Mga Baliw na Manunulat

Love Letter and Chuckie
(Chapter 8)

Akda ni: Sunpriestess




   


Nakarating si Lira at Brian sa isang Game Arcade Station. Pumasok sila sa loob at pumunta sa counter. Nagpapalit si Brian ng isandaang pisong token. Napanganga na lang si Lira. Aangal pa sana si Lira pero inilagay ni Brian ang kanyang hintuturo sa labi ni Lira sanhi para manahimik ang babae at isang kindat para mawala sa sarili ang dalaga.                


“Ano bang ginagawa natin dito?” tanong ni Lira.

“Hay naku! Siyempre pa eh di maglalaro at magsasaya.”

“Pero hindi naman ako marunong maglaro ng mga ito eh.”

                “Iyan ang hirap kapag puro libro ang kaharap. Walang panahong magsaya. Don’t worry tuturuan kita” nakangiting sabi ni Brian kay Lira at hinila siya sa isang basketball arcade. “Ano paramihan tayo ng maishoo-shoot na bola sa ring”  hamon ni Brian kay Lira.

                “Hindi naman ako marunong magbasketball eh”

                “C’mon try mo dali!” naghulog si Brian ng tig-isang token sa dalawang machine at pinindot ang start. Nagsilabasan ang bola at nagsimula na ang timer sa machine. “Sige na magshoot ka lang ng magshoot sayang ang limang piso kapag hindi mo ginamit” udyok pa ng lalake.

                Wala na ring nagawa si Lira kundi ang magtry magshoot ng bola ng basketball sa ring. Nang simula ay wala siyang maishoot kahit isa at wala siyang napala kundi ang nakakaasar na pagtawa ng lalake. Nainis siya at sinubukang makashoot sa ring at ng makashoot siya ng isa ay nagtatatalon siya sa tuwa. Pinalakpakan naman siya ng lalake.

                “Ano isang round pa?” tanong ni Brian.

                “Ok game!” sagot ni Lira. At muli nga silang naglaro hanggang sa makalimang round sila ng basketball game. Naglaro pa sila sa iba’t ibang video arcade. Napuno silang dalawa ng halakhakan habang nagaasaran sa paglalaro. Maya-maya pa ay napadaan sila sa mga pick-me-up machine kung saan may isang grupo ng mga bata na nagsisigawan at ikinocoach  ang batang pilit kinukuha ang stuff toy sa loob ng machine.

                “Gusto mong subukan?” tanong sa kanya ni Brian.

                “Pwede?” ganting tanong ni Lira.

                “Sure” sagot naman ni Brian at naghulog ng dalawang token. Binasa ni Lira ang instructions at sinimulang imaniobra ang makinang kukuha sa stuff toy. Ayos naman ang pagkalkula ni Lira sa makina ngunit ng damputin niya ang stuff toy ay nahulog iyon.

“Bakit ganun? Tama naman ang calculations ko ah. Bakit hindi ko pa rin nakuha” tanong ni Lira sa lalake.

                Napailing si Brian, naghulog ng dalawang token at siya naman ang nagmaniobra sa pick-me-up machine. Nang makuha niya ang stuff toy at naishoot sa butas ay laking pagkadismaya ni Lira.

                “Bakit nagawa mong makuha ang stuff toy samantalang ako ay hindi” pagtatampong sambit ni Lira.

                “Iisa lang ang ibig sabihin niyan Genious Girl. Hindi lahat ng bagay kaya mong gawin. Hayaan mo namang ibang tao ang gumawa ng mga bagay-bagay para sa iyo” sabay abot ni Brian kay Lira ng stuff toy na nakuha sa pick-me-up machine.

                Hindi maintindihan ni Lira pero parang hinaplos ang puso niya ng mga katagang iyon ng lalake. “Hayaan naman na ang iba ang gumawa ng mga bagay para sa akin” bulong na sambit ni Lira sa sarili at napangiti. Nasa ganoong estado siya ng tawagin siya ni Brian para muling maglaro sa isa pang racing video arcade. Agad siyang lumapit at muli silang naglaro ng lalake.

                Gabi na ng lumabas sila ng Video Arcade Station pero parang wala silang pakialam dahil nagkekwentuhan at nagtatawanan pa sila. Naging masaya ang araw na iyon para kay Lira. Inihatid siya ni Brian hanggang sa kaniyang bahay.

                “Kumusta? Ok ka na ba?” tanong ni Brian.

                “Ha?” naguguluhang tanong ni Lira.

                “Tungkol sa nangyari sayo kaninang umaga”

                “Ah ok na ako. Salamat. Nakalimutan ko na nga eh. Salamat dahil nilibang mo ako. Salamat uli”

                “Buti at hindi ka namamaos sa kakasabi mo ng salamat” nakakunot noong sabi ni Brian at ngiti lang ang naging sagot ni Lira.

                “Huwag mo na ulit gagawin iyon” maya-maya pa ay sabi ni Brian.

                “Ang alin?” tanong ni Lira.

                “Ang mag-cut ng klase. Makakasira iyon sa pangalan mo bilang Genious Girl”

                “Wala akong pakialam kaysa naman makita ko yung dalawa na iyon na naglalambingan”

                “Basta huwag mo na ulit gagawin iyon ok. Ako ang bahala. Sige na. Pumasok ka na sa loob ng bahay ninyo at maginaw na”Pumasok na nga si Lira sa loob ng kaniyang bahay pagkatapos magpaalam. Kung anuman ang pinaplano ni Brian ay hindi niya alam.










    Leave a comment