Mga Baliw na Manunulat

Third Eye (Part 5: Finale)

By: Caddy Mitchy Duzon

 





“Magpapaalam na ako sa iyo,” marahan ay sabi ni Chubs kay Mitch isang hapon na sila ay nakaupo sa kanilang paboritong tambayan.

“Anong magpapaalam?” naguguluhan si Mitch.

“Salamat sa mga naitulong mo sa akin. Hindi na ako magtatagal dito sa paaralang ito.” saad ni Chubs

“Hindi kita maintindihan. Hindi ka na ba magpapatuloy sa pag aaral?” concern na tanong ni Mitch. Ngumiti lang si Chubs.

***

Gagawin na niya. Nakangiting niyakap ng lalaki ang kanyang kasintahan, hinagkan niya ito sa noo.

“Maraming salamat…para sa ikatatahimik ko at ng aking pamilya.”

“Para rin sa atin ito. Sabik na sabik na akong makasama ka.” anas ng lalaki.

 “Sigurado na ako sa gagawin ko, Ma,” saad ni General Ricardo. Papunta sila noon sa eskwelahaan ni Mitch. Kasama ng mga awtoridad.

***

Sinundan ng nanginginig na lalaki ang grupo ni Jason Torre, tangay nila ang babae. Nagkubli ang lalaki sa isang malaking puno ng mangga.

“Wag, maawa kayo sa akin,” sigaw ng babae.

“Wag ninyong gawin sa akin ito,” pagmamakaawa niya.

Ngunit sadyang demonyo ang grupo ni Jason Torre, ang kilabot na gang sa kanilang paaralan.

Hinalay nila ang babae, pagkatapos ay ginilitan ang leeg at isinilid sa sako at inilibing  sa likod ng C.R. ng mga babae. Kitang kita iyon lahat ni Ricardo. Bagama’t matatakutin siya, sinolo niya ang kanyang nakita hindi niya isinuplong sa mga pulis maski malapit sa kanya si Elena. Si Elena ang kasintahan ng kanyang matalik na kaibigan na si Carl Braga, o mas kilala sa palayaw na Chubs. Matalik na magkaibigan, sabay pumasok sa loob ng paaralang iyon, at sabay nangarap na balang araw , silang dalawa ay magiging kagalang-galang na pulis. Ngunit nabago ang lahat ng gabing iyon. Nang mapagtripan nina JasonTorre ang kanyang matalik na kaibigan at kasintahan na si Elena,. Nakita lahat ni Ricardo ang naganap ngunit naging pipi siya sa mahabang panahon.

Dinala ni Ricardo ang pasaning ito hangang ngayon.

 “Dito, dito sa bahaging ito.” Marahan ay sabi ni Ricardo.

Nagsimula silang maghukay. Kasama nila ang pamilya ni Elena at ang pari ng eskwelahan. Nahukay ang mga labi ni Elena, agnas na ang sako, at buto na lamang ang tanging nahukay sa likurang bahagi ng tagong C.R. na iyon para sa mga babae. Dinasalan nila ang lugar At ang mga buto ni Elena, biglang lumamig ang simoy ng hangin. Napayakap sa asawa si Ricardo. Bahagya siyang naluha, at humingi ng tawad. Samantalang si Jason Torre, ay hinuli ng awtoridad at pinagbayad sa kanyang kasalanan. Laking tuwa ng pamilya ni Elena ng matagpuan ang kanyang mga labi. Laking pasalamat nila kay General Ricardo.

***

“Maraming salamat”. Nakangiti ang magkasintahan kay Ricardo.

“Magkakasama na kami ni Elena.” Saad ni Chubs.

At ang aparisyong iyon ay naglaho.

Napamulagat si Ricardo. Nakahinga siya ng maluwag. Wala ng gabi-gabing bangungot ang gugulo sa mahimbing nyang tulog. At nakalaya na ang nagpapabigat sa kanyang konsensya.

Nakalaya na ang kaluluwa ni Elena. Nakapunta na ito sa dapat niyang puntahan, sa piling ni Chubs, na matagal naghintay. At si Mitch? Hindi pa rin makapaniwala na ang naging kaibigan niya ay isa palang kaluluwa at matalik na kaibigan pa ng kanyang ama.





Wakas...




Next


    Leave a comment