Mga Baliw na Manunulat

Adik Series 2: Crazy for You
(Part 1)

Akda ni: Ex De Calibre




   


        “Kamusta ka na Kikong Matsing?” matamis ang ngiting tanong ni Alyssa sa kanyang pasyente na si JR. Abala ang huli sa pagbubutinting ng laruan nitong yoyo na ginawa nitong barbie doll.            “Okay naman ako kaibigang Pagong, ikaw, kamusta ka na?” magalang nitong sagot.

            “Okay naman ako. Uminom ka na ba ng gamot mo?” binuksan niya ang dalang record book at nagsulat roon. Hindi siya pinansin ng kausap, patuloy lamang ito sa pagkausap sa hawak na yoyo at animo’y sinusuklay pa.

            Napabuntong hininga na lamang siya. Si JR ay bagong pasok lamang sa Adikterya Mental Institute na pinagtra-trabahuan niya. Isang severe case of Depressive Disorder ang kaso nito. Iniwan ito ng dating kasintahan at ipinagpalit sa iba sa mismong araw ng kasal nito. That caused his illness.

            Nakailang suicidal attempts na ito kaya ipinasya na ng pamilya nitong ipasok ito sa kanilang tanggapan. Most cases in their Institute were very similar to JR’s case, mostly caused by their pathetic misfortune in lives. Mga iniwan ng asawa, rape victims, battered wives, broken hearted and depressing stratum in life.

            Nakakabaliw isiping dahil sa kahinaan ng loob ng mga tao ay nagkakaroon ng mga ganitong klase ng sakit na hindi sigurado kung malulunasan pa. Since she was young, lahat ng kamalasan sa buhay na nasalo na yata niya. She was grateful enough that God had given her such courage to go on with her life even if she was left alone at an early age.

            Pinigilan niya ang mapaluha nang malingunan ang mga pasyente niya sa loob ng kwartong iyon. She forged a sweet smile and turned to them.

            “Mga adikmates! Nandito na si Darna, may itatanong lang. Game na ba kayo?” masiglang aniya.

            “Uy Darna! Kanina ka pa dyan?” tanong ni Norie. Kagaya ni JR ay may Depressive Disorder din ito.

            “Hindi naman masyado Capt. Barbell. Ikaw na ang mauuna?” aniyang inilabas mula sa hawak niyang bag ang mga gamot nito. Nakangising lumapit ito sa kanya at ininom ang mga gamot. Nagpapacute na kumindat pa ito. Natawa siya. Sanay na siya sa mga ganoong istilo ng mga pasyente niyang lalake. They all adored her. She was a bit nervous but nonetheless flattered by their attention towards her.

            “Susunod ka na ba Bibe Josh?”

            “Sige Bambie Alyssa." pacute na lumapit ito at ininom rin ang gamot.

            Sunud-sunod nang nagsilapit ang iba pang mga baliw upang uminom ng gamot. Iyong iba ay mamayang hapon pa iinom. Per schedule din kasi ang pag-inom ng mga ito.

            Mayamaya’y nagtakbuhan ang mga pasyente at parang batang naghabulan sa labas. They were always like that. Para lang silang nasa kindergarten at siya ang Teacher ng mga bata. Mangilan ngilan ang mga hindi sumasama sa riot ng mga tinatawag niyang “adikmates.”

            “Ah…Nurse Alyssa. Nandito ka lang pala. Ipinapatawag ka ni Sir Rianskie.” imporma sa kanya ni Nurse Mishi, kasamahan niya sa ospital.

            “Coming!” inayos niya ang mga gamit at mabilis na tinungo ang opisina ng kanyang Boss na may saltik din. Mas malala pa yata kesa sa mga pasyente ko.

            “There you are. Come in Nurse Alyssa.”

            Napako ang tingin niya sa lalaking iyon na nakatayo sa gitna ng opisina. Nanlilisik ang mga mata, hinihingal na tila ba kagagaling lang sa gyera at naglalabasan ang mga ugat sa leeg nito.

            Napalunok siya nang mapalingon sa kanya ang lalaki. His anger seemed to have subsided the moment their gazes intertwined; it was just in a split second though. She felt a sharp pang in her chest when his eyes shot her with an icy look.

            Ngunit napataas ang kilay niya nang mapansing tinignan siya nito ng pataas pababa tsaka ngumisi nang nakakaloko. Pinigilan niya ang sariling huwag tadyakan ang lalaki, lalo na’t may mga kasama itong tatlong bodyguards at dalawang private nurses.

            “This is Kristoff Reversivado, the sole heir of Reversivado Group of Companies. Siya ang natatanging tagapagmana ng bilyon bilyong kayamanan ng mga Reversivado. Sa kasamaang palad ay nakitaan ito ng sakit na Stockholm Syndrome. Nakuha nito iyon mula nang makidnap ito at pahirapan ng mga kidnappers nito five months ago. From now on, you will be assigned to look after him as his private nurse.”

            “P-pero sir…”

            “No buts. You’re the best nurse in this Institute, I believe in you. Money matters are taken cared of, so don’t worry.”

            “Bakit siya ang magiging nurse ko? I already have two.” sabat ni Kristoff.

            “Because Sgt. Mhel and Sgt. Vanessa are leaving.”

            “Sergeant?” takang tanong niya.

            “Oh, didn’t I mention? Kristoff is a soldier. He is the famous Colonel Reversivado of Philippine Navy also known as Night Baron.”

            Isang malakas na “oh” ang namutawi sa kanyang mga labi. Makakaya kaya niyang ihandle ang katulad ni Kristoff? Na bukod sa gwapo, nakakagutom ang katawan at nakaka-hypnotize makatingin ay isa pa palang heredero at sundalo?

            Susme! Baka mabugbog siya ng hindi oras. Nakita niya ang pagngisi ni Kristoff sa naging reaction niya. Weird, but something tells her that he doesn’t belong there. Ang pailalim na mga tingin nito ay hindi normal—para sa isang baliw.

 











    Leave a comment