Mga Baliw na Manunulat

Love Letter and Chuckie
(Chapter 11)

Akda ni: Sunpriestess


                 

                    Dumaan ang mga araw at palagi na ring pumapasok sa klase si Brian. Manghang-mangha ang lahat ng guro kay Brian sa ipinamamalas nitong talino sa klase. Ang bad boy image nito ay unti-unti na ring nawawala. Tuwing umaga na lamang ay palaging dinudumog si Brian ng mga babaeng nagpapansin dito.      Samantala si Lira ay naiinis naman kapag nagsisigawan ang mga babae sa labas. Inis na inis siya. Naririndi na talaga siya sa tili ng mga babaeng estudyante na nagkukumahog na makalapit sa dating bad boy na si Brian. Dati pa naman niyang naririnig ang mga babaeng estudyante na nagtitilian kapag paparating si Clarence pero bakit inis na inis siya ng si Brian na ang tinitilian ng mga ito.

                Nakita niyang papasok na si Brian sa classroom ng makalapit na ito at nakaupo sa katabi niyang silya ay ngumiti ito sa kanya. Sinimangutan lang niya ito at nagbasa na lang ng libro.

                “Bakit ba napakasuplada mo na lang araw-araw ha Genious Girl?” tanong ni Brian.

                “Ewan” sagot ni Lira.

                “Ewan? Hindi ka naman magkakaganyan ng walang dahilan”

                “Tigilan mo ako Brian kung ayaw mong masaktan” galit na sabi ni Lira ngunit hindi tumitingin kay Brian at nakatutok lang ang paningin sa libro.

                “Ok!” sagot naman ni Brian at sumipol pa. Nainis naman si Lira at binato niya ito ng pambura.

                “Hey ano bang problema mo?”

                “Huwag kang mag-ingay dito!”

                “Bakit may nakalagay bang signboard dito na bawal mag-ingay?” tanong ni Brian kay Lira

     Naalala ni Lira na iyon ang kanyang linya ng una silang magkaharap ni Brian. Napatingin siya dito at binigyan

lang siya ng isang nang-iinis na ngiti. Hindi niya maintindihan pero biglang naging cute ito sa kanyang paningin at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Dahil sa naguguluhan siya sa nangyayari sa kanya ay napatayo siya, lumapit sa may bintana at naglakad parito’t –roon. Si Brian ay nakakunot noong tinignan lamang si Lira sa nakakahilong paglalakad nito ng pabalik-balik.

     Maya-maya pa ay pumasok na ang guro nila sa classroom para magturo. Ang mga estudyante naman ay dali-daling nagsiupo sa kanilang mga upuan. Nang makaupo si Lira sa kanyang upuan ay natataranta siya kaya nahulog niya ang kanyang libro na nasa ibabaw ng desk niya. Kukuhanin niya sana ito ngunit nagkasabay sila ng pagdampot ni Brian sa libro at nagkahawakan sila ng kamay. Parang may dumaloy na kuryente sa katawan ni Lira kaya agad niyang nahila ang kanyang kamay at naramdaman pa niya ang pamumula ng kaniyang pisngi. Iniiwas din niya ang kaniyang tingin sa lalake. Maya-maya ay inilagay ng lalake ang libro sa kaniyang desk.

     Nang buksan niya ang libro para basahin ang kanilang topic ay may nakita siyang note na ang nakalagay ay “Kita tayo sa tambayan natin mamaya”. Nang tignan ni Lira si Brian ay seryoso ang mukha nito na nakatingin sa kaniya at maya-maya ay tumingin na sa harap para makinig sa kanilang guro. Hindi niya maintindihan pero naguluhan siya sa iniakto ni Brian. Galit ba ito sa kanya?

     Nang pagkalabas ng klase ay agad pumunta si Lira sa tambayan nila ni Brian. Nang dumating siya doon ay naroon na rin ang lalake at nakaupo sa ilalim ng Narra. Tahimik ito at seryoso lang na nakatingin sa kawalan. Nagalinlangang lumapit si Lira sa puno ng Narra pero lumapit din siya at naupo sa ilalim ng puno. Mahabang katahimikan lang ang namayani sa kanilang dalawa. Nang mainip ay hindi na nakatiis si Lira at kinausap si Brian.

“Ano bang dahilan mo at pinapunta mo ako rito?” tanong ni Lira.

Sa halip na sumagot ay binigyan lang ni Brian si Lira ng Chuckie at tahimik na uminom ng Chuckie ang lalake. Napaawang naman ang bibig ni Lira sa ginawa ni Brian. Naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan at maya-maya ay nanghihinang napaupo sa damuhan. Dinampot niya ang Chuckie at ininom. Hindi siya sanay ng ganoon ang lalake. Para bang napakalamig ng pakikitungo nito sa kanya.

                “Brian? Ok ka lang ba?” nahihiyang tanong ni Lira?

Tumingin naman ang lalake sa kanya taglay ang nagtatakang mukha. Naiilang man si Lira ay sinabi na niya sa lalake ang laman ng kaniyang isip.

                “Bakit ganyan ka? Ang tahimik mo? Hindi nagsasalita? Hindi kasi ako sanay” litanya ni Lira kay Brian.

                “Ikaw? Bakit naging suplada ka? Bakit lagi ka na lang galit sa akin? Ano bang ginawa ko sa iyo? ” sunod-sunod na tanong ni Brian kay Lira.

                Si Lira naman ay natahimik sa tanong ni Brian. Ano nga ba ang dahilan bakit lagi siyang galit kay Brian? Anong dahilan kung bakit lagi niyang pinagsusupladahan si Brian? Mahabang katahimikan muli ang namayani sa kanilang dalawa.

                “Lira mahirap bang sagutin ang mga tanong ko?” basag ni Brian.

                “Dahil….dahil hindi ko rin alam. Ang alam ko nagbago ka. From bad boy nagbago ka. Hindi rin ako sanay. Hindi ako sanay na tinitilian ka ng mga babae. Dati-rati ako lang ang nakakalapit sa iyo” sagot ni Lira.

                “Nagseselos ka ba?” tanong ni Brian.

                Namula naman si Lira sa tanong na iyon ni Brian. “Hi..hindi ah! Bakit naman ako magseselos?” nabubulol na sagot ni Lira. Sa pagkakataong iyon muling nasilayan ni Lira ang ngiti ni Brian. Hindi niya alam pero nagawang pagaanin ng ngiting iyon ang kanyang pakiramdam.

                Si Brian naman ay kitang-kita ang pamumulang iyon ni Lira. Hindi niya maintindihan pero nagdulot ng kasiyahan sa kanya ang reaksyong iyon ni Lira. Ang tampong nararamdman niya sa dalaga ay biglang nawala.

                “Brian may tanong lang ako” sabi ni Lira kay Brian ng mawala ang tensyon sa pagitan nila.

                “Ano iyon?”

                “Bakit naging bad boy ka? Matalino ka naman pala. Matino ka rin naman. Hindi ko maintindihan bakit ka naging bad boy?”

                “Ah iyon ba? Alam mo ba kung bakit paborito ko ang Chuckie?”

                “Hindi! Teka hindi naman iyon ang sagot sa tanong ko ah!” Naiinis na sagot ni Lira kay Brian.

                Natawa naman si Brian. Sa totoo lang ito ang nami-miss niya sa dalaga. Ang mga pagkakataong naiinis ito sa kanya. Namimiss niya ang cute na mukha nito kapag nagrereklamo. Dahil hindi niya mapigilan ang sarili ay kinurit niya ang pisngi nito. “Believe me kasama ang Chuckie sa tanong mo”.

                “Ok sige nga! Umpisahan mo ang kwento” paghahamon ni Lira.

                Muling natawa si Brian at sinimulan ang pagkekwento. “Noong Grade 3 pa lang ako lagi akong pinupuri ng aking ina kapag matataas ang grade ko sa school. Kapag nakikita niya ang grades ko sa exams binibigyan niya ako ng Chuckie as a reward. I really love my mother. Gustong-gusto ko ang kanyang mga ngiti dahil lalo siyang gumaganda. Kapag nadarapa din ako dati she always give me Chuckie para daw tumigil ako sa pag-iyak. Kapag kabado ako sa mga quiz bee pinapainom muna niya ako ng Chuckie at dahil doon ay nanalo ako. And then a tragedy came. Nahold-up ang aking ina at nasaksak siya ng mga holdappers. Huli na ng madala siya sa ospital. She already died”

                Nagulantang naman si Lira sa kwento ni Brian.  Hindi niya akalain na wala na palang ina ang lalake. Kitang-kita pa naman niya na mahal na mahal ng lalake ang ina nito ayon na rin sa pagkakakwento nito. “Brian I’m sorry”

                “Ok lang! Huwag kang magalala. Isa pa hindi ko pa nasasagot ang tanong mo”

                “Ok lang kahit hindi mo na ikwento”

                “Gusto kong ikwento sa iyo Lira. Gusto kong malaman mo ang tungkol sa akin” sabi ni Brian at tinitigan si Lira.

                Nang makita ni Lira ang pakiusap sa mga mata nito ay pumayag na rin siya. Isa pa gusto rin naman niyang makilala ng lubos ang lalake. Tumango siya bilang senyales na magpatuloy si Brian sa pagkekwento nito.

                “That was a very tragic experience for me and my father. Mahal na mahal namin siya. Tuwing naaalala ko siya ay umiinom ako ng Chuckie. Nakasanayan ko na rin ang paginom ng Chuckie hanggang sa paglaki ko kahit alam kong inuming pambata ito. Katulad ko mahal na mahal rin ng aking ama ang aking ina. Hindi niya kinaya ang pagkawala ng aking ina kaya lagi siyang nagiinom. Nasira ang kanyang buhay. Napabayaan niya ang negosyo namin. Lagi rin siyang nakatambay sa mga Bars at sa Casino. Hanggang isang araw ay nabalitaan ko na lang na namatay ang aking ama. Binaril ito sa loob ng isang Bar dahil napaaway ito ”

     Hindi nakapagsalita si Lira sa nalaman. Gulat na gulat siyang malaman na ulila na pala si Brian. Ipinagpatuloy naman ni Brian ang pagkekwento ng kanyang buhay.

                “Dahil sa nangyari sa aking ina at ama ay tinukso ako ng ibang bata. Maging ang aking ibang mga kamag-anak ay itinuring akong basura. Lagi akong umiiyak noon dahil sa pang-aapi nila. Pero natutunan ko ring lumaban. Natuto akong ipagtanggol ang sarili ko. At nang insultuhin ako ng isang leader ng mga bully sa aking school dati ay nagawa ko siyang patumbahin. Doon nagsimula ang bansag sa aking siga. Maging ang ibang mga siga sa ibang eskwelahan ay dinarayo ako pero nagagawa ko rin silang patumbahin. Dahil sa gulong kinasasangkutan ko ay lagi akong napapatalsik sa klase. Matataas naman ang aking grades at may isa akong mabait na tiyo na may koneksiyon sa eskwelahan kaya hindi nila ako mapatalsik”. Bumuga si Brian ng hangin pagkatapos ng pagkekwento nito. “Ngayon alam mo na kung bakit ako naging bad boy”

                Si Lira naman ay awang-awa sa lalake. Sa halip na sumagot ay tumayo siya, lumuhod sa harap ni Brian at saka ito niyakap. Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kaniyang gawin iyon pero gusto niyang gawin iyon.

                “Li…Lira? A…ano ba itong ginagawa mo?” Naasiwang tanong ni Brian. Hindi siya mapalagay sa kanyang pwesto dahil yakap siya ni Lira at ang kanyang mukha ay nakasubsob sa malambot na dibdib ng dalaga.

                “Sssh…huwag kang maingay. Hayaan mo lang akong gawin ito. Hayaan mo akong umiyak para sa iyo. Gusto kong pawiin lahat ng sakit na nararamdaman mo” umiiyak na sabi ni Lira kay Brian.

                Natigilan naman si Brian. Maya-maya ay naging kalmado din siya habang naririnig niya ang pintig ng puso ng dalaga. Pakiramdam niya ay nawala lahat ng sakit ng kanyang buhay habang yakap siya ng dalaga.



   
                     




    Leave a comment