Mga Baliw na Manunulat

Love Letter and Chuckie
(Chapter 14)

Akda ni: Sunpriestess


                 

              
Nasasaktan na si Lira sa mahigpit na pagkakahawak ni Brian sa kanyang kamay habang lumalayo sa hospital na pinanggalingan nila. Hindi niya maintindihan pero parang may madilim na aurang lumalabas sa lalake. Natatakot siya dito.

                “Ba…Brian bitawan mo na ako! Nasasaktan na ako” impit na sabi ni Lira kay Brian.

                Hindi pa rin binibitiwan ni Brian si Lira kahit sinabi na niyang nasasaktan siya. Kaya ang ginawa niya ay nagpumiglas siya at nabitiwan naman siya nito. Tumingin ito sa kanya at bigla siyang natakot. Hindi talaga niya maintindihan pero nakakatakot si Brian ng mga sandaling iyon. Hindi niya namalayang may tumulo ng luha sa kanyang mga mata.

                Bigla namang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Brian ng makita niyang umiiyak si Lira. Nagagalit siya dahil sa nakita niya kanina kaya kahit na sinabi nitong nasasaktan na ito ay ayaw niya itong bitawan dahil baka tumakbo ito pabalik sa hospital kung saan naroon si Clarence. Pero hindi niya kayang makitang umiiyak si Lira. Bigla tuloy siyang naguilty sa ginawa niya.

                “I..I’m sorry Lira” sabi ni Brian at iniiwas ang tingin. Patuloy lang na umiyak si Lira. “Kung gusto mong bumalik sa hospital sige pumunta ka. Di kita pipigilan”

                “Ano ka ba Brian! Bakit ka ba ganyan?” sigaw ni Lira sa gitna ng paghikbi.

                “I’m sorry”

                “Sorry na naman! Di kita maintindihan! Natatakot ako sa’yo kanina ng hindi ko alam ang dahilan. Ano bang problema mo?”

                Hindi nakasagot si Brian sa tanong ni Lira. Bakit nga ba siya nagkakaganun? Gayong wala naman siyang dahilan. Simula’t sapol ay alam niyang si Clarence ang mahal ng babae. Nagseselos ba siya? Wala naman siyang karapatang magselos. Wala silang relasyon ni Lira at kung meron man ay pagkakaibigan lang. Ngunit ayaw tanggapin ng puso niyang hanggang pagkakaibigan lang ang meron sa kanila ni Lira.

                Pinahid ni Lira ang kanyang mga luha at nauna nang maglakad. Narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Brian ngunit hindi na niya pinansin ito. Patuloy siyang naglakad at iniisip ang mga nangyari sa kanya kanina sa hospital at sa pag-itan nila ni Brian.

                Maya-maya ay naramdaman niyang basa ang kanyang noo. Nakita niyang unti-unti nang tumutulo ang ulan hanggang sa lumakas na iyon. Tumakbo siya at naghahanap ng masisilungan ng may tumalukbong sa kanyang ulo. Nakita niya si Brian sa tabi niya at inilagay nito ang jacket nito sa kanyang ulo.

                “Brian?”

                “Ok ka lang ba Lira? Mukhang malakas ang ulang ito. Halika malapit lang ang apartment ko dito” sabi nito at inalalayan niya ito habang tumatakbo sila sa malakas na ulan.

                Nakarating din silang dalawa sa apartment ni Brian at pareho silang basang-basa dahil sa ulan. Pinaupo siya nito sa upuan at inabutan ng tuwalya at T-Shirt.

                “Maligo ka na muna. Baka magkasakit ka pa. Heto ang T-shirt ko. Malinis iyan pwede mong gamitin kaso hahanap pa ako ng short na pwede mong isuot” sabi ni Brian.

                “Sa..salamat! Ok na ito. Mamaya ko na lang siguro isusuot ang short mo kapag nakita mo na. Sige ligo na ako” namumulang sabi ni Lira.

                Nagtungo na si Lira sa banyo na itinuro sa kanya ni Brian. Bigla siyang napatigil pagkasara niya ng pinto ng banyo. Sumagi kasi sa isip niya na sila lang dalawa ni Brian sa apartment na iyon. Pero agad niyang hinawi ang nasa kanyang isip dahil hindi magagawa sa kanya ni Brian ang kanina ay sumagi sa isip niya. Nilalamig na siya kaya dali-dali siyang naligo.

                Si Brian ay abala pa rin sa paghahanap ng short na maisusuot ni Lira. Masyado kasing malalaki ang short niya at baka hindi magkasya dito. Lumabas si Lira sa banyo at natulala siya ng makita itong suot ang kanyang T-Shirt. She looks sexy sa oversized shirt na ibinigay niya rito. Kita rin niya ang mapuputi at makikinis na binti ng babae. Napalunok siya at hindi niya gusto ang biglang sumanib sa kanyang pagkatao.

                “Brian tapos na ako! Nakakita ka na ba ng short na maisusuot ko? Maligo ka na rin pala baka ikaw naman ang magkasakit”sabi ni Lira kay Brian at lumapit dito.

                Lalong nahirapan sa sitwasyon si Brian ng lumapit sa kanya si Lira. Amoy na amoy kasi niya ang mabangong sabon at shampoo sa babae. Unti-unti ay may nabubuhay na bahagi sa kanyang katawan at kailangan niya itong mapigilan.

                “Oo bahala ka nang mamili sa mga short na ito. Sige ligo na ako. Bahala ka na diyan!” Dali-daling sabi ni Brian at agad tumakbo sa banyo.

                Napakunot noo naman si Lira. “Anong problema noon? Nilalamig na siguro siya ng husto kaya ganun” saad ni Lira saka tinignan ang mga short na nasa kama.

                Nang makapamili at makapagsuot na si Lira ng short ay naupo siya sa gilid ng kama. Biglang bumalik sa kanyang isipan ang mga pangyayari kanina sa hospital. Nalaman na ni Clarence na siya ang totoong Chocolate Cookie at si Nadine, malamang ay galit na galit ito sa kanya. Pero siya naman talaga ang may karapatang magalit dahil ito ang nagpanggap na Chocolate Cookie. Pero ang labis niyang pinag-aalala ay ang nakita niya kanina kay Brian ng makalabas sila ng hospital. Kilala nga itong siga sa eskwelahan nila pero ngayon lang niya nakita ang nakakatakot na parte ng pagkatao nito.

                Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas mula doon si Brian. Brian looks refreshing sa mga mata ni Lira. Mas masarap pagmasdan ito ngayon kaysa sa Brian na nakita niya kanina. Lumapit ito sa kanya.

                “Pasensiya ka na kung malaki ang short sayo ha” sabi ni Brian.

                “Hindi ok lang” sabi ni Lira at saka ngumiti sa lalake.

                Lumapit si Brian sa bintana at tinignan ang paligid. “Mukhang hanggang bukas pa ang ulan na ito”

                “Ano? Paano yun? Siguradong hahanapin ako sa amin” nag-aalalang sabi ni Brian.

                “Kung gusto mo dumito ka na muna. Hindi ka na rin naman makakauwi sa lakas ng ulan. Dito ka na matulog, sabado naman bukas at walang pasok”

                Hindi agad nakasagot si Lira. Siya matutulog doon sa apartment ni Brian at sila lang dalawa? Agad niyang binawi ang mga pangyayaring biglang pumasok sa kanyang isipan. Malaki ang tiwala niya sa lalake.“Sige tatawagan ko lang sina Mama” sabi ni Lira  sa lalake at tinawagan ang kanyang ina. Pumayag naman ito kahit alam nitong sa apartment siya ni Brian matutulog. Malaki din ang tiwala ng kaniyang pamilya sa lalake.

                Naging masaya naman ang kanyang pananatili sa apartment ni Brian. Lalo pa niyang nakilala ang lalake at mas lalo pa siyang humanga dito. Wala na silang ginawa kundi ang tumawa at magkulitan habang malakas na bumubuhos ang ulan.

                Kinagabihan ay sa kama na siya pinatulog ni Brian at ito ay sa baba na lamang ng kama. Naglatag ito ng kutson sa sahig at doon humiga. Kahit matutulog na ay nagkukulitan pa rin sila kaya inabot na sila ng alas-dose ng umaga ay gising pa sila. Maya-maya ay napagdesisyunan na nilang matulog.

                Matagal nang oras ang nakakalipas ay hindi pa rin makatulog si Brian. Hindi kasi siya mapakali sa kaalamang nasa malapit lang si Lira. Ngayon nga ay pinagmamasdan niya itong nasa gilid na parte ng kama at nakaharap sa kanya. Napakahimbing ng tulog nito.

                Lumapit siya kay Lira at pinagmasdan ito. Maya-maya pa ay unti-unting lumapit ang mukha nito sa mukha ng babae hanggang sa tuluyang naglapat ang kanilang mga labi. Kahit gusto ni Brian na magtagal at palalimin ang halik ay hindi niya maaaring gawin dahil posibleng magising ang babae. Bumuntong-hininga si Brian at saka bumulong sa sarili. “Sana ako na lang ang minahal mo Lira at hindi si Clarence dahil kung ako, hindi kita hahayaang masaktan. Mahal kita Lira. Sobrang mahal kita at gagawin ko lahat para sa iyo. Gagawin kong lahat maging masaya ka lang”.

  

  
                         




    Leave a comment