Mga Baliw na Manunulat

The Heroine Meets Her Hero
Chapter 1: The Woods

Akda ni: Slade

 



           Galit na galit na lumabas ng bahay si Carmie. Nag-away na naman sila ng kanyang nanay. Lagi na lang siya nitong pinapansin nitong mga nakaraang araw. Mula sa mga dapat at di dapat daw niyang gawin, sa mga tamang kilos daw ng isang dalaga na.  Kanina lang pinagalitan na naman siya sa simpleng bagay lang na kanyang nagawa. Tama ba namang pagalitan siya agad kung aksidenteng natapunan niya ng gatas ang soup na meryenda nito. Eh sa aksidete nga at di naman sinasadya, na kahit kung minsan ay iniisip niyang gawin ang ganung bagay kontra sa nanay niya. Di niya alam kung bakit nagbago na ang kanyang nanay. Dati naman ay masayahin at mapagmahal na ina ang drama nito. But since her 18th birthday two weeks ago, her mother changed. Naging maiinitin na ang ulo nito at lagi nang nakasigaw kung magsalita, dati parang di ito makabasag pinggan kung umasta ngayon isa nang taong iskwater ang nanay niya.

          Ayaw  na niya. Di siya sanay na ganun ang nanay niya.  Lagi na lang ako napapagalitan, di na ako bata ah. Argh.. nakakasawa pala ang laging makarinig ng mga saway na walang katuturan. Ayaw ko munang makita si nanay.

       
Nakayukong pakikipag-usap ni Carmie sa sarili nang bigla siyang bumangga sa isang... puno!!!  Ay di sa siya puno bumangga kundi sa isa pang buwisit ng buhay niya, si Aldo. Puno nga!, punung-puno ng kahanginan sa katawan.


 “Hi loves,where are you going?” Maangas na tanong nito.

“Sa impyerno.” Asar na sagot niya dahil naputol ang pagsisintemyento niya.

“Ay di ka nila tatanggapin dun, cause you only belong to me, in my paradise.”

“Yuck, paraiso? Hoy mas gugustuhin ko pang maglunoy sa apoy sa impyerno kesa sa buhay sa paraisong sinasabi mo.”

“Loves naman, masaya sa aking paraiso.”

“Tigilan mo nga yang pagla-loves loves mo diyan at baka ikaw pa maitapon ko sa impyerno.” Asar niyang  sabi sabay talikod dito.

“Loves saglit date naman tayo.” Narinig niyang tawag sa kanya ni Aldo pero di na niyang pinansin ito. Kung papatulan niya ang kabaliwan nito ay baka pati siya ay maging isang dakilang baliw din. May itsura naman ito yun nga lang ay sobra sa kahanginan sa katawan. At wala siyang panahong patulan ito. Ang gusto lang niya sa oras na yun ay makalayo sa bahay nila. Mapuntahan ang lugar na matagal na niyang pinapangarap na marating, ang kakahuyan. Ang kakahuyang parang laging binabalot ng isang misteryo. Isang misteryo na gusto niyang tuklasin, sa kabila ng mahigpit sa kabila ng mahigpit na pagbabawal sa kanya ng kanyang nanay.

          Sa mga oras na yun  ay nasa gitna na ng parang si Carmie at tanaw na niya ang kakahuyan. Ang kakahuyang ipinagbabawal ng kanya nanay na puntahan niya. Ang kakahuyang di niya alam kung anong meron at bawal na bawal siyang pumasok dun. Simula ng makaintindi na siya ng salita ay yun na ang sinasabi ng kanyang nanay. Natatandaan niya nung ika-10th birthday niya, that was eight years ago. While her mother was busy preparing  for her birthday party she went to the meadow that found 15meters away from their backyard. Across the meadow is the woods. Lagi siyang namamangha sa itsura ng kakahuyan lalo na kapag tinatanaw niya sa gabi. That keeps her wondering even more. Meron parang isang tinig na animo’y tinatawag siya upang puntahan niya ang kakahuyan. Malapit na siya sa kakahuyan ng marinig niya ang mga nagsisigawang mga bisita niya kasama ang kanyang nanay.

“Anak huwag! Maraming malalaking ahas diyan.” Narinig niyang sigaw ng kanyang nanay dahilan  upang tumigil siya sa kanyang paghakbang papasok sa kakahuyan.

“Iha di ba ilang ulit na naming sinasabi saiyo na huwag kang pumunta dito.” Hinihingal pang sabi ng kanyang Tito Mael, na panganay na kapatid ng kanyang nanay na siyang unang nakalapit sa kanya.

“Pero Tito parang may tumatawag kasi sa akin upang magpunta dito.” Carmie answered innocently.

“What?”  Hindik na sabay na sa sagot ng kanyang nanay at tiyo Mael. Ang mga iba namang bisita na lumapit din sa kanya ay nagkatinginan ng makahulugan.

“Opo, kaya nga po ako nagpunta ako dito kahit alam kong magagalit kayo.”

“Anak sa susunod huwag na huwag kang pupunta dito kahit ano pa yung naririnig mo na tumatawag saiyo ha.” Malumanay na sabi sa kanya ng kanyang nanay.

“Opo, sorry po ha di ko na po uulitin.”

“O siya sige balik na tayo sa bahay baka kinain na ng aso ang iyong handa.” Natatawang singit ng kanyang tiyo na tinawanan ng iba pang nandun.

Bago siya nagpaakay palayo sa kakahuyan ay lumingon siya muna doon. Sa kanyang pagkamangha ay may nakita siyang nakatingin sa kanya na tatlong nakaitim na gown na mga babae at may nakatakip na itim din na belo sa mga ulo ng mga ito dahilan upang di niya makita ang mga mukha nila. Sa murang edad ay di niya alam kung guni-guni lang niya ang kanyang nakita o totoo. At di na rin niya sinabi kahit sinuman ang kanyang naranasan. Sa paglipas ng araw ay talagang iniwasan niya ang magpunta sa kanilang likod bahay o tingnan ang kakahuyan sa gabi.

      Sa kanilang bayan na kung tawagin Prairie Blossoms ay halos magkakilala ang lahat ng nakatira. Ang Prairie Blossoms ay meron lamang konting mamayan. Ang bayan na ito ay napapalibutan ng mga malalaking bundok at mga kaparangan na nalatagan ng mga wild flowers.  Ang mga mamayan ay halos magkakapatid ang turingan. Laging nagdadamayan at nagtutulungan. Katulad ni Carmie mahigpit ding ipinagbabawal sa mga ibang bata ang pagtungo sa kakahuyan.

       Pero ngayon nakatakdang suwayin ni Carmie ang bilin sa kanya ng kanyang nanay. Entering in the woods is forbidden... Entering in the woods is forbidden.. Anak sana huwag mong susuwayin ang bilin ko tungkol diyan sa kakahuyan.... Mga salitang paulit –ulit na umaalingawngaw sa pandinig ni Carmie habang papalapit siya kakahuyan. Mga salitang pilit niyang binabalewala dahil sa udyok ng di niya maipaliwanag na damdamin.  Ilang hakbang na lang at mararating na niya ang kanyang pakay ng parang may nag-udyok sa kanyang lumingon sa kanilang bahay. Paglingon niya ay nakita niya ang kanyang nanay at tiyo Mael na papalapit sa  kanya at sinesenyasan siyang huwag tumuloy. Pabalik na sana siya sa kanilang bahay ng maalala niya na galit siya sa kanyang nanay. Na ayaw niya muna itong makita at makausap. Na baka kapag nagkaharap sila ay papagalitan na naman siya, na baka mag-aaway na naman sila. Sa mga naisip ay bigla siyang pumihit at mabilis na pumasok sa kakahuyan.

        Para makalayo sa kanyang nanay ay lakad- takbo ang ginawa ni Carmie. Halos di na  niya pinapansin ang kanyang dinadaanan. Pati na ang hapdi ng mga maliliit na sugat sa braso niya gawa ng mga matatalim na dahon ng isang halaman na kanyang nadaraan at mga kumapit sa damit niya na maliliit na bulaklak ng isang halamang ligaw ay balewala na rin sa kanya. Nang akala niya ay malayo na siya sa pinanggalingan ay unti-unti siyang huminto sa isang malaking puno upang magpahinga at siyasatin ang paligid. Nagtataka siya sa kanyang sarili sa di maipaliwanag na nararamdaman. It seems like that the place is familiar to her, that she’s belong to that place. Muli niyang iginala ang paningin, sa kanyang pagkamangha ay may nakita siyang pagkagandang talon na napapaligiran ng mga wild flowers na may iba’t-ibang kulay. Humakbang siya palapit sa talon upang makita niya ng maayos ang paligid nang pakiramdam niya ay napasok siya sa isang invisible na portal. Mahabang saglit niyang pinakiramdaman ang paligid bago siya lumingon sa pinanggalingan. Na sa kanyang pagkamangha ay wala na ang malaking punong kanyang pinagpahingaan. Muli niyang inilibot ang paningin upang siguraduhing di siya namamalikmata. Pero wala na yung puno kanina. At... at pati na rin ang talon kanina ay nawala na rin sa kanyang paningin at napalitan na yun ng malalaking bulaklak na iba’t- ibang kulay.

      Dahil di niya maipaliwanag kung ano ang mga nakikita at nawi-weirduhan na siya ay unti- unti ng lumulukob ang takot at kaba sa kanyang dibdib. Naisip na rin niya baka nga ito ang dahilan kung bakit pinagbabawalan siya ng kanyang nanay na pumasok sa kakahuyan. Sinubukan niyang hanapin ang puno na nadaan niya kanina upang umuwi pero di niya ito makita kahit anong hanap ang gawin niya. Unti- unti na rin siyang nanghihina dahil sa kalalakad at takot na nararamdaman niya. Muli niyang iginala ang paningin ng may makita siyang mga maliliit na paro- parung lumilipad. Kumpol- kumpol ang mga ito at parang may isip na sinusundan ang isang malaking tutubi. Kahit papaano ay nabawasan ang kanyang kaba dahil naaaliw siya sa kanyang nakikita. Naisip niyang sundan ang mga paro-paro ng may maramdaman siyang malamig na bagay na kumapit sa kanyang kaliwang binti. Dahan- dahan siyang yumuko upang alisin kung ano man yun.

“Ahhh....” Malakas na sigaw niya ng makita niya ang isang malaking suso na umaakyat sa kanyang binti. Tumalon talon siya upang malaglag ito.

“Bawal ang mag-ingay sa teritoryo ko.” Anang ng malagom boses sa kanyang likuran habang siya ay tumatalon. Nang lumingon siya ay wala naman siyang makita. Kaya inakala niya na di totoo ang kanyang narinig. Ilang ulit pa siyang luminga upang siguraduhin na wala ngang tao. Pero wala siyang ibang nakita kundi ang malaki na namang suso na may balak pa atang umakyat sa binti niya. Napasigaw siya ulit ng makitang di lang iisa ang suso kundi dumami  na ang mga ito at ang isa ay kasinlaki na ng isang buko. Lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw dahil sa pandidiri sa mga suso.

“Sabi na ngang bawal ang mag-ingay dito eh.” Isang malakas at pagalit na boses ang nagpatigil sa pagsigaw ni Carmie. Lumingon siya upang humingi sana ng tulong dito. Upang lalo lang magimbal sa kanyang nakita. Isang malaking ahas ang kanyang nalingonan. Dahil sa pagkagimbal ay nagdilim ang kanyang paningin at nawalan siya ng malay.









    Leave a comment