Mga Baliw na Manunulat

Adik Series 2: Crazy for You
(Part 8)

Akda ni: Ex De Calibre

   


    “Ano namang tingin mo sa akin, sinungaling?” asik ni Kristoff.     “Oh eh bat ka galit?” asar na sigaw rin ni Alyssa. “Masama na palang magtanong ngayon. Ay grabe! Pag tinamaan ka nga naman ng kamalasan!”

     “Kapag hindi ka tumigil, iiwan kita!”

     “Ngayon mo sabihing hindi ka sinungaling! Iiwan mo ako ahit na nangako ka ng hindi mo ako iiwan?”

     “Bilisan mong maglakad! Baka maabutan nila tayo!”

      “Hoy! Hintayin mo ako!!! Kristoff!” 

***

     “Ano ‘to?” nagtatakang tanong niya.

     “Sweet potato.” bagot na sagot ni kristoff. Nakaupo ito sa tapat ng isang maliit na bonfire na ginawa nito kanina.

     “Alam kong sweet potato ito, pero ang tinatanong ko eh kung bakit ito ang ibinigay mo sa akin? Akala ko ba magla-lunch tayo?”

     “Ah…so gusto mo ng lechon manok, crispy pata at sinigang na hipon?”

     “Ay, pwede! Pero huwag ung huli, allergic ako sa hipon.”

     “Gising!” pinitik nito ang noon niya. Inis na napahawak siya roon at tsaka ito tinitigan ng masama.

     “Aray naman! Bakit ka na nanakit?!”

     “Ginigising lang kita. Kita mo na ngang nandito tayo sa gitna ng gubat tapos maghahanap ka sakin ng masasarap na pagkain?”

     “Huwag mong sabihing…”

     “Tama. Tama iyang iniisip mo.”

     “Ano ba namang klaseng lunch ito?! Sweet potato? Eh paano tayo mabubusog nito?”

     “We’re fugitives, remember? Natural na sa gubat tayo nagtatago ngayon. At natural din na wala tayong ibang pwedeng kainin dito kundi ang mga galing lang din sa gubat.”

     “Wala man lang bang baboy ramo dito? Leon? Tigre? Sawa? Gorilya? Buwaya? Oa kahit na anong lamang lupang pwede nating papakin liban dito sa sweet potato?”

     “Gusto mo na bang mamatay? Kung anu-anong pinag-iiisip mo. Kapag may lumabas na tigre o kaya leon dito, ikaw ang ipapakain ko!”

     “Wala ka man lang bang kalambutan sa katawan? Try mo kayang mag-ocho ocho?”

      “Ano’ng sabi mo?!”

     “Sabi ko, mag-spaghetti pababa pataas ka. Nang magkaron naman ng kalambutan iyang katawan mo. Baka sakaling mahawa ang puso mo at magawa mong isipin na isa akong babae at dapat na inaalagaan.”

     “Inuumpisahan mo na naman ako sa kadramahan mo!” naiiling na anito. Tinignan niya si Kristoff na takam na takam sa bagong ihaw nitong sweet potato. Napatingin siya sa kawak niyang sweet potato na inabot nito kanina. Biglang tumunog ang tiyan niya.

     “Hindi ka mabubusog sa kakatitig diyan.”

     “Walanghiya ka talaga! Pakakainin mo ako ng inihaw na kamote?! Eh ni wala pa nga akong almusal e.” nakasimangot niyang nilantakan ang kamote.

     “Ang dami mong arte. Ano bang inaasahan mo, ang mamuhay na parang prinsesa habang nagtatago?”

     “Hanggang kelan naman tayo rito?”

     “Huwag kang mag-alala, sandal lang tayo rito. Malapit ng matapos ang problema ko.”

     “Edi mabuti! Tutal mayaman ka naman, kapag natapos na ang lahat, dapat bigyan mo ako ng reward kasi tinulungan kita ha?”

     “Mukha ka palang pera?”

     “Ang sakit mo namang magsalita.” kunwa'y aniya. Pero ang totoo, inaasar niya lang ang binata. Kanina pa kasi niya napapansing malalim ang iniisip nito. “Siya nga pala, diba may malapit na waterfalls dito? Iyong nadaanan natin kanina? Pwede bang maligo muna doon?”

     “Ah…yeah, sure. Basta ba hindi ka lalayo masyado e.”

     “Ang bilis mo yatang pumayag?” nagdududang aniya. “Siguro, balak mo akong iwan noh?”

     “Ano ba’ng sinasabi mo?”

     “Sumama ka sa akin sa talon.”

     “What?!!”

     “Baka tumakas ka at iwan mo ako. Sumama ka sa akin sa talon.”

     “Papanoorin kitang maligo?” nakangising anito. Bigla siyang pinamulahan ng mukha. Inis na binato nito ito ng balat ng kamote. “Eh ano ngang gagawin ko dun?”

     “Basta, dun ka lang sa malapit, tumalikod ka habang naliligo ako.”

     “Bat ko naman gagawin iyon aber?”

     “Bakit ka ba ganyan? You’re too hard on me.”

     “Drama na naman! Sige na sige na. Sasamahan na kita. just do it fast.” naiiling itong tumayo. “Oh, ano pang ginagawa mo diyan? Diba maliligo ka?”

     “Excited? May lakad? May lakad? Inaatay tayo ng taxi?” pagsusungit niya.

     “Kapag ako nainis sa’yo…”

     “Ano?!! Ano ha?!” tumayo siya at pinamaywangan ito.

     “Itatali kita diyan sa puno at ipapakain sa mga hantik!”

     “Ay ano ba! Ang bagal bagal e. Tara dun sa waterfalls, maliligo na ko.” Napuno ng malulutong na halakhak ni Kristoff ang tahimik na gubat. “Huwag kang maninilip ha?”

     “Don’t worry, hindi kita type. Kaya kahit na maghubad ka pa sa harapan ko, hinding hindi mabubuhay ang alaga ko.”

     “Bastos!” halos patakbo niyang tinungo ang talon. Mas lalong lumakas ang tawa nito.











    Leave a comment