Mga Baliw na Manunulat

Ang Diary (Part 3)

By: Caddy Mitchy Duzon




 
“Natatakot na ako sa ‘yo, Lanie.” saad ni Andrea. “Papano mo nakikita ang mangyayari? tanong ulit niya.

“Basta maniwala na lang kayo sa akin. Hindi talaga kayo maniniwala kapag sinabi ko.”

“Ano ba ‘yan! Gawa gawa mo lang yata ang mga ‘yan eh!” nagsalita si Lisette habang nagsusuklay sa harap ng salamin. Nasa loob sila ng silid ni Andrea. Si Mira ay tahimik na nagbabasa ng pocketbook. Biglang umalulong ang mga aso. May kumalabog sa kanilang garahe.

“Mira silipin mo sa bintana kung may tao sa baba, dali! Baka mamaya mga magnanakaw pala ang mga ‘yan”

Tumayo si Mira at nagtungo sa bintana. Nakita niya si Marissa at PJ! Lumusot sila sa bakal na gate. Tinutumbok nila ang pintuan ng kanilang bahay!

 “Aaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” sigaw ni Mira. Nagpatay-sindi ang ilaw.

“Magdasal tayo!” sabi ni Melanie. 

Our Father in heaven,

holy be Your name.

Your kingdom come.

Your will be done.

“Ate si Marissa at PJ pumasok dito sa bahay!” Lumabas sila sa kwarto at patungo sa hagdan. Nakita nga nila ang katawan ni Marissa at PJ. Sunog na sunog ang mga ito. Nakatingin ang dalawa sa kanila. Mukhang aakyat sila sa hagdan. Tuloy-tuloy na nagdarasal ang mga magpipinsan. Naglaho si Marissa at PJ. Sa pagkakataong iyon nagtakbuhan ang magpipinsan sa loob ng silid ni Andrea. Nakatulog sila sa takot.

Kinaumagahan, masakit ang ulo ni Melanie kaya nagpasya siyang mahiga na lamang sa kanyang silid. Inihatid siya ni Andrea sa kanyang silid. Nang mapag-isa na siya sa silid ay kinuha niya ang diary sa ilalim ng unan niya. Hindi niya alam kung ano ang nag-uudyok sa kanyang buksan ito. Humangin ng malakas. Bagama’t walang hangin dahil de aircon ang kanyang kwarto. Lumipat ang pahina ng diary.

October 11, 1946

Dear Diary,

Nakasaksi ako ngayong araw na ito ng hindi magandang pangyayari, bagkus ay ginamit ako sa krimeng ito. May nasaktan, may sinawimpalad na namatay. Bakit siya tumakbo? Ngunit may magbabayad ng kasalanan sa batas. Kinuha siya ng kadiliman.

October 12, 1946

Dear Diary,

Ang nangyari kahapon ang siyang nagpapahirap sa akin. Nakukonsensya ako. Patnubayan sana ako ng Poong Maykapal.

 

Nabasa ni Melanie ang dalawang pahina. Malabo ang ipinapahiwatig ng Diary kaya wala siyang nasabihan ng kanyang babala. Nakatulog siya. Kinaumagahan ay okay na ang pakiramdam niya.

 “Ate Lanie, tumawag ang tatay mo buhat sa probinsya. Susunduin ka daw niya.” si Mira.

“Bakit daw?” nagtatakang tanong ni Melanie.

“Wag kang mabibigla, ate ah? Ang nanay mo ate, nasagasaan ng truck. Nasa palengke daw siya kaninang madaling araw at nag-angkat ng gulay tapos may umagaw daw sa kanyang belt-bag kung saan nakalagay ang kinita niya sa pag-aangkat ng gulay. Hinabol niya ang magnanakaw, ngunit nasagasaan siya, nakaladkad siya ng delivery truck ng yelo. Nahuli ang magnanakaw pagkatapos ay binugbog ng taumbayan. Sa ngayon ay nasa kamay na siya ng mga pulis.” malungkot na pagbabalita ni Mira sa kanyang ate Melanie.

Pumalahaw ng iyak si Melanie. Wala siyang magawa. Sarili niyang ina hindi niya naipagtanggol. Hindi siya nakakain nang umagang iyon. May plano siya, susunugin niya ang diary! Dahil simula ng mapulot niya iyon, nagbago ang buhay niya, Nakukonsensya siya dahil hindi niya nabigyan ng babala ang mga mahal niya sa buhay.

Pumasok na ang mga pinsan niya sa kanikanilang eskwela. Si Andrea naman ay nasa taas. Hinihintay nila ang pagdating ng kanyang itay. Nag-empake na siya ng ilang gamit. Kinuha niya ang diary pagkatapos ay nagtungo siya sa likod bahay para sunugin iyon. Sigurado siyang sunog na iyon nang iwanan niya sa drum.

“Ate! Sinong sumunog nitong bible?! Bakit nandito sa drum ito? tanong ni Andrea sa kasambahay nila. Kababalik lamang niya galing sa bus station kung saan niya ihinatid si Melanie at ang tatay nito.

“Hindi ko po alam Miss Andrea,” sagot ng magalang na katulong.

“Nakakakilabot naman ng gumawa nito! Hindi na natakot sa Diyos!” histerikal na saad ni Andrea.

“Nay, pasensya na po kayo. Hindi ko man lang kayo nakita. Sana nabigyan ko kayo ng babala.” umiiyak na paliwanag ni Melanie sa harap ng kabaong ng kanyang ina. Kadarating lang nila sa probinsya. Hapon na nang makarating sila. Pagod man sa biyahe ay umupo pa rin siya at binantayan ang bangkay ng kanyang ina.

“Magpahinga ka na muna anak. Ihahatid na kita sa silid mo.” ang tatay niya. “Ako muna ang magbabantay sa nanay mo. Nandito naman ang mga tiya at tiyo mo.”

 “Sige ho, tay. Tutal pagod ako,” sabi ni Melanie.

“Nasaan po pala ang mga gamit ko?”

“Nandun lang sa ibabaw ng kama mo. Alam mo naman ang mga gamit mo dahil kabisado mo diba?

“Opo,” maikling sagot lang niya. Sa loob ng kanyang kwarto inapuhap niya ang kanyang bag. Magpapalit sana siya ng damit, nang may masaling siyang kakaiba. Hinawakan niya ito.

“A-ang DIARY!” nangangatal niyang sabi. “Panong nangyari.?! Sinunog ko na ito ah?!” Bigla ay kinilabutan siya. Humangin ng malakas.  Naglipat ng pahina ang diary.

November 01, 1946

Sinong magaakalang ang dati nang patay ay mabubuhay? Nakita nila ito. Tatlo sila, kailangan ay bumalik ang may hawak ng libro. Hinahanap nila ito. Kailangan itong masira.

***

Tulog na ang magkakapatid nang makaramdam si Andrea ng kakaiba. Tila mainit ang buong bahay nila. Nagpasya siyang bumaba. Naglakad siya pababa sa mahabang hagdan. Nasa baba na siya, sa tapat ngkwarto ni Melanie.

“Bakit kaya maingay sa kwarto ni ate Melanie?” nagtatakang tanong niya sa sarili niya.

“Matingnan nga. Dahan dahan siyang lumapit. Binuksan niya ang pinto. Nagulat siya nang makita niya ang kanyang mommy si Marissa at PJ! Napasigaw siya sa takot! Nawalan siya ng malay.

















    Leave a comment