Mga Baliw na Manunulat

Third Eye (Part 1)

By: Caddy Mitchy Duzon

 





Kinabukasan ay nagbalik si Chubs sa loob ng Cr ng mga lalaki, kung saan niya nakita ang kaluluwa. Itinaon niyang walang tao ang loob ng C.R.

“Nandito ako, anong gusto mo? Bakit gusto mo akong makausap?” tanong ni Chubs.

Nagpakita ang lalaki sa salamin. Nagsalita ito.

“Ako si Eric, graduating student na sana ako.”

“Ikaw yung namatay last february ‘diba? Nasubaybayan ko, parehas tayong…” hindi naipagpatuloy ni Chubs ang kanyang pagsasalita dahil agad na sumabat ang kaluluwa ni Eric.

“Scholar ako ng paaralang ito,” ani Eric. “Dahil kapos sa pampaaral ang aking mga magulang ay tumatanggap ako ng mga paperworks, assignments at projects.”

“Kilala mo ba yung grupo nina Elmer? Yung mga tinaguriang siga sa paaralang ito? Na hindi makatapos tapos? Tanong ng kaluluwa kay Chubs.

“Oo” maikling sagot ni Chubs. Nagpatuloy ang kaluluwa.

“Isang hapon ng pauwi na ako, nakasalubong ko sila, sadyang hinahanap ko sila dahil kailangan kong maningil sa pinagawa nilang project sa akin. Matagal na yung project na yun, kaya lang hindi nila ako nabayaran. Kapos na kapos ako noon, kailangan ko ng pang tuition. Ang sabi nila ay babayaran nila ako kaya sumama ako sa kanila. Dito nila ako dinala at binugbog,  naitakbo pa ako sa ospital ngunit hindi kinaya ng mahina kong katawan, nagka injury sa loob ko.”

“Anong gusto mong gawin ko?” ani Chubs.

“Gusto kong gantihan sina Elmer! Gusto ko siyang ma-idrop out sa eskwelahang ito, dahil walang nakakita nang ako’y binugbog nila.” Anang kaluluwa.

***

“Mayroon sana akong hihinging tulong sayo Mitch, since ikaw ang 4th year at medyo matagal tagal ka na rin dito…” saad ni Chubs

“Ano yun?” ani Mitch

“May humingi ng tulong sa aking isang kaluluwa, gusto niyang maiganti ang pagkamatay niya. Tulungan mo sana akong kumuha ng ebidensiya na sina Elmer ang bumugbog at nakapatay sakanya.” Saad ni Chubs.

“Ah oo, kilala ko siya, siya pa! Sinong hindi makakakilala sa lalaking yun!” ni hindi nga makatapos tapos, sadyang bobo yata yun, hindi ko mawari! Hahahaha! “bahagya ay nagtawanan ang dalawa.

***

Mahigit isang linggong hindi nakita ni Mitch si Chubs. Busy lang pala ito, sa paghahanap ng ebidensiyang magpapatunay na si Eric ay namatay sa bugbog. Isang hapon nabalitaan na lamang ni Chubs na na-drop-out na si Elmer. Sa pamamagitan ng isang estudyanteng naglakas loob na magsumbong, ukol sa mga kagagawan ng tropa ni Elmer na nangongotong sa loob ng campus na iyon. Sa pamamagitan ng nagsumbong ay dumami ang complainant, nagkapatong patong ang mga kasalanan at violations ni Elmer, kung kaya ay na kick out siya sa paaralang iyon.

Agad na pumunta si Chubs sa loob ng C.R. Masaya niyang ibinalita kay Eric na wala na sa eskwelahaan si Elmer, at ang ilan nitong ka grupo.

“Maraming salamat Chubs sa pagtulong mo sa akin, ngayon ay hindi na matatakot ang mga scholar na gaya ko, na maski ganito lang na mahirap ay sa mabuti nakukuha ang pinagpapaaral.

***

“Okay na?” tanong ni Mitch kay Chubs isang hapong nakaupo sila sa ilalim ng puno ng akasya.

“Pasensya ka na ha. Hindi ko alam kung anong ginawa mo pero ang galing mo Mitch. Hindi ko kasi magagawa yun eh.” Buntong hininga ni Chubs.

“Wala yon noh, basta magsabi ka lang ako ang gagawa ng paraan.” Ani Mitch, saka ito ngumiti, napaka misteryosong ngiti.

***

Nasa third floor noon si Chubs ng mapansin niya ang babaeng humihikbi sa hallway ng paaralan. Halos wala ng tao ng hapong yun. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy siya sa paglalakad, pababa na siya ng 2nd floor ng makita niya ulit ang humihikbing babae sa paanan ng hagdan. Hindi ito pinansin ni Chubs, nagtuloy tuloy lamang siya sa paglalakad.malapit na siya pababa ng 1st floor.

Nangg makita niya ulit ang humihikbing babae sa kanyang harapan…bigla itong naglaho! 


    Leave a comment