Mga Baliw na Manunulat

Love Letter and Chuckie
(Chapter 16)

Akda ni: Sunpriestess


            Art Subject na at ang topic ng klase nina Lira ay ang painting. Kailangang makapagpinta ang mga estudyante ayon sa gusto nilang ipinta. Pwedeng imahinasyon o totoong bagay o tao ang ipinta nila. Lahat ay excited ang iba naman ay nainis. Si Lira naman ay kabilang sa mga estudyanteng excited sa ipinapagawa ng Art Instructor nila. Isa talaga sa mga hobbies ni Lira ay ang pagpipinta.

May isang estudyanteng babae ang lumapit kay Brian. Hiniling nito kung pwedeng si Brian ang gawin nitong model sa painting na gagawin nito. Pumayag naman si Brian. Noong una ay nakatingin lang ang mga babaeng estudyante kay Brian hanggang sa pagkaguluhan na ito at humiling na ipinta rin ang lalake. Naging agaw atensyon ang mga babaeng nagkakagulo kay Brian. Naalarma ang guro kaya agad itong lumapit sa gulo.

Nang tumahimik ang mga babaeng nagkakagulo ay saka naisaayos ang lahat. Pumayag ang guro na gawing model si Brian dahil payag din naman ang lalake na maging modelo siya ng mga estudyanteng nagnanais na maipinta siya.

“Te..teka Mam pwede po ba yun?” tanong ni Lira.

“Oo naman Lira. Brian is a real model. At according to the history of arts, some painters use real people as their models like Monalisa of Leonardo Da Vinci” sagot naman ng Instructor.

“Oo nga naman Lira! Huwag ka nang umangal diyan at ipinta na lang natin si Brian” sabi ng isang kaklaseng babae ni Lira.

“Brian! Baka naman pwedeng hubarin mo na yang polo mo!” hirit naman ng isang kaklase ni Lira.

Napanganga naman si Lira sa narinig. Si Brian naman ay hinubad nga ang polo nito at nalantad ang magandang katawan ng lalake. Nag-iritan naman ang mga babae sa kanilang nakita. Tuwang-tuwa at nagkagulo sa nakita. Lalong bumagsak ang panga ni Lira.

May mga lalakeng humiyaw din ng maghubad si Brian. Kinakantyawan at pinupuri ang lalake. Ngiti lang ang binigay ni Brian sa mga lalakeng nangaalaska dito. May iba naman na humirit na dapat may model din ang mga ito na babae. Muling nagkagulo ang lahat dahil walang babae na gustong maging modelo ng mga lalake.

Natahimik ang lahat ng mismong si Nadine ang magprisinta na maging model para sa mga lalake. Sa pagkakataong ito, mga lalake naman ang naghiyawan at nagkagulo. Muling pumagitna ang Instructor sa kaguluhan. Pinabalik ng guro ang mga estudyante sa mga pwesto ng mga ito para ipagpatuloy ang pagpipinta.

Nagfocus naman ang mga estudyante sa pagpipinta. Bigay todo naman si Nadine sa pagpopost nito ng sexy. Hindi makapaniwala si Lira na magagawang magprisinta ni Nadine na maging modelo sa mga lalake at magpost ng sexy. Naiinis siya sa mga lalakeng may ibang kahulugan sa pagkakatingin sa kanyang dating kaibigang si Nadine. Parang gusto niyang sundutin ng kanyang hawak na brush ang mga lalakeng iyon.

Nakakadagdag pa sa inis ni Lira ang mga kinikilig na babae sa kanyang tabi habang ipinipinta si Brian. Tumataas na talaga ang kanyang presyon. At dahil sa inis ay hindi siya makapagpinta. At may isa pang dahilan kung bakit di siya makapagpinta. Natutulala kasi siya sa katawan ni Brian na nasa kanyang harapan. Pinagpapawisan din siya at parang natutuyo ang kanyang lalamunan. Sa mga pagkakataong ilalapat na niya ang kanyang brush sa canvass at titingin sa modelo ay nawawala ang kanyang focus kaya ng matapos ang klase ay nanatiling blangko ang kanyang canvass.

“So! kumusta ang painting mo my dear friend?” tanong ni Nadine na lumapit kay Lira. Nagulat naman si Lira sa dating kaibigan at hindi agad nakapagsalita. Hindi kasi niya inaasahan na lalapit ang dating kaibigan sa kanya.

Tiningnan ni Nadine ang blangkong canvass ni Lira. “Ano ito? Ang ganda naman ng painting mo Lira. Anong tawag mo dito? The essence of white?” nang-a-asar na tanong ni Nadine saka nagbigay ng mapang-asar ding ngiti. “Anong nangyayari sa’yo Lira? Bakit wala ka man lang naipinta sa canvass mo? Hindi ito ang expectations ko mula sa iyo na kilala kong mahusay magpinta. Sabihin mo nga sa akin ang totoo…..” inilapit ni Nadine ang bibig sa tenga ni Lira at bumulong “hindi mo maipinta ang hubad na katawan ni Brian ano? Kawawang innocent bitch!” inilayo ni Nadine ang sarili mula kay Lira. Binigyan ni Nadine si Lira nang isang nang-uuyam na tawa at saka iniwan ang natulalang dating kaibigan.  

Ikalawang araw na ng pagpipinta ng klase nina Lira. Nakikita ni Lira ang kanyang mga kaeskwelang babae na seryosong iginuguhit si Brian. Noong unang araw ng activity nilang painting ay kita ng dalaga kung paano kiligin ang mga kaeskwelang babae habang ginuguhit si Brian. Ngayon ay seryoso na ang mga ito ngunit hindi maitatago ang kilig sa bawat pagsulyap sa lalake. Nang mapadako ang tingin ni Lira sa mga canvass ng mga kaeskwela ay napanganga siya. Mahusay na naipinta ng mga ito ang modelong ngayon ay nasa harapan nila at nakalantad ang magandang hubog ng katawan at taglay sa mukha nito ang isang kaakit-akit na ngiti. Naiinis si Lira sa sarili dahil hindi niya magawang ipinta ang lalake. Anong meron si Brian at nananatili pa ring blangko ang kanyang canvass.

Sinubukan ni Lira na magfocus sa pagpipinta ayaw niyang matapos ang klase na blangko ang kanyang canvass at muling lapitan ni Nadine at pagtawanan. Tumingin si Lira kay Brian at saka sinimulang ilapat ang paintbrush sa canvass. Nanginginig man ay unti-unting naiguguhit ni Lira ang lalake ngunit ng muli siyang sumulyap sa modelo at mapatingin sa mga mata nito ay bigla niyang naipahid ang paintbrush sa canvass na naglikha ng isang linya na sumira sa kanyang nasimulang painting.

Nataranta naman si Lira sa nangyari sa kanyang painting. Sinubukan niyang ayusin ito ngunit wala na siyang magawa para muling maayos ang painting. Muling natapos ang Art Class nina Lira ngunit hindi man lang nakapagpinta ng maayos si Lira. Sa sobrang inis ay pinagguguhitan niya ng ekis ang kanyang canvass. May narinig ang dalaga na tawa mula sa kanyang likuran at ng lingunin niya ito ay nakita niya si Nadine na tumatawa at umiiling-iling. Iniwan din kaagad siya ng dating kaibigan pero narinig pa niya itong nagsabi ng “Kawawang Lira” bago muling tumawa. Lalo siyang nainis sa kanyang sarili kaya naisubsob niya ang sarili sa kanyang canvass.

Napaangat naman si Lira ng may marinig siyang tikhim mula sa kanyang harapan. Nang makita niya kung sino yun ay nakita niya si Clarence na nakangiti sa kanya. “Kumusta ang painting mo Lira?” tanong nito at saka tinignan ang kanyang canvass. Napakunot noo naman ang binata ng makita ang sirang  painting ni Lira.”Anong nangyari dito?” muling tanong ng lalake. Buntong-hininga lang ang naisagot ni Lira sa lalake.

Hinawakan naman ni Clarence ang baba ni Lira at saka iniangat ang mukha nito. Tinanggal ng binata ang oil paint sa noo ng dalaga at saka ngumiti. “Huwag mong piliting ipinta ang bagay na hindi mo kayang ipinta. Mahihirapan ka lang. Bukas na ang submission ng painting natin kaya maghanap ka na lang ng ibang maipipinta. Kaya mo iyan Lira! Ikaw pa!” sabi ni Clarence. Tumango lang si Lira. “Mauna ka nang umuwi Lira. Hindi kita maihahatid ngayon. May ipinag-uutos kasi sa akin si Mr. Landicho. Ingat ka sa pag-uwi” paalam ni Clarence kay Lira.

Nang nasa bahay na si Lira ay wala siyang maisip na pwedeng maipinta. Nag-aalala na ang dalaga dahil bukas na ang submission ng kanilang paintings ngunit wala pa siyang naiguguhit. Maya-maya pa ay may naisip siya. Agad siyang kumilos at kinuha ang kanyang canvass. Nagpaalam si Lira sa mga magulang at saka umalis ng bahay.

May narinig na katok si Brian sa pinto ng kanyang apartment. Agad siyang nagtungo sa pinto at binuksan iyon. Nang tignan niya kung sino ang taong iyon ay nakita niya si Lira. Agad na may bumalot na saya sa puso ni Brian ng makita ang dalaga.

“Lira! Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Brian.

“Brian may hihingin lang sana akong pabor sayo.” sagot naman ni Lira.

“Halika muna sa loob at pag-usapan natin iyang pabor na iyan” sabi ni Brian.

Tumango lang si Lira at pumasok sa loob ng apartment ni Brian. Pinaupo siya ng lalake sa upuan bago siya tinanong kung anong pabor ang hihingin niya.

“Brian baka pwede kitang ipinta ngayon? Bukas na kasi ang submission ng paintings natin ngunit wala pa akong naipipinta sa aking canvass” sabi ni Lira at kitang-kita sa mukha nito ang pag-aalala.

“Oo naman iyon lang pala eh” sagot naman ni Brian.

Napangiti naman si Lira sa narinig. “Salamat Brian ha. Pasensya ka na sa akin. Inabala pa kita”.

                “Wala iyon. Magsisimula na ba tayo?” tanong ni Brian kay Lira. Tumango lang si Lira bilang tugon sa tanong ng binata.

                Habang inihahanda ni Lira ang kanyang canvass, palette, oil paint at paintbrush, si Brian naman ay naghanda na rin sa pagmomodel nito para kay Lira. Nagulat talaga ang binata ng makita sa labas ng kanyang apartment ang dalaga. Pero labis labis ang kanyang nararamdamang saya ng mga sandaling iyon dahil miss na miss na talaga niya ang dalaga. Mahirap pigilan ang kanyang nararamdaman ngunit kailangan niyang gawin dahil alam niyang iba ang mahal ni Lira na walang iba kundi si Clarence. Alam niyang si Clarence ang tinitibok ng puso ng dalaga dahil nakita pa niya ang dalawa ng matapos ang kanilang Art Class. Nasaktan siya ng makita ang mga pangyayaring iyon kaya agad siyang umalis upang hindi lalong masaktan kapag nakitang naghalikan ang dalawa.

                “Brian ready ka na ba?” tanong ni Lira na nagpabalik kay Brian sa kasalukuyan.

                “Oo sige. Magsimula na tayo” sagot naman ni Brian.

                Nagsimulang ilapat ni Lira ang kanyang paintbrush sa canvass ngunit nanginginig ang kanyang kamay kaya hindi naging maganda ang kinalabasan. Dahil sa inis ay muli niyang ginuhitan ng ekis ang kanyang painting.

                Napansin naman ni Brian ang ginawa ni Lira kaya kaagad niyang nilapitan ang dalaga. Nang tignan niya ang painting ay sira na ito dahil sa pag-ekis dito ng dalaga.

                “Lira ano bang problema mo? Bakit mo ito ginawa?” nag-aalalang tanong ni Brian sa dalaga.

                “Wala na talaga! Wala na talaga akong pag-asang mai-paint ka Brian. Bakit ganun? Di kita mai-paint? Kapag tinitignan kasi kita nanginginig ako kaya hindi kita maiguhit ng ayos. Sabi ni Nadine kawawa daw ako kasi I am an Innocent Bitch. Siguro nga tama siya. Hindi pa kasi ako nakakakita ng katawan ng lalake sa totoong buhay” naiiyak na sabi ni Lira.

                “Sinabi niya iyon?” tanong ni Brian. Tumango naman si Lira bilang sagot. Hinawakan ni Brian ang kamay ni Lira at inilagay sa kanyang dibdib. Napasinghap naman ang dalaga sa ginawa ng lalake kaya binalak alisin ni Lira ang kamay sa dibdib ni Brian ngunit pinigilan siya nito. “Damhin mo ang katawan ko Lira! Kapag nagawa mo yun makakapagpinta ka na.” malumanay na sabi ni Brian habang nakatitig sa mga mata ni Lira.

                Ginawa nga ni Lira ang sinabi ni Brian. Inihaplos niya ang kanyang kamay sa dibdib ng binata pababa sa abs at sa tyan nito. Maya-maya ay ipinikit ng dalaga ang mga mata para mas lalong maramdaman at mamemorya ang bawat bahagi ng katawan ni Brian na maihahalintulad sa katawan ng isang dyos mula sa  greek mythology.

                Si Brian naman ay parang nagsisisi sa kanyang ginawa. Gusto lang niyang tulungan ang dalaga na maipinta siya ngunit ng magsimula nga nitong sundin ang kanyang sinabi at haplusin ang kanyang katawan ay nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon. Mas lalong nakadagdag sa kanyang kakaibang pakiramdam ang ginawang pagpikit ng dalaga habang dinadama ang kanyang katawan. Pinagmamasdan niya ang mukha nito habang nakapikit, gusto na niyang halikan ito ngunit pinigilan niya ang sarili. Kakaibang init ang iniiwan ng mga kamay ni Lira sa bawat parte ng katawan ni Brian. Bawat bakas ay nagpapawala sa kontrol ni Brian. At nang magmulat na si Lira ng mga mata at itigil ang paghaplos sa kanya ay laking panghihinayang ang kanyang nadama.

                “Salamat Brian! Sa tingin ko maipipinta na kita” nakangiting sabi ni Lira.

                “Ganun ba? Ah shower lang muna ako! Saka na natin ituloy pagkatapos kong maligo” namumulang sabi ni Brian at saka dali-daling pumasok sa banyo.

                Habang nagbababad sa shower si Brian ay hindi mawala sa kanya ang pakiramdam na naramdaman niya kanina. Hindi mawala sa isip niya si Lira. Kailangan niyang mapigilan ang sarili bago pa siya mawalan ng tuluyan sa kanyang sarili at dahil doon ay nagtagal siya sa loob ng banyo.

                Paglabas ni Brian ng banyo ay nakita niya si Lira na gumuguhit sa kanyang canvass. Seryoso ang dalaga at habang tinitignan niya ito ay nakikita niyang maliwanag ang mukha nito. Parang masayang-masaya sa ginagawa. Napatingin ito sa kanya at saka ngumiti. Ang mga ngiting iyon ang lagi niyang hinahanap-hanap. Ang mga ngiting nagpapatigil sa kanyang paghinga at nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso. Tinawag siya ni Lira kaya agad siyang lumapit.

                Nang makalapit siya sa dalaga ay ipinakita nito sa kanya ang ginawang painting. Magkahalong saya at gulat ang kanyang nadama nang makita ang likha ni Lira. Nakaguhit si Brian sa painting na taglay ang napakagandang ngiti. Mayroon din siyang pakpak na tulad ng sa isang anghel habang nakalahad ang maganda niyang katawan. Hindi pa tapos ang painting ngunit makikita na ang kalalabasan ng likha ni Lira. Sa wakas naiguhit din ni Lira si Brian ngunit higit pa sa inaasahan ng binata ang obra maestra ng dalaga.

                “Maganda ba?” tanong ni Lira.

                “O..oo! Maganda! Wala akong masabi! Salamat Lira”

                “Ako nga ang dapat magpasalamat sa iyo. Kung hindi mo ako tinulungan wala akong maisasubmit sa Art Instructor natin bukas” masayang sabi ni Lira at saka tinignan ang sariling painting. “Nilagyan kita ng pakpak dito ha! Alam mo kung bakit?” tanong ni Lira.

                “Bakit?” ganting tanong ni Brian.

                “Because you’ve always been an angel to me simula ng makilala kita. Ikaw ang takbuhan ko kapag may problema ako. Tagapagligtas ko kapag napapahamak ako. Maraming maraming salamat sa iyo Brian ” sinserong sabi ni Lira kay Brian habang nakatitig sa mga mata ng binata.              

                Si Brian naman ay hindi na napigilan pa ang kanyang sarili at niyakap ang dalaga. Wala na siyang pakialam pa kung mali man ang kanyang ginagawa. Sobrang mahal niya si Lira at hindi niya kayang mawala ito sa kanya. Hindi niya kayang mapapunta sa iba ang dalaga. Nang mga sandaling iyon nakapagdesisyon si Brian, ipaglalaban niya si Lira dahil mahal na mahal niya ito.

     

             
 

  

  
                         



Next


    Leave a comment