Mga Baliw na Manunulat

Love Letter and Chuckie
(Chapter 9)

Akda ni: Sunpriestess




   
                      Kinabukasan, papasok pa lamang si Lira sa classroom ng may humigit sa kanyang kamay. Tinignan niya kung sino iyon at nakita niya si Nadine.               

                “Lira puwede ba tayong magusap?” tanong ni Nadine.

                “Bakit ano bang paguusapan natin?” ganting tanong ni Lira.

                “Iyong tungkol sa amin ni Clarence” sabi ni Nadine.

                “Wala akong pana…”

                “Please Lira, makinig ka sa akin”

                Nakita ni Lira ang pakiusap sa mata ng kaniyang bestfriend kaya pumayag na rin siya. Nagtungo sila sa dulo ng corridor para mag-usap.

                “Lira sorry, hindi ko kaagad nasabi sa iyo yung tunkol sa amin ni Clarence. Unexpected kasi…ano kasi…hindi ko alam kung anong nangyari basta pumunta ako noon sa classroom ng lunchbreak natin. Naiwanan ko kasi iyong pera ko. Nakita ko naandoon si Clarence at tinawag nya akong Chocolate Cookie. Tinanong niya kung ako nga iyon at kung ako nagpapadala ng sulat sa kanya. Napasagot ako sa kanya ng Oo. Late na ng marealize ko na mali ang naging sagot ko kaso ayun nagtapat siya na mahal niya daw ako. Alam kong hindi naman ako iyon pero andiyan na eh at saka Lira sorry, hindi ko rin sinabi sa iyo, mahal ko na rin noon pa si Clarence. Sorry na ha bestfriend.” Dire-diretsong kwento ni Nadine kay Lira samantalang si Lira naman ay walang reaksiyon sa mga sinabi ni Nadine.

                “Nadine may tanong lang ako. Paano naman iyong Chocolate Cookie na iyon kung sino man iyon? Hindi mo ba naisip na masasaktan siya o nasaktan siya?” tanong ni Lira.

                “Ha? Naku hayaan mo siya. Mukhang sumuko na ng malamang may girlfriend na si Clarence. Buti naman at hindi na siya nagpaparamdam noh” sagot ni Nadine sa katanungan ni Lira.  Sa mga sinabing iyon ni Nadine ay nasaktan si Lira. Paano ba siya nagkameron ng kaibigan na ganito at naging bestfriend pa niya. Nagwalk-out si Lira pero hinabol naman siya ni Nadine.

                “Lira sandali. Nagsorry na ako sa iyo hindi ba? Bakit ka nagwalk-out diyan” sigaw ni Nadine. Napahinto naman si Lira sa paglalakad. Hindi nga pala alam ni Nadine na siya si Cookie Girl na nagpapadala ng sulat kay Clarence. Kailangang pigilan niya ang kaniyang nararamdamang galit. Kinakailangan niyang magkunwari.

                “Hindi ka pa ba papasok sa classroom? Baka dumating na ang teacher natin?” tanong na lang ni Lira kay Nadine. Ngumiti naman si Nadine at tumakbo palapit sa kanya. Buti na lang at nakaisip siya ng paraan para hindi magtaka ang kaibigan.

                Pagpasok sa classroom ay narinig ni Lira na may nagkakagulo sa labas. Narinig niyang may naghihiyawang mga babae na animo ay kinikilig. “Marahil ay si Clarence na ang paparating” bulong ni Lira sa sarili.

                Nagulat na lang ang buong klase ng may pumasok na hindi pamilyar na lalake sa classroom. Nagtilian ang mga babae niyang kaklase dahil ang lalakeng iyon ay gwapo, matangkad at mukhang matalino at kagalang-galang. Nang mapatingin ito kay Lira ay kumindat ito. Napataas naman ang kilay ni Lira sa ginawa ng lalake.

                Nakangiting lumapit ang lalake kay Lira at may ipinatong na Chuckie sa kanyang desk. Nagulat si Lira ng makita ang Chuckie. Bumulong pa ang lalake sa kanyang tenga. “Pangtanggal ng Shock”.At naglakad patungo sa silya ng bad boy ng eskwelahan na si Brian.

                Napanganga si Lira at nakatingin lang kay Brian. Ikokompirma sana niya kung ito nga si Brian kaya lang ay biglang dumating ang kanilang teacher kaya hindi na natuloy ang kanyang balak. Mamaya na lang niya ito kokomprontahin kapag tapos na ang klase.









    Leave a comment