Mga Baliw na Manunulat

La Familia Adiktus 1: My Fiancé is a Vampire (Prologue, Part 3)

Picture

By: Zaira King




        Makalipas ang mahabang bus ride na inabot ng isang araw at dalawang oras na pagsakay sa ferry boat ay narating na ni Romina ang kabilang bahagi ng Pilipinas. Anim na oras pa ang inabot bago makarating sa bus terminal sa Cubao ang bus na sinasakyan ni Romina.

Ito na nasa Maynila na ako. Malapit ko na maabot ang mga pangarap ko.” Magkahalong kaba at tuwang sambit ni Romina sa sarili. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa buong paligid.

Ganito pala ang Maynila?” tanong niya sa sarili. Malayung-malayo ang nakikita niya ngayon sa naiimagine niyang magiging itsura ng Maynila. Akala niya kasi sa Maynila puro gwapo ang tao. Pero bakit puro mga taong grasa na butas ang shorts ang nakikita niya? Bakit mga pilay na tumutugtog sa kalsada ang nabubungaran niya sa bawat kanto? At bakit mahilig mamboso ang mga pilay na iyon? Wala siyang malinaw na patutunguhan kaya naman sumunod nalang siya sa daloy ng tao sa kalsada. Sige lakad lang siya hanggang sa makarating siya sa MOA. Hindi manlang niya napansin na sobrang haba ng nilakad niya mula Cubao hanggang MOA. Bakit ba? Eh sa type niya maglakad eh. Pagdating niya ng MOA ay bigla niyang naalala na nakalimutan niya ang bag niya sa bus terminal. So bumalik ulit siya from MOA sa cubao. Hindi niya hobby ang maglakad. Hinding-hindi!

Hindi na niya nakita ang bag niya. Nanlumo siya. Sa sobrang panlulumo niya napasayaw siya ng Poker Face sa bus terminal. Mabuti naman dahil sa ginawa niyang pagsasayaw ng Poker Face ay may nag-abot sa kanya ng pera. Suma-tutal nakalikom din siya ng trenta pesos. Sa sobrang lungkot niya at sa sobrang laki ng problema niya ay naisipan niyang sumabit nalang sa jeep at pumunta ng Luneta. Hindi pa siya nakakapunta ng Luneta kaya naman excited siya. Komo first time niya sa big city, halatang-halata na aanga-anga siya. Ikaw ba naman ang mag-hubad ng tsinelas bago umakyat ng jeep. Ewan ko nalang kung hindi mapansin ng mga kapwa mo pasahero na kulang ka sa iodine.

Patay. Paano na ako nito? Anong gagawin ko ngayon? Wala akong kapera-pera. Wala manlang akong kakilala dito.” Nagumpisang pagsisihan ni Romina ang ginawa niyang pagluwas sa Maynila. Paano kung mapahamak siya? Paano kung imbes na mapabuti ang buhay ay mapariwara pa siya? Nang akmang tatalon na si Romina sa jeep ay biglang may tumawag sa kanya.

“Romina? Romina Ngusngos-Balisawsaw? Ikaw na ba iyan girl?” malandi ang malalim na boses ng taong nagsalita. Lumingon si Romina. Nagulat siya.

“Mama Rene? Mama Rene Chichi-Tayitayi! Mama Rene ikaw nga!” maluha-luhang sigaw ni Romina. Matagal na panahon na niyang hindi nakikita ang bestfriend niyang matador. Isang matador sa slaughter house si Mama Rene noong nasa Ketong Colony pa ito. Pero isang araw ay nagdesisyon itong hanapin ang swerte sa Maynila. Iniwanan ni Mama Rene ang kanyang blooming career bilang matador pati ang kanyang crown bilang Binibining Slaughter House 2005, na napunta sa second princess – ang tatay ni Romina.

“Kamusta ka na girl?” nakangiting tanong ni Mama Rene. Nakaka-angat na nga sa buhay si Mama Rene, napansin ni Romina. May nakasingit kasing tinga ng corned beef sa dalawang bagang nito sa harap. Isa si Mama Rene sa mga masu-swerteng tao na nabiyayaan ng bibig na puro bagang ang ngipin. At bonus pa doon ang makapal niyang gums na kulay violet. Sige lang sa pagngiti si Mama Rene, na Miss Project-Project sa Binibining Slaughter House 2005 pageant.

“Ito nga Mama ang laki ng problema ko eh.”

Napansin ni Romina na biglang dumistansiya si Mama Rene ng upo sa kanya.

“Ha? Ano yun Romina? Sorry di kita narinig eh.”

“Sabi ko Mama malaki ang problema ko,” pasigaw na ulit ni Romina.

Patay-malisyang lumi-linga-linga si Mama Rene, halatang gusto nang bumaba. Kung medyo maluwag lang ang bintana ng jeep ay malamang na doon na tumalon si Mama Rene.

“Sorry Romina busy ako eh.” Palusot na paliwanag ni Mama Rene bago dukutin ang Nokia 5110 sa kanyang bag. Naiinggit si Romina sa ka-high-tekan ng cell phone ni Mama Rene na may Hello Kitty sa antenna.

Tunay nga, maalwan na ang buhay ni Mama Rene,” sa loob-loob niya. Naalala ni Romina na hindi pa siya nagbabayad ng pamasahe. Ayaw na niyang mapahamak ulit kaya nangako siya sa sarili na hindi na siya magwa-123.

“Manong, bayad po,” magalang niyang sabi. Mabilis pa sa alas kuwatro ang ginawang pag-abot ng bayad ni Mama Rene sa bente pesos ni Romina.

“Manong dalawa ho iyan,” inunahan ni Mama Rene ng anunsiyo ang dalaga.

“Salamat Romina ha. Hindi ka na dapat nag-abala pa. May pambayad naman ako. Alam mo kasi maganda naman ang kita ko dito sa Maynila. Super successful ako dito.” Humahalakhak pa si Mama Rene habang ibinubulsa niya ang sukli ng bente pesos ng dalaga. Si Romina naman ay hindi nagdududa na talagang big time na si Mama Rene.

Malamang bigtime na nga si Mama Rene. Kasi kung hindi siya bigtime paano niya ma-aafford magsuot ng dalawang bra diba?” pangungumbinsi ni Romina sa sarili habang tinitingnan ang suot-suot na bra ni Mama Rene na nakapatong sa kanyang sweater.

“Nga pala Romina, gusto mo ba ng raket?” biglang naitanong ni Mama Rene habang ibinubulsa niya ang bayad ng pasahero sa tabi ni Romina.

“Oo sana Mama. May alam ka ba?”

“Ako pa! Eh Managing Supervision kaya ako sa opis namin!” pagbibida ni Mama Rene.

“Wow Mama, bigtime ka na talaga. Isipin mo Managing Supervision ka na! Saan ka ba nagtatrabaho?”

“Sa Luneta mismo,” mayabang na sagot ni Mama Rene.

“Wow Mama, ipasok mo naman ako sa office ninyo.”

“O sige ba. Malakas ka sa akin Romina, alam mo iyan.”

Sa pagkakataong iyon ay hindi napigilan ni Romina ang sarili niya na yakapin si Mama Rene.



Sa Luneta…

“O Romina okay ka na ba sa cubicle mo?” may halong pride na tanong ni Mama Rene. Proud na proud siya sa sarili niya lalo pa ngayon na may natulungan siyang kababayan niya mula sa Ketong Colony.

Hindi malaman ni Romina ang isasagot niya. Malay ba niyang ang trabaho pala ni Mama Rene ay isang janitor sa public toilet sa Luneta. At sa kasamaang palad, dahil sa may naipasok siyang bagong empleyado ay tumaas ang ranggo ni Mama Rene. Malas lang ni Romina dahil sa kanya napunta ang dating trabaho nito – ang maging assistant ng mga lalaking magsi-CR na walang mga kamay. Ang magiging trabaho ni Romina ay tulungan ang mga lalaking disabled na iyon para umihi. So ibig sabihin niyon, siya ang magbubukas ng zipper ng mga lalaking iyon at siya ang mag-aasinta ng *bleep* para sumakto sa toilet bowl nila sa pag-ihi.

“Mama sure ka ba okay lang ito? Hindi kaya parang alangan sa akin ang trabahong naibigay mo sa akin?” Natatakot na tanong ni Romina.

“Sus ano ka ba Romina. Three years na ako dito sa Luneta. Wala naman talagang nagsi-CR dito na walang mga kamay noh. Bale parang parte lang ng Customer Service ng management ang mag-assign ng mag-aassist sa mga lalaking walang mga kamay sa pag-ihi. Pero wala naman talagang pumupunta na ganun dito. Ano ka ba? Bagong luwas ka lang kasi kaya wala kang alam sa Maynila. Hindi namamasyal ang mga taong walang kamay dito noh,” tumatawa nang malakas si Mama Rene para maipakita kay Romina na walang dahilan para matakot siya.

Si Romina naman ay gumaan ang loob. Natawa din siya. Tama nga naman. Kung wala kang mga kamay bakit mamamasyal ka pa sa Luneta?

Habang nagtatawanan ang dalawa ay bigla namang huminto ang isang bus sa tapat ng CR. Malaki ang karatula sa gilid ng bus na nagsasabing: "First-Ever Field Trip ng Mga Lalaking Walang mga Kamay!”

“Diyos ko!!!” sigaw ni Romina.










    Leave a comment