Mga Baliw na Manunulat

Ang Diary (Part 4)

By: Caddy Mitchy Duzon




 
 “Ate, ate Andrea gising!”

Nagising si Andrea sa pamamagitan ng mahihinang tapik sa kanyang pisngi. Napamulagat siya. Takot na takot. Niyakap niya ang kapatid niya.

“B-bakit nandito sila,? A-anong kailangan nila dito?” mahina ngunit nangangatal na tanong ni Andrea.

“Ang alin ate? Hindi ka namin maintindihan.” naguguluhan si Mira. Hinahaplos niya ang likuran ng kanyang ate, samantalang si Lisette ay pinapaypayan ang kanyang ate. Nakahawak naman ng baso na may malamig na tubig si Junie.

“Nakita ko ang mommy, kasama nya si marissa at PJ, sa loob ng kwarto ni ate Melanie. Mukhang may hinahanap sila.” mahabang tugon ni Andrea.

“Tumawag ang pinsan mo Lanie. Sabi niya ay umuwi ka na daw doon pagkalibing ng nanay mo. May kailangan daw kayong pag-usapan.” Isang umaga habang nag-aalmusal sila. “Bakit mukhang takot na takot ang mga pinsan mo doon? May problema ba, anak? Tanong ng tatay niya. 

“Wala…wala naman po ‘tay.” pagkakaila niya. “Pagkalibing na pagkalibing ho ni inay ay ihatid niyo na ho ako doon sa Maynila.” saad ni Melanie. Pumasok siya sa kanyang silid, kinapa niya ang diary sa ilalim ng unan niya.

“Sino ka ba?! Anong kailangan mo sa akin?! Bakit ako ang napili mo para sa mga babala?! Bakit ako pa?!!!!”

Lumipat ng pahina ang diary. Sa bandang likod na ito napunta. Nabasa niya ang pangalan doon.

SATANAS

Nanghihilakbot siya sa nakita. Umiyak siya. Hindi naman niya maaaring ipakita ang diary dahil alam niyang walang maniniwala sa kanya.  Lumipat muli ang pahina ng diary!

Nov. 23, 1946

Dear Diary,

Nahuli ako ng dating. Aala akong nagawa! Sila ay nagalit sa akin. Hindi ko kasalanan ang magkaroon ng ganitong kapangyarihan! Hindi ko ito ginusto at kailanman hindi ko hiniling! Nahulog siya! Malamang ay aksidente iyon. Hindi ko sinasadya.

 “Ate! Dun tayo! Picturan mo ’ko!” maarteng sabi ni Lisette.

“Lisette wag diyan,” biglang may bumundol na kaba sa dibdib ni Andrea.

“Sige na ate! Ganda ng view dito oh. Kitang-kita sa baba!” ulit ni Lisette. Nasa 4th floor sila noon sa isang sikat na mall. Naalala ni Andrea na tawagan ang landline nina Melanie sa Probinsya.

“Hello? Si Melanie po?” tanong ni Andrea. Ang tiya Miling nila ang nakasagot ng telepono.

“Umalis na. Inihatid ng tatay niya kanina pa ah. Wala pa ba diyan?”

“Ay nandito po kasi kami sa mall, baka nasa ba –” hindi naituloy ni Andrea ang sasabihin dahil sa narinig niyang sigaw.

Atttteeeeeeeeee! Aaaaahhhhhh!!!” Isang matinis na tili. Pagkatpos ay malakas na lagapak sa sahig! Kumalat ang pulang likido sa sahig! Nahulog si Lisette mula sa fourth floor ng mall. Kinukunan niya ang sarili nya ng mga sandaling yun gamit ang kanyang cellphone na may camera nang may magtangkang umagaw ng cellphone niya. Hawak niya nang mahigpit ang kanyang cellphone. Itinulak siya ng mamang umagaw nito. Ngunit pati ang mama ay nahila ni Lisette kung kaya sabay na nahulog ang dalawa. Dead on the spot!

Si Junie at Mira ang nagdala ng bangkay ni Lisette sa punerarya. Agad agad umuwi si Andrea.

“Melanie!!! Nasaan ka?!!! Nasaan ka Melanie? Kasalanan mo ito! Makasarili ka! Bakit porke ba hindi mo nasabihan ang nanay mo sa babala ay hindi mo na sasabihin sa amin ang mga nakikita mo?!” Nagsisisigaw siya. Pumasok siya sa kwarto ni Melanie. Natutulog noon si Melanie. Niyugyog niya ito sa balikat at kinausap. Sinampal niya ang pinsan niya.

“Wala kang utang na loob! Pagkatapos ng pagpapatira at pag aalaga namin sayo!” ganito ang igaganti mo! Wala na si Lisette! Alam kong alam mong may mangyayaring masama sakanya! Bakit hindi mo sinabi?! Walang humpay na sumbat ni Andrea kay Melanie.

“Hindi ko alam na si Lisette na ang susunod. Nagmamadali akong umuwi dito… nagbakasakali akong maabutan ko kayo. Ngunit pagdating ko’y wala raw kayo sabi ng katulong. Hindi ko kasalanan ang lahat Andrea. Hindi ko gusto ang nangyayaring iyon.“ sagot ni Melanie. Sa pagkakataong yun ay napaupo si Andrea sa sahig, tila naubusan siya ng lakas. Hindi siya makapag-isip. Ng biglang may makita siya sa ilalim ng kama ni Melanie. Lisette?! Anong ginagawa mo diyan sa ilalim? Sinilip ni Andrea ang kama ngunit wala siyang nakita.


















    Leave a comment