Mga Baliw na Manunulat

Love Letter and Chuckie
(Chapter 5)

Akda ni: Sunpriestess




   

“Ano ba! Kanina ko pa itong binibigay sayo. Kunin mo na at nangangalay na ako” Galit na sabi ni Brian habang nakaaro ang kamay kay Lira pero sa iba naman nakatingin.

Kinuha naman ni Lira ang Chuckie. “Ano ito? Chuckie?”

“Obvious ba? Sige na inumin mo na nakakapagpakalma iyan” sagot ni Brian na uminom na rin ng dala pa nitong Chuckie.

Natahimik naman si Lira. Nakakapagtaka na kumalma nga siya pagkatapos makailang higop sa Chuckie habang tahimik sila ni Brian na nakaupo sa ilalim ng puno ng Narra at humahampas sa kanilang katawan ang mabining hangin.

“Kaya pala ito ang naging tambayan mo” biglang sabi ni Lira sa gitna ng katahimikan.

“Ha?” nagtatakang tanong ni Brian.

“Sabi ko kaya pala ito ang tambayan mo. Kasi tahimik dito at nakakapayapa ng kalooban” sagot ni Lira sa naguluhang si Brian.

“Ah….Oo dito sa lugar na ito walang pwedeng magdikta sa akin. Kung anong gusto kong gawin magagawa ko. At kung gusto kong matulog ng matagal makakatulog ako dito” paliwanag ni Brian kay Lira.

“Tingin ko nga. At hindi ko akalain na nakakapagpakalma nga ang Chuckie”  tumingin  si Lira kay Brian “At alam mo ngayon ko lang nalaman na may pagkachildish pala ang Bad Boy ng campus na ito. Kasi umiinom siya ng Chuckie na para sa mga bata” sabi ni Lira na napakaseryoso ng mukha.

“Teka anong masama sa pag-inom ko ng Chuckie? Eh sa masarap siya eh! Wala na kayong pakialam kung mahilig ako dito” nakakunot noong sabi ni Brian.

Walang anu-ano ay biglang napahagalpak ng tawa si Lira. At para sa pandinig ni Brian ay parang musika ang halakhak na iyon ni Lira. Idagdag na parang gumaganda ito lalo kapag ganoong tumatawa ito.

“Mabuti naman at tumatawa ka na” sabi ni Brian kay Lira at muling humigop ng Chuckie.

Biglang natigilan si Lira. Umayos siya ng pagkakaupo at maya-maya ay bumuntong-hininga. “Salamat sa Chuckie mo. Nakakatuwa na parang biglang nawala lahat ng dinaramdam ko. Parang nagkaamnesia ako nang uminom ako nito” saad ni Lira at tiningnan ang tangan na Chuckie. “Patambay ulit ako dito bukas ha! Magdala ka ulit ng Chuckie” sabi ni Lira kay Brian habang tumatayo at ngumiti pa sa lalake bago naglakad palayo.

Naiwanan naman si Brian na natigilan habang pinagmamasdan si Lira na papalayo. Kung alam lang sana ni Lira kung ano ang idinulot ng ngiting iyon kay Brian.









    Leave a comment