hindi makapagsalita.” Kunwari ay nagbisi-bisihan ang doktor sa pagkuha ng BP ng nakaratay na si Mama Rene.

Nilapitan ni Romina si Mama Rene at umiiyak siyang kinausap ito.

“Huwag kang mag-alala Mama Rene, magiging okay ka rin.” Tuluy-tuloy sa pag-iyak si Romina. “Wait lang Mama Rene magsi-CR lang ako.” nakangiwing paalam ni Romina. Nagmamadali siyang lumabas ng selda pagkatapos ay patakbong pumunta sa CR. Nasira ang tiyan niya sa kinain niyang bagoong alamang at Mcfloat kaninang umaga.

“Prooooooot! Pruuuuuuuut! Pruuuuuuuut! I love it! Haaaaaaaaar!” sunud-sunod na tunog na kumakawala mula sa tiyan ni Romina.

Shucks mukhang nagtatae ako,” usal niya sa sarili. Muli na naman niyang narinig ang pagrerebulusyon ng tiyan niya.

“Proooooooot! Pruuuuuuuuuuut! Prrrrrrrruuuuuuuut! I love it! Try Mo! Haaaaaar! Prooooooooot!”

Sa wakas ay nailabas na niya lahat ng sama ng loob niya. Hinanap niya ang tissue. Wala. Tumingin siya sa timba. Walang tubig. Tumingin siya sa tomboy na janitress na nanboboso sa kanya. Patay malisya itong nagtext.

Ano ang gagawin ko ngayon?” natatarantang tanong niya sa sarili. Nag-isip siya kung paano niya malilinisan ang sarili niya. Naalala niyang may dala siyang panyo.

Tama pwede kong gamitin ang panyo ko!” Akmang ipapahid na niya ang panyo sa sarili nang maalala niyang iyon ang kaisa-isang regalo sa kanya ni Richard Raymond “RR” Longlong-Talong na ex-boyfriend niya.

Pwede nalang kayang yung bra ko nalang ang ipangpunas ko?” hinubad niya ang kanyang bra. Akmang ipapahid na niya sa sarili ang bra nang maalala niya na hindi pa iyon bayad sa pinagkuhanan niyang Natasha dealer.

Patay! Ano kayang gagawin ko? Anong ipang-pupunas ko sa sarili ko?

Nang lumabas sa CR si Romina ay isa nalang ang suot niyang stockings.











    Leave a comment