Mga Baliw na Manunulat

Love Letter and Chuckie
(Chapter 4)

Akda ni: Sunpriestess




   


       
  
Pagkatapos makita ang eksena sa classroom ay agad pumunta si Brian sa kanyang tambayan.  Ang kanyang  tambayan ay sa likod ng campus kung saan maraming halaman at mayroong isang sementong bench na pwedeng upuan. Walang nagpupunta doon kasi tagong lugar iyon at tinatambayan ng pinakasigang estudyante at walang iba iyon kundi siya. Agad siyang nahiga sa upuan at ipinikit ang mga mata. Mga ilang sandali siyang nasa ganoong posisyon at unti unti nang nakakatulog nang may marinig siyang umiiyak. Hindi siya sanay sa ganoong ingay dahil ang tambayan niya ang pinakatahimik na lugar at naiinis siya sa hagulhol ng kung sino mang babae iyon kaya agad siyang nagmulat ng mata at agad niyang hinanap ang babaeng gumagawa ng ingay sa kanyang tahimik na mundo. Nang mapadako siya sa puno ng narra ay nakita niya si Lira na nakaupo sa tabi ng puno, sapo ang mukha at humahagulhol.

Bumuntong hininga si Brian “Ikaw lang pala genious girl. Alam mo bang bawal magingay dito?”.

Napatigil si Lira at tinignan ang nagsalita “Bakit may nakalagay ba ditong bawal magingay? Wala naman akong nakikitang signboard ah at saka hindi ako nagiingay, naiyak ako noh!” saad ni Lira at muling humagulhol ng iyak.

“Abah at” muling bumuntong hininga si Brian “Miss Genious Girl. Teritoryo ko po ang lugar na ito kaya kung pwede lang sa iba na lang ikaw magingay sa pamamagitan ng pag-iyak mo” Medyo naiinis nang  sabi ni Brian kay Lira.

“Teritoryo? Bakit nasaan ang patunay mo? May titulo ka ba nitong lupa? Ang pagkakaalam ko ay pagmamayari ang lugar na ito ng eskwelahan kaya pwede akong umiyak dito kung gusto ko!” Pasigaw na sabi ni Lira kay Brian.

“Hoy huwag mo akong sigawan genious girl. Hindi porke’t matalino ka ay pwede mo na akong sigawan. Hindi mo yata ako nakikilala.” Galit namang ganti ni Brian.

“Siyempre naman kilala kita…Mr. Brian Agoncillo. The bad boy ng eskwelahan at kinatatakutan. Eh ano ngayon kung siga ka! Wala akong pakialam sayo basta iiyak ako dito” saad ni Lira at muling humagulhol ng iyak. “Hindi mo kasi alam kung anong nangyari sa akin. Hindi mo alam kung gaano kasakit na mabigo at makita na ang bestfriend mo ay kahalikan nang taong minamahal mo. Hindi mo alam!” Sambit ni Lira sa pag-itan ng kanyang pagiyak.

Napatigil si Brian. Siyempre alam niya dahil sa lahat ng pagkakataon ay naroroon siya at inaabangan ang pangyayari sa lovelife ng genious girl at genious boy. Pero hindi niya maaaring sabihin dito  na alam niya ang lahat ng tungkol doon. Tumahimik na lamang siya at umupo sa tabi ni Lira sa ilalim ng puno ng Narra. Naawa siya sa babae dahil mahigit dalawang oras na yata itong umiiyak at wala man lang siyang magawa para mapatigil ito. May kinuha siya sa kanyang backpack at iniaro sa harap ni Lira ang isang box ng Chuckie. Napatigil naman si Lira at tinitigan si Brian.









    Leave a comment