Mga Baliw na Manunulat

Third Eye (Part 3)

By: Caddy Mitchy Duzon

 





Nasa loob ng library si Chubs ng mga sandaling iyon.

“Pssst!”

“Psssssst!!”

“Pssssssssstttt!!!”

Sunod sunod na pagsutsot na nagmumula sa kanyang likuran ang kanyang narinig. Bahagya siyang lumingon, nakita niya sa kanyang likuran ang babaeng humihikbi sa building noong isang  hapong umuwi siya. Ngumiti ang babae at biglang naglaho.

***

Isang hapon habang nasa loob sila ng school canteen ay may  nakita sila. Isang babaeng duguan na dumaan sa kanilang harapan! Silang dalawa ay nagkatinginan.

“Nakita mo yun?” tanong ni Chubs kay Mitch.

“Oo.” Wika ni mitch

Nanginginig sa takot si Mitch.

“Alam mo, maski araw-araw akong makakita ng ligalig na kaluluwa, basta’t kasama kita, okay lang sakin yun!” sabay kindat ni Mitch kay Chubs. Bahagya namang napangiti si Chubs sa tinuran ng babae.

Naglalakad isang hapon si Mitch sa parking lot ng eskwelahan ng may mapansin siya mula sa rooftop ng isang building, tila nag-aaway away na grupo ng kalalakihan.

“Mga walang magawa,” wika ni Mitch.

***

“Huwag, maawa naman kayo sa amin.” Nagmamakaawa ang lalaki, yakap niya ang babae. Ngunit walang naririnig ang mga taong bumubugbog sakanya,pinagsamantalahan nila ang babae,tinangay nila ito. Lulong pala sa masamang gamot ang mga ito, at ang kawawang lalaki ang napagtripan.

“Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!”

Nahulog ang lalaki mula sa rooftop. Nanghilakbot ang mga lalaking lulong sa masamang gamot kaya’t nagsitakas sila kasama ang babae. May isang lalaki ang nanginginig sa takot na nakakubli sa likod ng isang drum na nakatambak sa rooftop. Kinaumagahan, kalat na sa buong eskwelahan ang nangyari ng hapong iyon. Ang kawawang lalaki. Ni isa wala man lang nakakita sa nangyari, o kung meron man, walang gustong magsalita. Nakakakilabot na grupo ang kanilang mababangga kung sakali.

Nagising si Mitch. Isang masamang panaginip lang pala. Hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki, ngunit kaawa awa ito. Pinagpapawisan siya ng malapot. Pag tingin niya sa orasan alas kwatro palang ng madaling araw. Nahiga ulit siya at natulog.

***

“Gusto mong pumasyal sa amin?” tanong ni Mitch kay Chubs. Magiliw na nakangiti ang babae.

“Pupwede ba?” tanong naman ni Chubs.

“Oo naman, bakit hindi?” saad ni Mitch.

“Okay sige,” tugon ni Chubs, “kelan naman?”

“Sa sabado. Para makilala mo family ko”. Ngumiti si Mitch.

Tanging tango lang iginanti ni Chubs sa babae.

*** 

Im just a little girl lost in the moment

Im so scared but I don’t show it

Kumakanta si Mitch sa girl’s C.R. nang kumalabog ang cubicle na nasa dulo.

Im so scared but I don’t show it…

Ulit niya sa liriko ng kinakanta niya. Bahagya siyang naglakad, papalapit sa cubicle kung saan niya narinig ang ingay. Malapit na siya. May narinig siyang humihikbi. Isang tinig ang nagsalita.

“Tulungan mo ako. Tulungan mo kami please?”

Natakot siya sa itsura ng babae – punit punit ang school uniform, may gilit ang leeg, at ang ulo’y matatanggal na, naagnas at inuuod ang buong katawan nito, nakaupo ito sa bowl.

Napasigaw si Mitch.

“Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!”

 Nagtatakbo siya palabas ng C.R.. Nagpunta siya sa akasya, eksaktong nakita niya si Chubs. Hingal na hingal siya.

“Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ni Chubs

“May babae sa CR!” iyon yata ang sinasabi nilang babaeng hindi mapakali, ang kaluluwa ng babaeng yun, hanggang ngayon wala pa ring katahimikan.” Hingal na saad ni Mitch.





    Leave a comment