Mga Baliw na Manunulat

Ang Diary (Part 2)

By: Caddy Mitchy Duzon




 
“Anong nangyari sa 'yo?!” humihingal si Andrea, tinakbo niya ang mahabang hagdan nila patungo sa kwarto ni Lisette.


“Si mommy ate! Nakita ko si mommy, nasa banyo siya!” takot na takot si Lisette.

“Papano mo makikita si mommy eh patay na siya Lisette,” bahagya ay nasaktan si Andrea. Hindi niya lubos maisip na wala na ang kanilang ina. “Ang kupad mo kasi kumilos malamang si mommy nga iyon. Sinasabihan kang bilisan mong maligo kasi gabi na, baka sipunin ka na naman. Sakitin ka kasi eh,” pahayag ni Andrea.

NAMIMISS nila ang kanilang mommy.

“O sige magbihis ka na at ng makatulog ka na, stressed lang cguro tayo sa ilang araw nating puyat at pagod nung nandito pa ang bangkay ni mommy.”

April 27, 1946

Dear Diary,

May nakikita ako, ang kapitbahay namin. Hindi ko lang sigurado kung anong mangyayari. Malabo ang nakikita ko, halos hindi ko maaninag. Pero isa lang ang sigurado ko...mayroong muntikang madadamay sa trahedya. Makakaiwas naman sila pero madami ang mamatay.

Binasa ni Melanie ang parteng ito bago siya matulog.

Kinaumagahan. Araw ng sabado.

“Uy Melanie, Andrea, Lisette nanjan pala kayo? Buti at lumabas kayo. Birthday kasi ni PJ, gusto ko kayong kumbidahin nang malibang naman kayo,” sabi ng kanilang kapitbahay na si Marissa.

“Sige po, anong oras ho ba?” tanong ni Lisette.

“Mamayang alas sais ng gabi. Dinner party kasi eh,” sagot ni Marissa.

“Sige darating kami,” maikling tugon ni Lisette.

“HUWAG. HUWAG NA KAYONG UMALIS!” sabi ni Melanie.

“Bakit pinsan?” namamanghang tanong ni Andrea.

“Magkakaroon kasi ng disgrasya diyan mamaya eh,” sabi ni Melanie.

“Tumigil ka nga! Ang KJ mo ah. Porket di ka pupunta. Boring dito sa bahay kaya pupunta ako!” maarteng tugon ni Lisette.

“Sige. Pero mag promise ka na uuwi ka ng maaga. Dapat alas 10 ng gabi nandito ka na.”

“Sasamahan ko si Lisette,” wika ni Andrea.

NANG gabing iyon ay nakahiga si Melanie sa kanyang kwarto,

Tok..tok…tok…

“Pasok,” marahan niyang sabi. 

“Ate Lanie, nasaan sina ate Andrea at Lisette?” tanong ni Mira.

“Nasa kabila, nagpaparty. Teka anong oras na ba?” tanong niya kay Mira.

“Mag aalas-diyes na po ate Lanie.” sagot niya

“Naku! Tawagin mo si Junie at Inday! Sabihin mo sunduin na niya kamo ang mga ate mo. Dalian mo Mira! Wag kang mag aksaya ng panahon!” sigaw ni Melanie.

MAINGAY. 

Naglalagablab na ang apoy sa kabilang bahay. Sumabog ang fireworks display hindi pa man ito nasisindihan. Aksidenteng matapunan ng uling na nagmumula sa barbecue griller ng party. Nasusunog ang buong bahay nina Marissa. Mabilis ang pangyayari. Huli na ng makarating ang mga bumbero. 

“Paano mo nalaman yun?” tanong ni Andrea.

“Maniwala na lang kayo sa akin. Kapag sinabi ko’y hindi kayo maniniwala sa akin eh.” sabi ni Melanie,

“Mabuti nalang pauwi na kami nung magkasalubong kami nina Junie sa labas,” hilakbot si Lisette.

“Salamat ate Lanie. Sana kapag may dumarating na babala, masabihan mo ulit kami.”

Namatay si PJ at Marissa. Na-trap ang magkapatid sa loob ng bahay. Pati ang ibang bisita ay namatay. Hindi bababa sa 10 ang bilang ng namatay, wasak ang bahay. Maswerteng nakaligtas ang iba.

Ano ang meron sa Diary? Ano ang susunod na mangyayari. Bakit si Melanie ang nakakabasa nito?
















    Leave a comment