Mga Baliw na Manunulat

Adik Series 2: Crazy for You
(Part 4)

Akda ni: Ex De Calibre




           Natigilan si Alyssa nang mapansin si Kristoff na mag-isang nakaupo sa ibaba ng hagdan. He was facing the garden, wherein all the adikmates were playing. Napabuntong hininga siya.     “Goodmorning Kristoff! Kamusta ang gising mo?” masiglang tanong niya.

     “Not good. I haven’t had enough sleep for more than a month now.” walang gatol na sagot nito. Napakamot siya sa ulo. Mukhang bugnutin pa yata ang bago niyang pasyente.

     “Kumain ka na?”

     “I’m not hungry.”

     “Why don’t you join them? Masaya ang mga kasamahan mo rito.” naupo siya sa tabi nito at nagpangalumbaba.

     “Don’t take me as if I’m like them.”

     “Okay.”

     Sa isinagot niya ay napalingon ito. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. pagkunwa’y umirap ito. Hindi niya napigilan ang mapangiti. Why, it was her first time to have seen a man do such feminine act.

     “Don’t smile at me like that.”

     “Okay.” patinanod niya. Why not sana ang gusto niyang itanong, pero pinigilan niya ang sarili. Hindi niya lalabagin ang rule nilang iyon sa pangalawang beses.

     Muli siyang nilingon nito. “Are you trying to seduce me?”

     Humugot siya ng isang malalim na paghinga. She’ll try to control her temper for now. “I am not. I have to go for now,  I’ll go check on you later.” tumayo na siya at nag-akmang aalis nang bigla siyang pigilan ni Kristoff sa braso. Gulat na napalingon siya sa binata.

     “Don’t leave yet. I need to talk to you.”

     “Okay.”

     “Don’t give me the crap! Stop saying okay. I’m not one of them, so don’t treat me like one.” irritableng anito. Hinila siya nito ay muling pinaupo sa tabi nito. “You need to help me get outta here.”

     “O-okay.”

     “I said stop answering me with okay!”

     Kinakabahang napalinga siya sa paligid. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Kagabi, ang sabi niya sa sarili, she wanted to know the truth. Pero ngayong nasa harap na niya si Kristoff ay bigla namang naumid ang dila niya.

     “O-okay.”

     “Dammit! Listen. You need to free me tonight. My life’s at stake. I know that they’re planning to kill me tonight. I won’t allow that to happen.”

     “O-okay.”

     “Say one more okay and I’ll kiss you right now.”

     Iling ang naging sagot niya sa banta nito. Sa unang pagkakataon ay nakita niyang ngumiti si Kristoff. Why, he looked more handsome when he smiles. Nakita niyang natigilan ito at napatitig sa kanya.

     “I said don’t look me like that.”

     “Ha?”

     “It makes me feel like you’re asking me to kiss you. So stop looking at me like that.”

     Pinamulahan siya ng mukha dahil sa sinabi nito. Napayuko siya. she didn’t bother to answer. Pakiramdam kasi niya ay magkakamali na naman siya kapag kinausap niya ito. His effect on her was very viral. Para bang siya ang nababaliw at hindi ito.

     “Meet me tonight, here, at this very same spot.” bulong nito. “I’ll wait for you.” anito bago tuluyang umalis. Naiwan siyang nakatunganga at tila hindi makapaniwala. Sinundan niya ng tingin ang likod nitong papalayo.

That mysterious man aroused her curiosity. Kaya nasisigurado niyang kahit alam niyang labag sa kautusan sa ospital ang binabalak niya ay gagawin pa rin niya…mamayang gabi.

         ***

     Madilim na ang kapaligiran. Nagpalinga linga si Alyssa sa tahimik at madilim na hallway ng ospital. It was almost nine pm. Niyakap niya ang sarili. It was a cold night indeed. Kinakabahang tinahak niya ang daan papunta sa lugar na sinabi ni Ksisoff na pagtatagpuan nila.

     Nanginig siya nang biglang umihip ang isang malakas at malamig na hangin. Pakiramdam niya ay may lalabas na multo anumang sandali. Ipinilig niya ang ulo. She can’t back out now. Ngayon pa na isinugal na niya ang sariling katinuan?  Akalain ba naman niyang maniniwala siya sa sinabi ng isang pasyente? Kapag walang lumabas na Kristoff mamaya, malamang na matauhan siya at isiping kasama sa sakit nito ang panggu-goodtime ng tao.

     Malapit na siya sa lugar. Habang papalapit siya ay ramdam niya ang mas lalong paglakas ng kabog ng kanyang dibdib. Nakakabingi ang katahimikan. Nakakapanindig balahibo ang hangin. Pakiramdam niya ay tumayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan, particular na sa batok, nang may marinig siyang kaluskos mula sa kanyang likuran.

     Mula sa kanyang pinanggalingan. Can someone be following her? Sa naisip ay hindi niya napigilan ang mas lalong manginig. Napalunok siya nang makarinig ng mahinang mga yabag. The sound of the footsteps seemed to have been getting near her. Naalarma siya sa naisip. Kaya mas binilisan niya ang paglalakad.

     Natatanaw na niya ang lugar ng kanilang tagpuan. Kahit paano ay nakaramdam siya ng kapanatagan ng loob. Maisip pa lang niya si Kristoff ay nawawala na ang takot niya. Iyon ang isang bagay na hindi niya maipaliwanag.

     Ngunit gayon na lamang ang pagkadismaya niya nang makitang walang tao roon. Natawa siya. How stupid can she get? Katangahan nga naman ang ginawa niyang paniniwala sa mga sinabi ni Kristoff. Afterall, he really is one of her patients. Nagoyo siya ng isang pasyente. It’s something that should be written in her diary.

     Naiiling na humakbang siya paatras…pabalik sa kanyang kwarto. Ngunit gayon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang braso. Ngunit ang tangka niyang pagsigaw ay nalunod sa kanyang lalamunan dahil tinakpan ng kung sinumang nasa likuran niya ang kanyang bibig.

     Tanging sa isip na lamang niya lumabas ang kanyang sigaw.

     Isang katanungan rin ang pumasok sa kanyang isip ng mga oras na iyon. SINO ANG TAONG NASA LIKURAN NIYA AT TUMAKIP SA KANYANG BIBIG?










    Leave a comment