Mga Baliw na Manunulat
 
Kung ikaw ay nababato, natatae, o kahit nasusuka, subukan mo sanang bigyang pansin ang sekretong formula na aking nagawa--KILIG RX. Ako ay nagsimulang magsulat ng kabaliwan noong nakaraang taon (seyosohan) pero kung ibubuking ko ang aking sarili, ay hindi ko na talaga maalala kung kailan ako nagsimulang magsulat. Nasa Elementarya palang kasi ako ay nagsusulat na ako ng kwentong pang-adik sa pamamagitan ng paggawa ng isang Comic Stip, tipong love story sa comics. hahahaha (Sige, tawa)

Ang mga readers ko noon ay mga kaklase kong nahumaling din sa palabas na Wedding Peach, Sakura at Starla. Sa ngayon ay dalawang Comic Strip nalang ang naitatago ko, iyong mga iba kasi ay hiniram at hindi na naibalik.

Ngayon naman ay nagsisimula na akong magsulat ng mga nobela, tipong kagaya ng iniidolo kong si Martha Cecilia--na pangarap kong maabot ang narating kahit na sa talampakan lamang niya.

At dahil nararamdaman kong magiging madrama na ang susunod kong matitipa, ititigil ko na. WELCOME ADIKMATES! WELCOME ALIENS! WELCOME!

Tuloy po kayo sa mundo ng aking magulo, masalimoot at nakaka-adik na imahinasyon.

[ex]