Mga Baliw na Manunulat

Love Letter and Chuckie
(Chapter 3)

Akda ni: Sunpriestess




   


       
  

Halos hindi nakatulog si Lira sa sobrang excitement at kaba. Nakahanda na ang kanyang love letter at nakalagay doon na magpapakilala na siya kay Clarence sa oras ng lunchbreak sa classroom nila. Alam niyang iyon ang tamang oras para magpakilala kasi walang tao sa classroom kasi lahat ng kaklase niya ay sa labas kumakain.


    Bad Timing! Kasi sa huling period nila sa morning session ay ipinatawag siya ni Mrs. Cruz para pagusapan ang isa sa mga parating na activities ng kanilang eskwelahan. Medyo nagtagal ang kanilang paguusap kaya nagmamadali siyang nagpunta sa kanyang classroom subalit nang makarating siya sa pintuan ng kanilang classroom  ay nakita niya si Clarence at ang kanyang bestfriend na si Nadine.


    “Hindi ko akalain na ikaw pala si Cookie Girl. Chocolate cookie akala ko ikaw si …..” natigil sa pagsasalita si Clarence at napailing “nevermind…” lumapit si Clarence kay Nadine at niyakap ang babae. “Hindi ko akalaing maiinlove ako sa mga simpleng sulat lang pero heto ako at yakap ko na ang babaeng nagpatibok ng puso ko. I think I am inlove with you too my cookie girl. I love you…” sabi pa niya.


    “ I love you too Clarence noon pa man…I love you super…” Sabi ni Nadine na naluluha sa sobrang saya.


    Mula sa pintuan ay hindi napigilan ni Lira ang mapaluha. Halos himatayin din siya ng halikan ni Clarence si Nadine. Parang hindi siya makahinga at kapag hindi pa siya umalis doon ay baka tuluyan na siyang mawalan ng ulirat kaya tumakbo siya palayo sa kwarto. Hindi na niya makita ang kanyang dinaraanan dahil sa luhang patuloy na pumapatak mula sa kanyang mata kaya hindi na niya nakita na may tao siyang makakasalubong at nabangga niya ito. Nagsorry siya ngunit hindi tumingin sa taong nabangga niya at muling tumakbo palayo.

    Nagulat si Brian ng makita si Lira na umiiyak habang tumatakbo sa corridor at nabangga pa siya nito. “Nabasted siguro….hays..kawawa naman si Genious Girl akala ko pa naman maganda ang kalalabasan ng love story ng dalawa” bulong ni Brian sa sarili at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa classroom nila. Doon sana niya balak tumambay habang wala pang tao. Ngunit muli siyang nagulat ng makita si Clarence at Nadine na naghahalikan sa kwarto. Biglang naalala niya sa Lira na tumatakbo papalayo sa classroom habang umiiyak. “Ano kayang nangyari?” tanong ni Brian sa sarili at agad umalis bago pa siya makita ng dalawa na nanonood sa kanila.










    Leave a comment