Mga Baliw na Manunulat

Adik Series 2: Crazy for You
(Part 6)

Akda ni: Ex De Calibre



Pakiramdam ni Alyssa ay lumuwa ang mga mata na niya na halos malaglag ang mga iyon at magpagulong gulong sa sahig dahil sa sobrang gulat. Napakurap siya. It wasn’t just a dream. Hindi lang basta imahinasyon ang lahat.     Hindi siya maaaring basta mag-imagine at isiping hindi totoo ang lahat, lalong lalo na kung ang sobrang lambot at sobrang init na mga labi ni Kristoff ay banayad na rumaragasa sa ibabaw ng kanyang mga labi!


     Ang perpektong paggalaw ng mga labi nito ay tila ipu-ipung tinatangay ang kanyang katinuan palayo sa kanya. konting hagod pa, malamang na magwala ang pagnanasa sa katawan niya at siya na mismo ang gumahasa sa hudyong walang pakundangang ninanamnam ang tamis ng kanyang mga labi!

     Ah, nakakainis! Nang dahil sa isang halik ay nagkakaroon ng kakaiba at makamundong kaisipan ang kanyang inosenteng utak. Hindi maaari! Hindi siya papayag na magpaggupo sa sensasyong ipinapadama ni Kristoff sa kanya.

     Handang handa na siyang itulak palayo ang binata pero naunahan siya nito. Kusa itong bumitaw mula sa pagkakakulong ng mga palad nito sa maliit niyang mukha. Nakangising tinunghayan nito ang nawiwindang niyang mukha.

     “That…kiss was hot. I didn’t know that first timers like you could respond like that. You impressed me.”

      “A-ano?! Sirau—“

      “I kissed you so I could shut you up. Unless you want me to kiss you again, try shouting like a manic.”

      Mabilis niyang tinakpan ng mga kamay ang kanyang mga labi sabay napailing.

     “Good. Now, listen to me and quit staring at me like you wanted to lock me up inside a drak room and who knows what you wanted me to do with you.”

       Inis na sinipa niya ito sa paa. Tahimik itong napaigik sa ginawa niya.

      “Alright. Just listen. Nasa labas sila. Hinahanap na nila ako…tayo. I need to get out of here. Pero ikaw ang iniisip ko.  Sa oras na makatakas ako rito, ikaw ang siguradong pagbibintangan nilang nagpatakas sa akin. Kaya ngayon ay tatanungin kita. Would you come with me? Sasama ka bas a pagtakas ko? O magpapaiwan ka rito? I’m giving you the choice.”

       Saglit siyang natigilan. Nanigas siyang bigla nang makarinig ng mga kakaibang kaluskos mula sa labas ng pinagkukublian nila. Nakarinig din siya ng iba’t ibang umpugan ng mga bakal na sa hinuha niya ay tunog ng mga ikinasang baril. Napatingin siya kay Kristoff.

      “Say it fast, lady. Kailangan na nating makaalis rito.”

      “N-no. M-magpapa-iwan ako rito.” nagulat pa siya na iyong mga salitang iyon ang kusang lumabas mula sa bunganga niya. Kahit na alam niyang ang totoong gusto niya ay ang sumama rito.

       Nakita niya ang pagkatigalgal sa mukha nito. She saw him grit his teeth. Sumunod ay naikuyom nito ang mga palad.  “Kung ganon, iiwan na kita rito.”

       “H-ha?”

        “Sabi mo hindi ka sasama sakin?”

        “Oo nga. Pero dapat naman na ialis mo muna ako rito sa madilim na lugar na ito.”

        “What do you want me to do? Ihatid pa kita pabalik sa kwarto mo?”

        “Natural! Ikaw, in the first place, ang nagpapunta sa akin sa lugar na ito.”

       Napaisip si Kristoff at bahagyang natigilan dahil sa sinabi niya. “If that’s the case, I guess, we don’t really have the time to re-think about that issue.”

        Bigla na lamang nanlaki ang mga mata niya nang walang anu-ano ay hinila siya ni Kristoff sa kamay at isinabay sa pagtakbo nito. Kasunod ng mga yabag na narinig niyang papalapit sa kanila ay ang sunud-sunod na putok mula sa kanilang likuran.

      “Don’t ever look back! Just keep on running!”

       Mahigpit siyang napapikit habang dumadagundong ang tibok ng puso niya dahil sa ginagawa niyang pagtakbo. Mas lalo pang nagwala ang lintek niyang puso nang mapadako ang tingin niya sa magaspang at maugat na kamay ni Kristoff na mahigpit na nakahawak sa kamay niya.

       Matapos nilang makapwesto sa likod ng isang malaking pader ay ipininid siya ni Kristoff sa likuran nito. Kinuha nito ang baril na nakasukbit sa bewang nito. Alertong sumilip ito mula sa pader na pinagkukublian nila.

      “Damn! Saan pa tayo pwedeng lumusot? May iba pa bang daan bukod sa gate na binabatanyan ng mga ungas na humahabol sa atin?” hinihingal na tanong nito.

      “M-meron pa.”

       “Talaga? Saan?”

       “Sa kwarto ko.”

       “Damn it! Talaga bang gusto mong magpaiwan? Ihahatid na lang kita sa kwarto mo? You can’t be too sure. Maaaring ikaw ang isunod nilang parusahan dahil sa ginawa mong pagtulong sa akin.”

        “H-hindi. May daan talaga palabas sa kwarto ko.”

         “W-what?”

         “Ah basta! Sumunod ka sa akin. Alam ko ang pasikot sikot sa lugar na ito. At ang kwarto ko ang pinaka-safe na lugar dahil may lihim iyong pinto para mabilis tayong makalabas ng walang nakakapansin sa atin.”

         “Just make sure you aren’t fooling me. Dahil kapag nagkataon, hindi lang buhay ko ang manganganib, hindi lang ang buhay mo kundi pati ang buhay ng mga taong naririto sa ospital na ito.”

           “Andami mo pang satsat! Halika na!”

           Bago tuluyang sumunod si Kristoff ay pinaulanan muna nito ng bala ang kinaroroonan ng mga taong tumutugis dito.









    Leave a comment