Mga Baliw na Manunulat

Adik Series 2: Crazy for You
(Part 9)

Akda ni: Ex De Calibre

   


   “Huwag kang titingin!!!” sigaw ni Alyssa habang dahan dahang nag-aalis ng mga saplot sa katawan. Naghahanda na siya para sa pagligo sa nag-aanyayang waterfalls na nasa likuran lang niya.     “Magpapa-confine muna ako sa Adikterya Mental Institue bago ko magagawang sumilip sa’yo.” balik sigaw ni Kristoff. Nakaupo ito sa di kalayuan at nakatalikod sa kanya.

     Nanggagalaiting inalis niya ang huling saplot niya sa katawan. Hindi lilingon??!! Ang kapal ng mukha ng baliw na to! Akala mo kung sinong gwapo para laitin ang sexylicious body ko! “Siguraduhin mo lang na hindi ka maninilip, kasi kapag nahuli kitang nakatingin sa flawless at yummylicious kong katawan, iihawin ko iyang eyeballs mo. Got it?!”

     She angrily dived in to the cold water. Mabuti na lang at malamig ang tubig. It instantly cooled down her burning head. Noon lang ulit siya nakapag-swimming. Nakakagaan pala ng feeling ang magtampisaw sa napakalamig na tubig kapag pagod na pagod ka at sobrang nanlalagkit.

     Parang buteteng naglalalangoy langoy siya sa malinis at malamig na tubig.

     “Don’t enjoy too much. Mas lalong huwag kang maglaro, isipin mong may isang napakagwapo at napakaseksing lalaki rito na nag-aantay ring makaligo.”

     “Adobe ka dude! Adobe! Adobe ang iyong mala-aspaltong mukha. Kapal!”

     “Just make it fast! And get off that water. Ayokong malagay sa hot body ko ang mga germs mo.”

     “Hari ng kayabangan! Hindi kaya totoong baliw ka?”

     “Say that again and you’ll see.”

     “Baliw! Baliw! Baliw!” nang-aasar na ulit niya. “You’ll see mo mukha mo! Akala mo natatakot ako sa’yo? Akala mo—” natigil siya sa pagdadadakdak nang walang anu-ano ay humarap sa kanya si Kristoff.

     Halos mapatid ang litid niya sa kasisigaw habang hindi siya magkanda-tuto kung paanong tatakpan ang kanyang kahubaran. “Hayop! Bastos! Manyak! Iihawin ko talaga iyang mata mo! Balukaw ka! Mabulag ka sana! Mawalan ka ng buhok! Maubusan ka ng ngipin! Tubuaan ka ng pigsa sa “ano”! Putaktuhin ng an-an iyang mukha mo! Kainin ka sana ng langaw at higit sa lahat tumalikod kang hayop ka at huwag mong tignan itong kahubaran ko!”

     “Grabe! Parang machine gun iyang bunganga mo. Heto na heto na, tatalikod na.” natatawang ani Kristoff.

     “Buwisit ka!” pakiramdam niya ay umuusok na ang tenga at ilong niya sa sobrang galit dahil sa ginawa nito. Nanginginig na umahon siya mula sa tubig. Natatarantang pinulot niya ang nagkalat na mga damit sa lupa at mabilis na isinuot ang mga iyon.

      “Tapos ka na?”

     Napalinga siya sa paligid. Nakakita siya ng isang mahabang sanga sa di kalayuan. Nilapitan niya iyon at tsaka sapilitang pinutol mula sa puno. Marahan niyang nilapitan ang nakatalikod na binata.

     “Manyak! Mamatay ka na! Wala pang nakakakita ng katawan ko tapos sisilipin mo lang? Hayop!!!” inis na pinaghahampas niya ng kahoy ang nakatalikod na binata. Halos magtatalon ito sa sobrang lakas ng mga paghampas niya.

     “Dammit! Stop it! Aray! Kapag nakuha ko iyang kahoy na iyan, lagot ka sakin!”

     “Ano, ako naman ang hahampasin mo? Hayop ka talaga! Di ka lang manyak, bastos at walang puso ka pa! Mananakit ka ng babae?! Hetong bagay sa’yo!” parang may saping pinaghahampabalos niya ito ng kahoy.

     “Ano ba!?!” nagulat pa siya ng biglang mahuli ni Kristoff ang kamay niya. Napatigil siya sa paghampas at hinihingal na napatitig rito. “Sumusobra ka na.”

    “I-ikaw ang sumusobra.”

     “Bitiwan mo iyang kahoy.”

     “A-ayoko.”

     “Bitiwan mo sabi eh.”

    “H-hahampasin pa kita.”

     “Kapag hindi mo binitiwan iyan, ikaw ang hahampasin ko.”

    “Bakla ka talaga!”

     “A-ano?!”

     “Pumapatol ka sa babae, edi bakla ka!”

     “Seriously, ano’ng klaseng utak meron ka?!!”

     “Bakla ka! Bakla! Bak—” hindi na niya naituloy ang pagsigaw dahil mabilis ng sinakop ng labi ni Kristoff ang mga labi niya. Kasunod ng panlalaki ng kanyang mga mata ay ang pagluwag ng hawak niya sa kahoy.

    “Simula ngayon, halik ko na ang magiging parusa sa lahat ng mga pagkakasala mo.” bulong nito.










Next


    Leave a comment