Mga Baliw na Manunulat

Adik Series 2: Crazy for You
(Part 2)

Akda ni: Ex De Calibre




   


        Isang tikhim mula kay Rianskie ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Alyssa composed herself and smiled.  “H-hello Kristoff, my name’s Alyssa. Kamusta ka na?” baling niya sa binatang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.    “Is she talking to me?” tanong nito sa katabing nurse.

    "Yes she is.” nakangiting sagot naman ni Sgt. Mhel.

    “Sirena ba siya?” hirit pa nito bago siya muling hinarap at tinignan ng matagal.

    “Ha?” naguguluhang aniya.

    “Hindi ba sirena ka? But why do you look like a frog?”

     Biglang napalis ang ngiti niya sa narinig. She silently counted up to three and then exhaled. Sanay siyang nakakarinig nang mga kaweirduhan mula sa kanyang mga pasyente, ngunit ang sinabi ng isang ito ay hindi niya matanggap.

     Kung hindi anghel ay isang dyosa ang ipinagkakamali sa kanya, pero bakit ngayon ay bigla siyang inihalintulad sa isang sirena…na palaka? Letsugas na ayaw magpahugas naman oh!

     Sa halip na magwala ay pinigilan niya ang sariling manapak, sa halip ay ngumiti siya. Kasama sa kanyang trabaho ang maging pasensyosa at maunawain.

    “We shall leave the both of you inside this room. Alyssa, please make Kristoff feel at home para hindi na nito ulitin ang magtangkang tumakas kagaya ng ginawa nito sa mga naunang pinagdalhan sa kanya.” matapos niyang tumango ay lumabas din ang mga ito.

     “So, Kristoff, what do you think of this new home for you?” panimula niya. She carefully walked towards him. Hindi siya natatakot maiwan kasama ang katulad nito ng mag-isa, since she graduated from college, she has already started taking care of cases like his. Isa pa ay marunong siya ng self defense.

     “Let me off.” seryosong anito.

     “W-what?”

     “I said let me off.” dahan dahan itong lumapit sa kanya at bumulong. “I don’t belong here. I need to get out. I have to save my life. My friend’s life.”

     “Ano bang sinasabi mo?” kinakabahang tanong niya. His serious tone made her heart thump. Napaatras siya nang muling maglakad palapit sa kanya si Kristoff. Both her hands went parallel to her chest, as if they’re ready to attack.

Nagpalinga-linga ito sa paligid na tila ba may pinapakiramdaman. It’s as if he was trying to hide their conversation to someone. Mayamaya’y bumalik ang tingin nito sa kanya.

     “I know you are good. I know that you can easily tell a person with mental disorder from normal. Please help me. I need your help. Patakasin mo ako.”

     “Bakit ko gagawin iyon? You need to be cured.”

     “I am not insane, goodness! It was a frame up! This is a frame up. They wanted to kill me, my friends and everyone that could benefit from my grandfather’s hella money! I am not crazy!” ang boses nito ay unti-unting naglalaho habang nagsasalita. Too afraid that someone might hear what he was saying?

     “Why should I believe you?”

     “Can’t you tell it just by looking at me? I know you felt weird. Alam kong ramdam mo na hindi ako nababagay rito.”

     Natigilan siya. At some point, he was right. She did really feel that, noong tinignan siya nito ng pailalim. Ikiniling niya ang ulo. Hindi. Hindi siya dapat maniwala rito. may mga kasong ganoon, na parang totoo ang sinasabi ng mga pasyente, but in fact, everything was just purely made of their wild imagination.

     “You have to prove it to me. Na dapat akong magtiwala sa’yo.” hamon niya.

     “I was kidnapped. Iyon ang ipinalabas nila. Pero ang totoo, I was just saved by my partner. Someone has been trying to kill me. Pero lahat ng tumutulong sa akin ay napapahamak at napapagbintangan. It has to end. I have to know who the culprit is. Kailangan kong malaman kung sino ang may pakana ng mga banta sa buhay ko.”

     Unti-unti…nararamdaman niyang malapit na siyang maniwala sa sinasabi nito. His eyes  manifest sincerity…iyong klase ng sinseridad na sa buong buhay niya ay noon pa lamang niya nadarama…nakikita. She swallowed hard and started to think harder.

     “I…I don’t know what to say.”

     “Do don’t have to say anything. I just wanted you to believe me.”

     “But you’re condition…”

     “Maniwala ka sa akin. Nakidnap talaga ako. Tapos, bigla akong kinuha nung mangkukulam. She put me under her spell so I would choose to marry the wicked stepsister and not Cinderella. And then Alice helped me. She took me to the wonderland, where I met Pinocchio and Aladdin.”

     “Ha?”

      Tumawa ito ng pagkalakas-lakas. Mayamaya’y naupo ito sa isang silya at tsaka sumigaw ng “Yari ka!”.

     “What’s happening here?” nagtatakang tanong ng kapapasok lang na babae na kulang nalang ay magmukhang tigre sa suot nitong tiger-fitted-micromini-dress. “Ah, by the way. I am Miss Angel Holcim. I am the secretary and right hand of the late Don Antonio Reversidad. Ako ang nagdala rito kay Young Master Kristoff.”

     “Ah… nice to meet you ma’am.”

     “I just wanna warn you. Hindi lahat ng sinasabi ni Young Master ay totoo. Madami na siyang naloko sa mga naunang pinagdalhan naming ospital sa kanya because he had used his good looks, charm and wit. But nonetheless, everything he tells you are all result of his imagination.”

     Napatitig siya sa noo’y tumatawa paring si Kristoff. Sa hitsura nito ngayon ay hindi malayong nararapat nga siya sa kanilang institusiyon. Ngunit bakit ganoon? Hindi mawaglit sa isip niya ang Kristoff na nakausap niya kanina…bago dumating ang mala-tigreng si Miss Holcim?

     Ano nga ba ang tunay na dahilan ng pagbabago sa ugali ni Kristoff?


 











    Leave a comment