Mga Baliw na Manunulat

The Heroine Meets Her Hero
Chapter 2: Mortals or Immortals

Akda ni: Slade

 



         


Pixie Bluff, lugar ng mga diwata

“Mahal na Reyna, mahal na reyna.” Humahangos na tawag ni Samson pagpasok pa lang niya sa isang malaking bulwagan kung saan nagpupulong ang mga reyna ng mga diwata at ang mga alagad nito. “May masamang balita po ako. Ang prinsesa, naligaw dito sa kakahuyan at nasa kamay ito ng mga Sousa.” humihingal na sabi ni Samson.

“Ano? Paano nangyari yun di ba mahigpit kong ipinag-utos sa inyo na bantayan niyo siyang mabuti. Paano siya nakapasok sa kakahuyan?”

“Kamahalan, yan po ang inaalam namin ngayon. May inutusan na po akong pumunta sa mga nagbabantay sa kanya upang alamin ang nangyari.” 

“Kung natakasan niya ang mga taong nagbabantay sa kanya bakit pati kayo ay di niyo siya napigilan sa pagpasok niya sa kakahuyan?”

“Patawad mahal na reyna.”

“Alamin mo kung ano ang totoong nangyari, gusto kong malaman kung ano ang ginagawa ng nagbabantay sa prinsesa at nakatakas ito patungo sa kakahuyan.” Maawtoridad na utos ni Reyna Mahanta sa tauhan nitong si Samson.

“Masusunod po Kamahalan, at patawad po.”

“Siya sige na, umalis ka na.” “Kailangan natin siyang mabawi bago pa tayo maunahan ni Aeona. Pag nangyari yun baka magwawagi na siya laban sa atin. Humanda kayo pumunta tayo ngayon sa kaharian ni Odypus. Kailangan mapasakamay natin siya bago pa mahuli ang lahat.” Baling ni Reyna Mahanta sa mga kausap niyang mga diwata. Kailangan sa kanya mapunta ang prinsesa bago pa ito mapunta sa kamay ni Aeona. Pag nangyari ang kinakatakutan niya magiging katapusan na ng matiwasay na pamumuhay sa Pixie Bluff. Maaaring gamitin ni Aeona ang prinsesa sa kasamahan nito.

 

Sousa, isang kaharian na kalapit ng Pixie Bluff na pinamumunuan ni Haring Odypus.

 

“Ama nasaan na ang mortal na dinala dito ng mga kawal?” Ang bungad ni Elijah pagpasok niya sa isang bulwagan kung nasaan ang kanyang ama na isang hari.

“ Why the sudden interest Elijah?”

“Ama anong plano mo sa kanya?” Tanong pa rin ni Elijah sa ama kahit di nito sinagot ang una niyang tanong dito.

“Elijah huwag mo nang pag-interesan ang mortal.”

“Ama gusto ko lang naman malaman ang buhay ng isang mortal na gaya niya kaya masyado akong interesado sa mga mortal. Sige na Ama sa akin mo na lang siya ipagkatiwala ako na ang bahala sa kanya.” Parang isang bata na ungot niya sa kanyang Ama.

“Elijah di siya isang bagay na gaya ng mga hinihingi mo sa akin.” “Isa siyang nilalang, di siya isang.....”

“Ama sige na huli na ito, kahit kailan di na ako hihingi ng kahit anong pabor sa iyo.” Putol niya sinasabi ni Haring Odypus. Alam niya malapit na niya itong makumbinsi. Nag-iisa siya nitong anak kaya lahat ng hilingin niya ay pinagbibigyan siya nito, maliban sa isang bagay, ang kagustuhan niyang makisalamuha ang mga mortal, an alamin ng buhay ng mga ito. Isa siyang magiting na prinsepe pero ang di alam ng mga nasasakupan nila ay para lang siyang isang bata pag dalawa lang sila ng kanyang ama.

“Di siya isang pangkaraniwang mortal.”

“Bakit may super power din ba siya?” papilosopong sagot niya dito.

“Di lang super power meron siya’ isa siyang prinsesa.” Sagot ng hari sa kanya sabay talikod upang lumabas na sa bulwagan na yun.

“Amang Hari di niyo pa sinasagot ang hiling ko sa inyo.” Habol niya dito.

“Nasa isang silid siya malapit sa silid mo.” Sagot nito bago tuluyang lumabas.

“Yes!” Malakas na sigaw sabay suntok sa hangin. Masasagot na ang mga katanungan niya tungkol sa mga mortal. Isa sa mga frustration niya sa kabila ng pagiging isang magiting na prinsepe ay ang pagtuklas kung ano ang pinagkaiba ng buhay ng mga mortal at ng mga uri ng nilalang na kagaya niya.  Mula ng makakita siya ng isa ring mortal na naligaw din sa kaharian nila, sampung taon na ang nakalipas ay di na natanggal ang kanyang paghahangad na makaharap ng isang mortal.

Pasipol-sipol siya habang patungo sa silid na kinaroroonan ng mortal. Wala siyang pakialam kung nawi-weirduhan ang mga kawal at mga servants na nakakasalubong niya sa kanyang ikinikilos.  Malapit na siya sa pakay niyang silid ng makaramdam siya ng malakas na pagyanig. Naging alerto siya dahil dun. Di yun pangkaraniwang pagyanig lamang, maaaring  gawa yun ng isang malakas na puwersa.  Dali-dali siyang lumapit sa bintana malapit sa kanya ng makita niya na may mga diwata sa harap ng kanilang kaharian. Dalawang grupo ng mga diwata, ang diwata na pinamumunuan ni Reyna Mahanta at ang mga diwata na alagad ng kapatid ni Reyna Mahanta na si Aeona. Siguradong may mahalagang pakay ang mga ito at sabay pa na sumadya sa kanilang kaharian.

Umalis na siya sa bintana upang tumuloy sa talagang pakay ng marinig  niya ang malakas na boses ni Aeona.

“Haring Odypus, handa na akong ibigay ang hinihingi mo sa akin na Batong Puti.”

“At ano ang kapalit Aeona?” tanong dito ni Haring Odypus na nakalabas na pala sa palasyo.

“Kapalit ng mortal na hawak mo.” Tusong sagot nito.

“Huwag mahal na Hari. Huwag kang pumayag sa kagustuhan niya.” Si Reyna Mahanta.

Dali-dali siyang lumayo sa bintana ng marinig ang pakay ng mga ito. Isang plano ang naisip niya dahil sa mga narinig.  Di niya papayagan na mawala pa sa kanya ang mortal. Isang mahimbing na natutulog ang nabungaran niya pagbukas ng pinto.

“Binibini gising.” Na sinabayan niya ng pagyugyog dito. Pero isang ungol lang kanyang narinig. Inulit niya ang pagyugyog dito pero di pa rin ito nagising. Inulit pa rin niya pero gaya kanina ay mahimbing pa rin. Naihilamos na lang niya ang kanyang mukha dahil sa frustration. Nang maisip na maaring pumayag ang Hari sa kondisyon ni Aeona ay binuhat na lang niya ito na parang sako at lumabas ng silid. Kailangan niyang itong mailayo doon upang di ito mapunta kay Aeona o kay Reyna Mahanta. Itatago niya ito sa lugar kung saan  siya lang ang nakakarating.









Next


    Leave a comment