Mga Baliw na Manunulat

Third Eye (Part 4)

By: Caddy Mitchy Duzon

 






“Hangang kailan mo itatago sa kanya ito?” tanong ng isang babae. Malungkot ang babae. At nangangamba.

“Malapit na, maghintay ka lang tutuparin ko ang pangako ko sayo. Ginagawa ko naman ang lahat para tuparin ang ipinangako ko sayo.” Tinig ng lalaki.

“Mahal na mahal kita, wag ka lang makulit okay?” bahagyang pinisil ng lalaki ang ilong ng babae.

Natawa silang dalawa. Mahal na mahal nila ang isa’t-isa, mahal ng lalaki ang babae kaya ginagawa niya lahat ng makapagpapasaya sa babae.”

***

SABADO.

Araw ng pagbisita ni Chubs sa bahay nina Mitch. Naghahanda na siya. Sisiguraduhin niyang magiging presentable siya sa harapan ng pamilya ni Mitch. Nagkita sila sa school, sinundo siya ni Mitch.

TANGHALIAN.

Garden lunch ang set-up ng bahay nina Mitch. Isa-isang ipinakilala ni Mitch ang family members niya kay Chubs.

“Chubs, ito ang aking ate Marie.. Si Kuya Paul, Si Kuya Francis, ako ang bunso.” Pagpapakilala ni Mitch sa kanyang pamilya.

“Ito naman mommy ko, Mommy Clara, kaibigan ko po si Chubs.” Ngumiti ang Ginang.

“Kaibigan lang ba anak?” biro niya kay Mitch.

“Ma naman, “ natawa ito.

“Nasaan ba ang daddy mo?” tanong ng Ginang kay Mitch.

“Pababa na po Ma, naligo lang, alam nyo naman yun, kupad kumilos,” nagtawanan ang pamilya, nakitawa na rin si Chubs.

“Ayan na pala si papa eh, sinalubong ni Mitch ang kanyang papa, humawak ito sa mga bisig ng Ginoo, na tila ba isang maliit na batang naglalambing sa kanyang ama.”

“Pa, ito si Chubs, kaibigan ko.” Saad ni Mitch

“Parang may kamukha ka iho, hindi ko lang matandaan eh.tumatanda na nga siguro ang tao. Pabirong sabi ng papa ni Mitch.

“Chubs, eto nga pala Papa ko si General Ricardo Culvera.” Pagmamalaki ni Mitch sa kanyang ama.

“Alam ko,”sagot ni Chubs.

“Papaano mo nalaman?” tanong ng papa ni Mitch.

“Sikat po kayo dahil sa masipag at dedikado kayo sa inyong trabaho, bukod pa dun, dun po kayo grumaduate sa pinagaaralan namin ni Mitch, tama po diba?”

Bahagyang ngumiti ang Ginoo. Maski papano ay natuwa siya, at nakikilala ng binata kung sino siya.

“O, ano pang hinihintay nyo jan?” tawag ng mama ni Mitch, kakain na!

MASAYA SILANG NANANGHALIAN. Masayang nakipagkwentuhan si Chubs sa pamilya ni Mitch.

***

“Kailangan mo ng umamin, kailangan mo ng sabihin , parang awa mo na.para matahimik na siya.” Nagmamakaawa ang lalaking duguan, basag ang bungo nito dahil sa matinding paglagapak mula sa kinahulugan.

“Ano bang pumipigil sa iyo?” malakas na ngayon…” tinig ng parin ng lalaki

“HUH?!” napabalikwas ng bangon si general Ricardo.

“Panaginip..ang panaginip na iyon, ang siyang nagpapahirap sakanyang mga gabi noon, ay muling nagbabalik sa kanya ngayon, nagitla siya, pinagpawisan siya.”

Ilang araw na lang pala sasapit na naman ang araw na kung maari ay lagpasan na lamang niya.

Hangang ngayon ay binabagabag pa rin siya  ng kanyang konsensya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng maalala ang kanyang nakaraan.

***

LUNES. Regular na araw para sa mga estudyante.

Nagkita na naman ang dalawang magkaibigan sa ilalim ng puno ng akasya.

“May itatanong ako, pero sana wag mong masamain chubs.” Wika ni mitch.

“O, sige ano iyon?” saad ni chubs.

“Ma-may girlfriend ka ba.?” Ani Mitch.

“Meron.” Tipid na sagot ni Chubs.

“Ikaw ba, may boyfriend ka ba?”bigla ay tanong ni Chubs.

“Wala, malungkot na sagot ni Mitch. Bigla siyang napayuko.

***

“Ano hindi mo pa ba sasabihin? Umamin ka na please?” ikaw na lang ang inaasahan ko, “

Nagmamakaawa, naghihinagpis, naninibugho.

“Ngunit, natatakot ako.” Sagot ni Ricardo.

“Ano pang ikinatatakot mo?” proud ako sa iyo, narating mo ang gusto mo, ang pangarap  mo, masaya ako para sa iyo, sana tulungan mo rin ako,” sana umamin ka na.

“Malapit na ang araw na iyon, 20 taon na ang nakakaraan, hindi ka pa rin nilimot ng iyong konsensya, sana magawa mo ang hinihiling ko pagsapit ng araw na iyon.

“Si-sige, aamin na ako,” sambit ni Ricardo.

***

“Pa..? Pa…!" mahinang tapik sa magkabilang pisngi ni Ricardo ang  gumising sa kanya.

“Nananaginip ka..” saad ng kanyang may bahay.

“Ma, may sasabihin sana ako sa iyo, kung pwede ay samahan mo at gabayan mo ako sa aking gagawin.”

Ikinuwento ni Ricardo ang nangyari sa kanyang may bahay tungkol sa nakaraan.

“Dapat na nga sigurong matuklasan ang nangyari,” kawawa naman ang pamilya nun Pa. saad ng maybahay niya.







    Leave a comment