Mga Baliw na Manunulat

Ang Diary (Part 1)

By: Caddy Mitchy Duzon




 
Kinapa niya ang ilalim ng tokador. May napulot siyang isang makapal na notebook.

Kinuha niya iyon at itinago sa sukbit sukbit niyang bag.

“Anong ginagawa mo jan Melanie?” tanong ng kanyang pinsan na si Andrea.

“Hinahanap ko yung banyo eh, di ko makita..” sagot nya sa kanyang pinsan.

“Tara samahan na kita..” sumbat ni Andrea.

Galing sila noon sa Pa-siyam ng kanilang Lola Eva.

Kamamatay lang ng kanyang lola. Siya ang pinaka espesyal at pinakapaboritong apo ng kanyang lola. Kaya naman labis na nalungkot si Melanie sa pagkawala ng kanyang abuela, ni hindi man lang niya nakita ito bago siya nawala.

“Andrea, mauna na ako sa aking silid.” Sambit ni Melanie..

“Sige at ng makapagpahinga ka na rin, alam kong pagod ka eh..” ani Andrea.

Mula sa pagkakaupo niya sa kanyang silid ay kinapa niya ang bag niya, inilabas niya mula doon ang napulat niya kanina.

“Isang diary pala”..sa loob loob niya.

Binuklat niya ito.

Unang araw ko sa eskwelahan, kinakabahan ako, dahil may nakikita ako. Mamatay ang isang taong mahalaga sa akin, hindi ko matukoy kung kelan at saan, pero sigurado akong mamatay siya.

Nagpatuloy si Melanie sa pagbasa ng Diary. Natatakot si Melanie.

Ang nakita ko ay hindi dumating bagkus, nawala ang kaba ng aking dibdib, sino ang mamamatay? Hindi ko parin mai-alis sa aking isipan…

March 12,1946

Dear Diary.

Natatakot ako, biyernes a trese bukas. May kabang bumubundol sa dibdib ko.

Totoo kaya ang nakita ko sa unang araw ko sa eskwela? Wag naman sana. Tulungan mo ako Diyos ko, wag mong hayaang mangyari iyon.

Ibinaba ni Melanie ang Diary. Nag-inat siya.. naghahanda na siyang matulog.

Andrea, anong araw ngayon?tanong niya sa kanyang pinsan habang sila ay nag-aalmusal kinaumagahan.

“March 13,biyernes… “ sagot ni Andrea.

“FRIDAY the 13th?!” Gulat na gulat si Melanie. “Hindi ko kasi makita ang kalendaryo eh.”

“Kung maaari wag kang lalabas ngayon. Wag kayong lalabas sabihan mo sina ate, tiya, lahat kayo. May masamang mangyayari sa araw na ito..” mahabang saad ni Melanie.

“Ano ka ba Lanie! Ke tanda mo na, hindi na uso yang mga ganyan! Tinatakot mo ang sarili mo, saka isa pa may pasok ang mga pinsan mo! May pasok din ako sa opisina! Bakit sila maniniwala sayo?!” ang tiya niya. Simula pa noon ay mabigat ang dugo sa kanya ng mama ni Andrea. 

“Kumain ka na nga at ng makapagligpit na ang tao dito!”

 “Wala pa ba ang mommy?” si Andrea.

“Anong oras na ah, mag aalas-onse na ng gabi! Hindi ba siya tuma…”

KRIIIIIINGGGGG…….KRRRRIIIIIIINNNNNNNGGGGGGGG…

“Junie! Ang telepono! Sagutin mo baka si mommy yan,” utos ni Andrea sa kapatid.

“HE-HELLO??” sagot ni Junie sa caller.

“Is this the house of Mrs. Felisa Soledad?” tanong ng caller.

“Yes, what can I do for you sir?” tanong ni Junie sa lalaking kausap niya sa telepono.

“How are you related to her?”

“She is my mother.”

“Im sorry to inform you, but your mother is dead. She was held-up and was attacked by the robbers. She did not make it. She suffered too much blood loss. She is here at the Sacred Heart Hospital. Kindly go here and take her remains.” Ibinaba na ang telepono

Humagulhol si Junie.

“A-ate…ang mommy..patay na daw! Hinoldup daw. Malamang nanlaban si mommy. Nasa SHH daw siya ngayon.” Humahagulhol si Junie.

PATDA SI ANDREA SA NARINIG. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Melanie. Pero kailangan pa niyang puntahan ang bangkay ng kanyang ina.

Ilang araw din tulala ang magkakapatid na Andrea, Junie, Lisette at Mira. Umuwi ang daddy nila mula sa Germany para sa burol at libing ng kanilang mommy. Ang mommy nila ay nagtatrabaho sa isang travelling agency, ng gabing maholdup ito ay nanlaban daw ito, kaya pwinersa nung mga holdupper at nagamitan ng dahas. Sinaksak ito at nawalan ng maraming dugo. Hindi kinaya kaya namatay ito. Tahimik lamang si Melanie sa isang sulok, nakaupo at nakikinig sa iba’t ibang ingay na nagmumula sa labas ng malaking bahay, huling gabi ng kaniyang tiya. Bukas na ang libing nito. 

Nailibing na ang kanyang tiya. Nagbalik na rin angTiyo niya sa Germany upang maghanap buhay. Si Andrea ang aasahang tutulong sa pagpapaaral sa tatlo niyang kapatid, si Junie ay nasa kolehiyo na at si Lisette at Mira ay nasa high school naman.

“Pinsan, totoo yata yung sinabi mo nung umagang kumakain tayo kasabay si mommy,” nalulungkot na saad ni Andrea kay Melanie.

“Im sorry pinsan, hindi ko sinasadya. Sana naniwala si tita sa akin. Sana hindi siya namatay.” Humihikbi si Melanie. “Kasalanan ko to eh,” sabi niya sa kanyang sarili.

“Hindi Melanie. Hindi mo ito kasalana,” naluha na rin si Andrea at yakap ang kanyang pinsan.

Aaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!! Ateeeeeeeeee!!!

NAGULAT SI ANDREA AT MELANIE ng marinig ang tili ni Lisette! Nagmumula ito sa taas ng bahay nila. 

“Dito ka lang melanie, titignan ko si Lisette,” nagmamadaling sabi ni Andrea.

“O sige,” maikling sagot ni Melanie.
















    Leave a comment